Isang linggo na din ang nakalipas simula nang makalabas ako galing sa hospital.wala akong ibang ginagawa kun'di ang magreview at mag advance study para ready ako kahit na natigil yung pasok namin.
weekend ngayon at hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa'kin na dalawin si liam sa hospital.kahit ayaw ng utak ko,ay gusto naman ng katawan ko.iniisip ko naman kung anong gagawin ko do'n,malamang marisse dadalaw ka tsk.pero sige na nga,wala rin nman akong gagawin ngayon e.
naligo muna ako.pagkatapos ay naghanap ako ng damit sa closet,nagsuot lang ako ng white crop top shirt at high-waisted jeans with a pair of sneakers shoes.naglagay lang din ako ng liptint at powder sa mukha ko,tinali ko din ang buhok ko sa ponytail para maayos tignan at sinuot na ang surgical mask.
bumaba na ako at nagpaalam kila mommy na aalis ako,nagpumilit pa si ate na sasama pero sabi ko huwag na kaya wala din siyang nagawa.nagpahatid ako sa driver namin dahil hindi naman ako marunong magdrive.
bumili din muna kami ng pagkain may maibigay naman ako do'n at pagkain ko na rin.
pagkarating namin sa parking lot ay bumaba na ako."kuya fidel,paki hintay nalang ako dito,eto oh,para kapag nagutom ko ay pwede kang makabili"ani ko sa driver namin at binigyan siya ng pera,baka kasi matagalan ako e.
naglakad na ako papasok at sumakay ng elevator.kakatok palang sana ako ay bumukas na bigla yung pinto at bumungad sa'kin yung daddy niya.
"g-good afternoon sir"gulat na sambit ko at tumango lang siya at binigyan ako ng daan para makapasok.
pagkapasok ko ay nakita kong tulog si liam,napatingin naman ako sa may couch at nakita yung mommy niya.
"good a-afternoon po ma'am"bati ko.
ngumiti lang siya.uso ba sakanila ang hindi magsalita 'pag binati?"ah,dadalawin ko po sana si liam.may dala po akong pagkain"patuloy ko at tinaas ng kaunti yung paper bag na hawak ko.
"paki baba nalang d'yan hija..nakatulog kasi si liam,maantay mo ba siya na magising?"tanong niya.binaba ko naman na sa table yung dala ko.
"opo ma'am,ayos lang po"sagot ko at nahihiyang umupo sa may upuan sa tabi ng hospital bed.
"oh siya,hija maiwan muna kita d'yan ah,ikaw muna ang bahala kay liam."nakangiting ani ng mommy ni liam at lumabas na.
bumalik naman ang tingin ko sa natutulog na si liam.ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang mukha niya.ang gwapo pala talaga niya..medyo makapal na mga kilay,mahabang pilik-mata.ang tangos din ng ilong niya,at manipis at mapulang labi..ang ganda din ng jawline niya,at medyo maputi ang balat.bakit andaya..ang clearskin niya sanaol,hindi ba siya na iistress?
nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang dumilat.napa-ayos naman ako ng upo at napaiwas ng tingin na kunwari ay hindi ko siya tinitignan.
napatingin naman ako sakanya nang umubo siya kunwari,na halatang nagpipigil ng ngiti.tumayo na ako nang hindi nagsasalita at kunwaring inaayos yung dala kong pagkain.
"anong ginagawa mo dito?"tanong niya.
"dinadalaw ka"sagot ko na hindi pa rin tumitingin sakanya.
"bakit?"
"anong bakit?ano bang ginagawa 'pag nasa hospital at may sakit ang isang tao?diba dinadalaw"sambit ko na lumingon na sa kanya.
"ok,nagtatanong lang e"inirapan ko nalang siya at hindi na umimik.
"oh baka nagugutom ka,nagdala ako ng pagkain"sabi ko matapos ilabas yung mga pagkain sa paper bag.
"mamaya na,pumunta ka muna dito sa tabi ko"seryosong sagot niya.wala naman akong nagawa kun'di sumunod.pagka-upo ko ay tumitig ako sakanya at gano'n din ang ginawa niya pero hindi ko na kayanan kaya ako nalang ang umiwas.parang may kuryenteng dumaloy sa'kin,ang weird.
"kamusta naman yung pagtitig sa'kin ng matagal habang tulog ako?"nakangising tanong niya.
napataas naman ang kilay ko."anong--hindi kaya kita tinititigan!"angal ko.
"weh,'di nga?..ayos ba ang kagwapuhan ko?"taas-noong tanong niya.
"ang yabang mo!hindi nga sabi kita tinititigan e"naiinis na singhal ko."pasalamat ka gwapo ka talaga kung hindi.."bulong ko at kumunot naman ang noo niya kaya napangisi ako.
"anong sabi mo?"
"wala ka na do'n"
"buti naisipan mong dumalaw,akala ko nakalimutan mo na 'ko e"ani niya.
"wala lang talaga akong magawa sa bahay no,'wag kang ano d'yan"
"oh?kaya pala ako ang pinuntahan mo kahit pwede ka naman makipag-usap sa mga friends mo"tatango-tangong sambit niya.
"bakit ba kinukwestiyon mo yung pagpunta ko dito?buti nga dinalaw pa kita e"asar na sabi ko at inirapan siya.
"sorry,hahaha..'di ko lang talaga kasi ineexpect"pagdadahilan niya."bakit pala hindi mo kasama si ate kath?"tanong niya.tsk si ate nanaman hinahanap.
"ayaw ko e,bakit ba siya ang hinahanap mo e ako yung nandito"masungit na ani ko.
"nagtatanong lang e,bakit nagseselos ka?"nakangising tanong niya.
"tsk..sabihin mo lang kung ayaw mo 'ko dito,aalis nalang ako"
"hindi naman sa gano'n,masyado ka namang selosa wala pa ngang tayo nagseselos ka na"nakangiting ani niya.
"ano?!..ewan ko sa'yo liam para kang timang"inirapan ko lang siya at naramdaman ko namang uminit yung pisngi ko!
"uy kinilig"pang-aasar niya sa'kin.
"kinilig mo mukha mo!"singhal ko sakanya.nakakainis naman,sana hindi nalang ako pumunta dito kung alam ko lang na iinisin niya lang ako.
"sorry na,'wag ka nang magtampo.."
"oo na,oo na hindi na"napipilitang sagot ko.
sinabi niyang nagugutom daw siya kaya kinuha ko na 'yong pagkain namin,nakisabay na rin ako sakanyang kumain dahil medyo nagugutom na rin ako.
"bakit ka ba nagkasakit?"curious na tanong ko.
"hindi kasi ako healthy nung bata ako, tapos bigla nalang lomobo yung katawan ko,puro ako junk foods,tapos na sugod ako sa hospital dahil naimpatso pala ako.
tapos simula no'n ay binago ko na,nagworkout ako para bumalik sa dati yung katawan ko,at successful naman,pero nitong nakaraan ay laging naninikip yung dibdib ko kaya nagpacheck-up na kami,at sabi nung doctor ay may sakit na pala ako sa puso,may butas 'yon na maliit.kaya ako nandito ngayon..may history kasi ng sakit sa puso yung family ko"kwento niya."anong kinalaman no'n sa pag taba mo no'n sa sakit mo ngayon?"tanong ko.
"wala lang gusto ko lang sabihin,at ishare sa'yo yung katawan ko ngayon,gusto makita?"ani niya na akmang itataas na ang damit niya para makita ko yung tiyan niya.
"ay nako liam 'wag mong ituloy 'yan,sinasabi ko sa'yo"banta ko.tumatawa naman niya 'yong binaba at nagtuloy na sa pagkain.
"syempre joke lang,tsaka ko na 'yon ipapakita sa'yo 'pag girlfriend na kita"nakangiting banat niya.
"kikiligin na ba 'ko no'n?"sarkastiko kong tanong at natawa lang siya.kalalaking tao kalandi.
"ikaw,depende sa'yo"
"puro kalokohan ang alam mo,kinakausap ng maayos e,sumeryoso ka nga minsan"sambit ko.at nagtuloy sa pagkain.
"pwede din naman akong magseryoso..sa'yo"nakangiting banat nanaman niya!
"ewan ko sa'yo,kalandi mo"inirapan ko lang siya at hindi na pinansin.
"ayon ooperahan na ako next month,pagkatapos kong operahan dumalaw ka ah"sumeryoso ulit siya.hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumango nalang ako.
pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako na uuwi na.
lalabas na sana ako ng pinto pero bigla siyang nagsalita.teka,tama ba yung pagkakarinig ko?
"namiss kitang kasama panda ko"'namiss kitang kasama panda ko'
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Novela Juvenilsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...