CHAPTER II: Ocean Deep

4 1 0
                                    


                           Days passed, it's weekend again! Every Saturday, I always go to San Carlos Orphanage.

 I started to be a volunteer there when I was 18 years old. Nahikayat lang ako noong una ng kakilala ng aking nanay. And since, I love charity work, ayun, hindi na ako huminto and kasama na iyon sa schedule in my life. There are times my friends also go with me and help there. But, usually, it's just me. 

Maybe, that's the reason why I decided to be a teacher. I want to teach the children in San Carlos Orphanage. Yes, I am a teacher. And, thank God I passed the Licensure Exam for Teachers 2 years ago.

The usual thing I do in the orphanage, number one, teaching the children, number two I also do the feeding after our class. And lastly, kung ano lang yung available na gawin. For example, maglinis ng hallway, magpaligo ng mga bata, magtanim at etc. Kulang din kasi ang tauhan sa orphanage na ito, kaya umaasa sila sa mga volunteers and donations. Kaya masayang-masaya si Sister Mary kapag saturday na daw dahil madalas, yun ang araw na madaming volunteers. Weekend kasi at walang pasok sa work. 

"Naku! Zoey! Andito ka na pala! Kanina ka pa hinhintay ng mga bata. Inaabangan nila yung karugtong daw ng kwento mo sa kanila noong nakaraang sabado", that's Sister Mary, telling me that while smiling.

"Pasensya na po, Sister Mary. Nahuli po kasi ako ng gising. Nakakapagod kasi ang weekdays dahil sa trabaho. Saka trapik din po ngayon, palibhasa araw ng sweldo at weekends kaya maraming sasakyan sa lansangan", sabi ko na nangamot ng ulo at nagalangan ng ngiti.

"Wala yun Zoey! Laking pasalamat ko nga at tumutulong ka sa amin dito sa ampunan. Bukod sa nakakabawas ng ibang gawain, napapasaya mo ang mga bata", sabi niya sabay hawak sa dalawang kamay ko.

Hay....laking pasalamat ko din sa pagpunta sa ampunang ito, kasi it helps me escape sa minsang nakakasakit na mundo ng realidad.

"Osige po, sister puntahan ko na po ang mga bata", at nagpaalam na nga ako.  Narinig kong may ihahabol pa sanang sasabihin si Sister Mary pero di ko na napansin dahil nagmadali na nga akong pumunta sa silid-aralan sa ampunan.


Pagkapasok ko sa silid-aralan, sinalubong ako ng tawag ng mga batang naguunahang yakapin ako dahil namiss daw nila ako. Well, I miss them so much too. I really love children talaga. Minsan, nangangarap na akong magbaby. Pero kapag naiisip kong wala akong boyfriend napapailing na lang ako.

Pagkatapos ng klase namin, sabay-sabay kaming lumalabas ng silid-aralan ng mga bata para pumunta sa cafeteria. Oras na para kumain na sila! 

Malaki ang San Carlos Orphanage. Sa unang palapag, may malawak na hardin kung saan nga maari kang magtanim. May malawak din na cafeteria, may palaruan din ng bata at may malawak na lobby, para sa mga bisita, 2 silid-aralan at 3 Palikuran. Sa itaas na bahagi ng ampunan, ang mga kwarto ng mga bata , opisina ng mga opisyales ng ampunan at may palikuran din.

Habang naglalakad kami papunta ng cafeteria, madadaanan ang lobby ng ampunan, may tumawag sa akin..

"Zoey! Kumusta? Nauna ka palang dumating sa akin", siya si Julian smiling at me. Oo, crush ko din yan. I told you, I have crush every where. Bukod kasi sa ang gwapo na napakabait pa. Katulad ko, isa din siyang volunteer dito. 

Anak siya ng isang politiko na minsang nagvolunteer sa ampunan. And since, nagustuhan din niya ang pagkakawang-gawa, ayan hindi na din siya huminto. Naging maging kaibigan na din kami. Mas matagal ako sa kanyang volunteer sa ampunan. Pero mas matanda siya sa akin. I'm 23 and he's 28. 

Julian is every girl's ideal man. Aside from the fact that he has a beautiful face, his personality makes him more handsome. Yes, isa ako sa nafall sa kanyang charm!

To Infinity And BeyondDonde viven las historias. Descúbrelo ahora