Almost

17 2 0
                                    

                            *******

Noon, Lagi kong inaasar ang mga kaibigan ko dahil sa nakakabaliw nilang pagmamahal para lang sa isang babae.

Para lang daw kasi sa isang babae. Lahat ibibigay mo. Lahat gagawin mo. Lahat isusuko mo. Lahat lahat.

Kase mahal mo.

Siya ang buhay mo.

Lahat 'yan hindi ko maintindihan. Hindi ako relate. At talagang hindi ako relate. Kase ano ba naman ako? Bukod sa wala akong girlfriend, isa lang akong malokong lalaki na mahilig tumawa at malakas mang-asar. Wala akong sineseryoso sa buhay. Mapikon ko nga lang ang mga kaibigan ko, okay na 'ko eh. Buo na 'yung araw ko.

Akala ko gano'n lang ang magiging takbo ng buhay ko. 'Yung pa-easy-easy lang. Walang pinoproblema. Tamang inom at pagbabarkada lang.

Pero nag-iba 'yon simula noong mayroong lumipat sa village namin.

Simula nang makilala ko si sinteza.

Si sinteza, ang babaeng pinakamamahal ko.

Ang babaeng hindi ko aakalaing mamahalin ko nang higit pa sa inaasahan ko.

At ang babaeng nagparealize sakin na na kung hindi kayo para sa isa't isa, para kay god ka.

ALMOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon