BUMABA ako sa sasakyan nang maayos ko 'yong naiparada. Ngingising nakipag-apir ako kay sid.
"Gago! Ayoko na makipagkarerahan sayo."
"Bobo ka kasi."
"Fuck you."
Malakas akong natawa.
Lumapit kami kila davios na nasa open court at naglalaro ng basketball. Kalaro niya 'yung mga residence rito sa village namin. Hapon ngayon at nakatambay lang kami rito para magpalipas ng oras. Kakatapos lang namin magcar racing ni sid at tawang-tawa pa ako kanina, natalo ko kasi siya. Siya pa naman itong malakas manghamon sa aming dalawa.
Actually, gawain na namin ito kapag wala kaming ginagawa. Minsan naman ay tumatambay kami sa kung saan mang may mapuntahan. Pasalampak akong umupo sa semento habang pinapanood sila sa gitna. Tumabi sa'kin si paul. Tropa ko rito sa village.
"Tol,"
"Oh? Utang ka? Wala akong pera."
"Gagu, hindi. May bagong lipat diyan oh, sa tapat ng playground. Ang ganda tapos sexy pa. Tangina, tinigasan nga agad ako eh."
Malakas kong tinapik ang batok niya. "Libog mong hayop ka."
"Seryoso nga kasi. Nakita mo lang kanina." Aniya at biglang tumawa nang malakas. Tinuro niya ang ibang kaibigan namin. "'Yang mga gagong 'yan. Ayaw umalis dito dahil baka raw lumabas pa. Kapal pa ng mukha ni mando."
Kumunot ang noo ko. "Baket?"
"Ligawan niya raw hahahahahaha! Tangina mas mukha pa ngang makinis ang talampakan no'n kaysa sa mukha niyang uka-uka."
"Ikaw, ligawan mo?"
"Hindi. Mukhang bata pa eh. Gusto ko 'yung single mom."
Iiling akong natawa. "Tarantado."
"Hoy, tara laro!" Napalingon kaming dalawa kay mando.
"Ayoko na!" Sigaw pabalik ni paul.
Tumingin sila sa akin pero umiling lang ako. Wala ako sa mood. Atsaka, may pasok pa kami mamaya. Mangangamoy pawis lang ako kapag sumali pa ako sa kanila. Tinatamad pa naman akong magpalit.
Nanood lang ako sa paglalaro nila at paminsan-minsa'y nakikitawa. Nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ay kinuha ko iyon. Nag-angat ako ng tingin kay davios. Hinihingal siyang nakatungkod sa sariling siko.
"Vios!"
Sumulyap siya sa'kin. "What?"
"Balik na tayo. Tapos na vacant."
Tumango siya. Patakbo siyang lumapit sa kotse niya. Gano'n din ang ginawa nila ni sid at nagsisakay sa kani-kanilang sasakyan. Nagpaalam kami kila paul bago bumalik sa campus. Mabilis lang din naman natapos ang pang gabing klase namin kaya dumiretso na ako ng uwi.
------
BITBIT ang aso kong si luca ay nag-ikot ikot kami sa loob ng village. Hinayaan ko siyang amoy-amuyin ang mga damo. Weekend ngayon at wala kaming pasok kaya nakatambay lang ako sa bahay. Kaso napalabas naman ako dahil kanina pa kasi 'to tahol nang tahol. Mukhang dudumi ata kaya nilabas ko muna. Hawak ang dog leash sa kanan kong kamay, pinasok ko ang kabila sa loob ng pocket at nagpahila kay luca. Humikab ako.
BINABASA MO ANG
ALMOST
Teen FictionI once believed in a fairy tales. I thought every love story always has a happy ending. But I guess I was wrong. Because mine, ended up in tragic. We are almost there. To the happy ending. But fate is really unpredictable. Fucking unpredictable.