CHAPTER SEVENTEEN

106 19 1
                                    

"Mang Caloy, napansin niyo po ba si–?"

"Hector?" Mabilis na dagdag niya. "Hindi ba kikitain natin siya ngayon?"

"Hindi ko po nasabi sa inyo pero hindi raw po siya makakasama sa atin ngayon dahil busy siya." Malungkot kong balita sa kaniya. "Si Damien po ba ay napansin niyo?"

"Ah 'yung gwapong mabait na lalaki?"

"Opo!"

Nakasakay kami ngayon sa kotse, papunta kami sa mall dahil bibili kami ng ipangreregalo. May maganda rin namang dulot ang hindi pagdalo ni Hector dahil makakabili ako ng gamit at pangregalo para sa christmas party.

"Hindi eh." Sabi nito at nagmaneho na. "Ihatid muna kita sa mall ah, pinapapunta kasi ako ng mommy mo sa kaniya."

Tumango lang ako at naghintay na makarating.

After ten minutes we already arrive, bumaba ako at nagpaalam kay Mang Caloy. Dumiretso agad ako sa Things Do para maghanap ng pwedeng iregalo.

Binuksan ko ang kapirasong papel galing sa bulsa ko para malaman kung sino ang pagbibigyan ko ng regalo.

DRP

Bigla akong napangiti nang makita ang initials na 'yan, Damien Risco Pineda. Siya lang naman ang iisang DRP sa section at nakakatawa pa dahil acronym lang ang ginamit niya. Wala siyang nilagay na gusto niyang matanggap, ang sabi ng adviser namin ay lagyan pero sa kaniya wala.

Nilibot ko ang buong store at nagpunta sa book section. Hindi ko alam kung mahilig siya sa libro pero kumuha ako ng isa. Nagtungo ako sa mga ballpen at nakakita ng flamingo ballpen, naalala ko noong bata pa ako ay binigyan din ako ni Isko ng ballpen na may kaparehong design. Kumuha ako ng dalawang flamingo ballpen, at isang keychain na may nakasulat na turn around, kaya pa!

Nagpunta agad ako sa cashier para magbayag.

"Do you have stationary paper po?" Tanong ko sa cashier. Naisip ko kasi na lagyan din ng letter ang regalo ko sa kaniya.

"Yes ma'am, wait here po!" Sabi niya naman at pumunta na sa likod. Bumalik din siya agad na may dalang iba't ibang design, "You can pick here po!"

Habang pumipili ay nahagip ng mata ko si Hector, may malaki kasing salamin sa gilid ng counter. Nakangiti naman ako dahil pumipili pala siya mula sa labas na ipangreregalo niya ata. Pumili na ako agad para makausap si Hector, pinili ko ang kulay pula.

Lumabas agad ako ng store at saktong lalapitan ko na sana si Hector nang may bigla siyang hinalikan.

Hindi agad ako nakagalaw, bigla ko na lang nabitawan ang mga pinamili ko. Nanlalamig ako, na-e-estatwa ako at hindi ko alam ang kasunod na gagawin ko!

Pinagmasdan ko lang silang dalawa, naglakad sila paalis at magkahawak ang mga kamay. Pagliko nila ay nakita ko ang mukha ng kasama niya, si Yssa!

Hindi mapigilan ng mga likidong nasa mata ko na pumatak, dahan-dahan silang pumatak habang dahan-dahan ding nag-si-sink in sa akin na nadudurog ang puso ko.

Nang mahimasmasan ako ay nagmadali akong lumabas ng mall. Nandoon na si Mang Caloy, agad kong binuksan ang pinto ng kotse, binato ko ang mga pinamili ko at pumasok.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Mang Caloy.

"Maalikabok na po pala yung kotse, napuwing po!" Walang ganang sagot ko, pinunasan ko muli ang luha ko at nginitian siya.

Hindi na siya nagtanong pa at pinaandar na lang ang kotse. Kinuha ko ang cellphone ko, sobrang blured niya dahil natuluan ko siya ng luha, hindi mapigil ang luha ko!

Damien, Damien, Damien!

Agad ko siyang chinat, hindi ko alam kung bakit pero kailangan ko ng kasama, masakit ang damdamin ko, sobrang sakit.

Damien

Oh?

Nakita ko si Yssa at
Hector

Saan?

Pumunta ka ng bahay

Bakit?

Usap tayo, please

Okay.

Sinalubong ako ni Nanay noong nakauwi na kami, kinuha niya ang mga pinamili ko at tinago.

"Bakit namumugto ang mga mata mo?" Tanong niya sa akin, hinagod niya ang buhok ko.

"Wala po ito Nanay, ayos lang po ako." Humiga ako sa sofa at tinakpan ang mata ko gamit ang braso.

"Sabihin mo kapag may kailangan ka ah!" Umalis agad si Nanay at pinuntahan ni Mang Caloy.

Narinig ko sila na nagtanungan kung ano ang nangyari sa akin, walang maisagot si Mang Caloy dahil hindi ko rin sinabi sa kaniya.

Pumikit ako pero hindi pa rin tumigil ang paglabas ng luha ko. Ano bang iniiyak ko? Motibo lang naman ang binigay sa akin pero bakit sobrang sakit? 

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now