Saturday morning, I heard my phone ringing. I got pissed off and look for my phone. Sinimulan kong hanapin yung phone ko ng naka pikit at mga ilang segundo lang, nahagip ng mga kamay ko ang phone ko. It was under my pillow.
“Sino kamang kumag ka, DON’T.EVER.CALL.ME.AT.MORNING!!! You suck!!” then I throw my phone in my laundry basket. I don’t care kung tawag o alarm man yun. Alam naman ng lahat ng taong nakapaligid sakin na Im not a morning person. I’ll just say sorry whoever that is mamaya. All I need is a 5 more minutes. Ka aga aga nambubolahog, peste.
“Wait ahahahahahahaha! No please ahahahahaha!! Pooty stop it!! Hahahahaha” *Boogsh!
“Angsakit ng puwet ko! Aray!!” nahulog lang naman ako sa kama. Pano ba naman kasi? Dinilaan ni Pooty ang tenga ko, e malakas ang kiliti ko dun. Kaya ayun nahulog ako. Napa tingin nalang ako kay Pooty na halatang tuwang tuwa. Dahan dahan akong tumayo papuntang pintuan.
“Bad dog! Get out now Pooty!” sabi ko sa poodle dog ko. Pero imbis lumabas, lumapit siya sakin at pumunta sa likuran kong paa at tinulak tulak ako gamit yung ilong niya. Tinulak niya ako palapit sa drawer ko na malapit lang sa kama ko.
“Anong meron Pooty?” sabi kasi ng veterinarian ni Pooty, listen to your pet. Minsan daw nakakapag salita ang mga hayop, hindi lang natin sila maintindihan. Kaya eto ako, kinapa kapa ko yung nasa itaas ng drawer baka may message si Pooty sakin. “Arf! Arf!!” tumingin ako sa kanya at nakita kong sa baba pala ng drawer yung tinutukoy niya. Binuksan ko yung drawer at nakita ko yung calendar, bale list of activities namin to ni Pooty. Nagulat ako ng makita kong may pulang ekis sa araw na 4. Birthday pala ni Pooty. Nakalimutan ko. Kaya pala ginising niya ako kanina.
“Happy birthday Pooty” kinarga ko siya at niyakap. Pansin kong natutuwa siya kasi gumagalaw galaw yung buntot niya. Hinarap ko siya at sinabihang, “Sorry baby Pooty kung nasigawan kita kanina ah? Ikaw naman kasi e, kiniliti mo ako tapos nahulog pa ako. Alam mo namang ayaw ko ng istorbo sa tulog right?” naka tingin lang siya sa akin at parang nakikinig. “Next time wag muna ako ulit kilitiin ha? Kundi sa labas ka matutulog kasama si Mingming, gusto mo ba yun? Kaya ikaw baby ah, be a good girl always” at parang nakaka intindi siya kasi nag “Arf! Arf!” siya. Kiniss ko siya at binaba na.
“Gandang buhay Ma!” pa wave wave akong pumasok ng dining area. Nakita ko agad si Mama na nag hahanda ng almusal.
“Ang aga mo ata ngayon nagising nak? Kala ko ba “Im not a morning person ma”?” sabi ni mama na ginagaya gaya yung pananalita ko.
“Whatever ma, eto kasi si Pooty ginising ako” sabi ko tsaka tumayo at kumuha ng tubig sa ref pati na rin ng mga baso.
“E diba, birthday niya ngayon?” buti pa si Mama na alala yung birthday ni Pooty, di tulad ko. Tsk talaga, makakalimutan ko naman kasi.
“Oo nga po e. Asan na sila S---“Shawn!! Dawn!! Baba na kayo!! Kakain na” talaga nga namang pinutolan pa ako ni Mama.
“Hi Pooty!! Happy birthday!!” napa tingin naman ako sa sala. Andun pala si Pooty at si Dawn. Pansin kong masiyahin ngayon si Pooty. Napa ngiti nalang ako.
“Dahil birthday mo ngayon Pooty, bibilhan kita ng bagong dog food!! Hali ka nga dito!” masayang tugon ni Kuya Shawn. Ngayon ko lang napansin na may regalo na pala si Dawn at sinusoot niya ito ngayon sa paa ni Pooty. Isang bracelet lang naman na nakalagay “Dawn and Pooty Forever”. Talaga nga namang inagawan pa ko ng alaga.
"Ma, kain na tayo sabihan mo na din sila” ngumuso ako sa sala para makita ni Mama sila Dawn
“Kakain na!” tawag ni mama saka umupo.
Nariinig ko ang mga yapak nina Dawn at Kuya at base dito ay papalapit na sila kaya umayos na ako ng upo at kumuha na ng pagkain.
“O Ate? Ang aga mo ata ngayon? Papasok na sana ako ng kwarto mo para gisingin ka e, pero di na pala kailangan” panga asar ni Dawn sakin.
“Tumigil ka nga” sabi ko nalang sa kanya.
“Di siguro naka tulog kagabi sa kakaisip pano mag move on hahahaha” pang aasar at pang lalait ni Kuya. Bwesit na to, kung di lang talaga siya yung kuya ko, binugbog ko na to. Peste talaga.
“Funny kana niyan kuya? Tsaka pwede ba? Bawal bang maaga akong gumising? Kayo lang ba ang pwede? Marunong din ako no” sabi ko saka subo ng hotdog at kanin.
“E kasi nga” he paused and tumingin kina Mama at Dawn at sabay sabing, ““Im not a morning person” gaya gaya pa nila yung boses ko. Napa irap nalang ako sa inis at binilisan ang pagkain.
Nag usap pa sila ng tungkol sa maraming bagay pero di na ako sumali sa usapan, baka ako na naman makita. Sabi kasi ni Mama “Gawing usapan, ang hapagkainan” kaya naman ang sabi ko rin sa kanya “Mama naman, gaya gaya ka lang dun sa commercial eh. Originality naman diyan Ma” humagalpak pa ako ng tawa kaya nabatukan ako. Si Mama kasi minsan di maka ride ng jokes. Ayun tuloy.
Agad akong pumasok sa kwarto ko, naligo at nagbihis kasi may date ako ngayon. Nilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay ng pulbo. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang soot ko. Naka pedal lang ako at blue na v-neck shirt. Okay na to, sa park lang naman punta ko eh.
Bumaba na ako at nagpa alam kay Mama, “Mama! Labas lang kami ni Pooty, diyan lang sa park uuwi din ako ng lunch. Babye po!” kinarga ko na si Pooty at lumabas na kami ng bahay.
BINABASA MO ANG
That thing called "Destiny"
Teen FictionOngoing palang 'to pero sana suportahan niyo pa din. Thay thing called "Destiny" ●2015 ~SPONGEBABE