'Ayayaten Ka'
Isa akong probinsiyanang Ilocana na napadpad sa Maynila para mag-aral. Doon ko nakilala si Joaquin, ang crush ko noon.
Schoolmates kami at talaga namang kilalang-kilala itong si Joaquin bilang babaero. Pero anong magagawa ko? Crush ko eh. Pogi kasi at isa siyang maginoong medyo bastos.
Una ko siyang nakilala nung nagkabangga kami at nahulog ko ang dala kong mga aklat na hiniram ko sa silid-aklatan.
"Sorry." saad niya at tinulungan akong pulutin ang mga ito.
Wala akong masabi sa taglay niyang kagwapuhan. Makapal na kilay, maitim na mata, matangos na ilong, mapupulang labi, makinis na mukha.
Ibinalik niya sa akin ang mga aklat at tuluyan nang umalis. Sinundan ko na lamang siya ng tingin.
Buwan ang lumipas at lagi akong sumusulyap sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso ko sa 'twing makikita ko siya. Hindi ko mapigilang mamula kapag nasasalubong ko siya sa hallway o sa daan man. Nasasaktan ako kapag may kalandian siyang iba. Kailan kaya ako mapapansin ni Joaquin?
Buwan ulit ang lumipas bago ko naisipang ipagtapat ang aking damdamin para sa kanya sa pamamagitan ng lyrics prank. Mabuti na lamang at in-accept niya ang aking friend request.
Huminga muna ako ng malalim at naghakot ng lakas ng loob bago tuluyang tumipa sa keyboard.
👧: bakit kaya nangangamba?
seen👧: sa 'twing ika'y nakikita?
seen👧: sana nama'y magpakilala...
seentyping...
👦: Hi, Helga! I'm Joaquin
seenLumundag sa tuwa ang puso ko nang nagreply siya. Totoo ba ito!?
👧: Ilang ulit nang nagkabangga..
seentyping...
👦: really? I can't remember..
seentyping...
👧: aklat kong dala'y pinulot mo pa..
seentyping...
👦: eh? di ko maalala..
seentyping...
👧: di ka pa rin nagpakilala...
seentyping...
👦: ako nga si Joaquin 😂
seentyping...
👧: bawat araw sinusundan...
seentyping...
👦: stalker ka ba?
seentyping...
👧: di ka naman tumitingin...
seentyping...
👦: baka pangit ka 😂✌
seenNasaktan ako sa sinabi niya pero nagpatuloy pa rin ako.
👧: anong aking dapat gawin?
seen👧: kailan?
seentyping...
👦: ang alin ba? yung birthday ko? september 12, 199*
Napatawa ako sa reply niya.
👧: kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
seen