Mabilis akong mairita sa ingay. Nasa kwarto lang ako, nakikinig ng musika. Nanood sila papa ng 'Ang Probinsyano'.
Mabilis akong mairita sa ingay.
Andaming satsat ni papa, na kesyo ganito at ganyan.Di sana siya na lang nag-direk! Nakaka-irita talaga. Isang salita pa at baka matuluyan na siya.
"Lintek na!"
Tuluyan na akong nagalit at lumabas sa aking silid. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain.
Pagkatapos ay bumalik ako sa aking kwarto at kinuha ko ang gunting.
Sinaksak ko ang leeg ni papa, sumisigaw si mama."ANONG GINAGAWA MO!?"
Isinunod ko na si mama. Nakakadagdag lang siya sa ingay. Pinagsasaksak ko rin ang leeg niya.
Ayan, wala nang maingay! Pero baka mamaya, magsalita pa sila.
Pumunta ako ng kwarto ni mama at kinuha ang sewing kit niya.
Nagsimula na akong magtahi. Nilagyan ko ng zipper ang bibig nila. Ang bait ko pa pala.
"Hahaha, ngayon bubuksan ko lang iyan pag nais ko kayong maka-usap."
Ayoko ng maingay. Ginigising nito ang pagka-demonyo ko.