Mahal, Salamat sa Pambura

8 0 0
                                    

Mahal, salamat sa pambura.

Salamat sa pambura. Pero kahit ito'y maubos.. Tandaan mo, mahal pa rin kita.
Salamat sa pambura. Tandaan mo, kahit ito'y mapudpod, sa puso ko ika'y hindi mawawala.
Salamat sa pambura. Pero tandaan mo, hindi basta-basta ang tinta ng pagmamahal ko. Hindi ito lapis, na konting pagkakamali lang ay mabilis na mabubura.. Mahal, ang nararamdaman ko sayo'y totoo. Na kahit may mali handa akong gawing tama ito. Na pag may problema handa akong hanapan ng paraan ito. Na kahit masakit handa akong labanan ito.
Mahal, salamat sa pambura. Alam mo bang kukupas lang naman ang tinta pero hindi ito tuluyang mabubura?
Ang aking ibig sabihin, mahal kita pero may nagbago na.

Poems and Other ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon