-Krystal-
"Babe ayos na ba lahat?" Tanong ko kay Dean habang inaayos ang bagpack ko.
"Yes.Tara na naghihintay na sila" hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay hinihila ang luggage.
Tapos na ang internship niya kaya balak muna naming magbakasyon kasama sina Sab sa boracay.May resthouse sina Ace doon kaya hindi namin problema kung saan kami matutulog.
Sumakay na kami sa van pagkatapos naming ilagay ang luggage sa trunk.
Nakatulog si Dean sa balikat ko habang nasa byahe kami.Late na siyang natulog kagabi dahil sa kakaaral niya para sa board exam.
"Wake up love" hinalikan ko ang pisngi niya at tinapik siya nang bahagya para magising siya.Unti unti niyang dinilat ang mga mata niya at inayos ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
Ilang minuto lang ay nakasakay na kami sa eroplano.Tinuloy ni Dean ang tulog niya para hindi siya antukin mamaya.
"Guys huwag kayong maingay natutulog si Dean" pabulong na saway ko sakanila dahil nagtatawanan sila
"Si Sandra kasi e" turo ni Sab kay Sandra habang tumatawa
"Why? Nakatingin siya sa flight attendant!" magkasalubong ang kilay ni Sandra at padabog na sumandal sa upuan niya.
"I told you she was asking me if I want something.That's all" mahinahong pagpapaliwag ni Ace.Natatawa na din ako nang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
"But you were looking at her intently!" Sandra defended.I just shrugged and let them argue.
I took a picture of Dean sleeping and posted it on my IG story.My friends immediately replied
Izabelle:
Stay strong you guys!
Kyliequane:
Miss the old days:(
PaElla_yum:
Samaaa! Upo nalang ako kay papi Calvin hehe peace:)
Lucyfer:
Ayaw ko yun tinulugan ka! Kung ako sayo bigay mo nalang sa'kin
Ewan ko kung matutuwa ba'ko kina Lucy at Ella.
Nang malapit ng maglanding ang eroplano ay nagising na si Dean.Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang pisngi ko
"Sorry I slept" sabi niya
"No need to say sorry hubby.I know board exams are difficult and I understand" I gave him a sweet smile
Malapit ng mag 12pm nang magland ang eroplano kaya napagdesisyonan naming maghanap ng restaurant at kumain muna.
"Babe eat more, you too Sabrina" magkasalubong ang kilay na sabi ni Dean
"But kuya I'm on a diet" Sabrina answered