Kabanata 13

33 8 1
                                    

Night after Mistakes

"Dad what is happening here?!" iritado kong naibagsak ang pintuan nang makapasok ako sa opisina ni Dad.

Alam kong nandito siya dahil bago ako pumasok sa opisina niya'y nakita ko ang ilang body guards na nakabuntot sa kaniya palagi. Sa likod ako ng mansion dumaan  dahil nahihiya akong magpakita sa mga bisita nila Dad and My na ganito ang hitsura. Mukhang nagulat silang dalawa sa biglaang pagpasok ko dahil hindi na ako kumatok at dumiretso na agad ng silid.

Napabuntong hininga si Dad bago inikot ang swivel chair niya upang humarap sa akin. "There's a conference going on here, Darling. So get ready in your room and I will introduce you to the guests." Sagot niya.

Napaawang naman ang aking labi.  "And you didn't tell me?! At bakit si Lucas ang sumundo sa akin kanina?" napahawak ako sa aking baywang habang nangungwestyon ang mga matang tinignan siya at si My.

Napaawang rin ang labi ni My bago nagsalita. "Ipinasundo kita sa kaniya, Wynter." Ani My pero hindi ko na nadugtungan pa ang kaniyang mga sinabi dahil nagsalita agad si Dad.

"Should we need to tell you right now, Darling? This is a surprise, and you found it already." Ani Dad.

What a kind of surprise? Is this their surprise that Lucas picked me up to drive me home after school? And what?! To see my boyfriend here in our mansion with his companions?! This is really a surprise and I was surprised!

Binalingan ni My si Dad. "Wilmot, this is not the right time..." Pagpapaalala ni My sa kaniya.

I was even more confused. I don't know what to think. Nothing really goes into my brain. I was shocked by the events so they mixed up in my head. Ano 'to...

Tahimik akong hinayaan muna silang mag-usap habang binibigyan pagkakataon ang aking utak na makapag-pahinga.

"She's just seventeen. Your daughter is still young. Hindi ka ba nag-aalala sa mararamdaman niya? H'wag mo sanang isipin na gagawin niya rin kung anong ginawa ko?" My said while stroking Dad's shoulder.

Humugot ulit ng hininga si Dad at napahawak sa kamay ni My. "But, Denise. Kahit pa sumama ang loob niya sa atin, alam kong gagawin niya rin ito. Kilala ko ang ating anak." Their faces were sad.

Nag-alala naman ako nang sulyapan ako ni My. Bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata. Tila may tinatago sila sa akin na hanggang ngayon ay hindi nila gustong malaman ko.

"Dad... What is really happening? Ano ba ang hindi ko nalalaman?" tinaasan ko na ang boses.

"Go to your room. Mag-ayos kana, Wynter... Nandito na sila kanina pa." Ani Dad at kinuha ang isang telepono na naroon sa kaniyang desk.

May pinindot iyon doon at ilang sigundo lamang ay may kinakausap na siya.

"Kunin niyo na siya rito." Sabi niya sa kabilang linya.

Napaawang naman ang aking bibig sa narinig. Ngunit agad din naman akong huminga nang makapalma ang sarili. Wala pang sigundo ng ilapag ni Daddy ang telepono, may bumukas na ng pintuan.

"Ma'am? Tara na po." Balikwas ng isang maid sa akin ng lumingon ako.

Medyo gulat pa ang kaniyang mukha. Siguro'y dahil nagulat rin siya sa naging reaksyon ko. A novice maid held out her hand to me. It seemed to be waiting for me to accept her hand and imitate me on the outside. But I am not a princess to guide her further. I had just walked to the door and before I could open it, an unknown man respectfully opened it.

"Bonjour mlle, Wynter..." Sabi nito at bahagya pang yumuko sa harapan ko.

Nailang naman ako sa kaniyang ginawa. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil hindi ko naman maintindihan ang kaniyang sinasabi. I just nodded at him to not him disappoint with my attitude.

His Warm Affection (On-going)Where stories live. Discover now