It was a cold Saturday morning and the guys have decided to take a walk and get some early hot brewed coffee just across the building. The five of them decided to stay at the cozy little coffee shop and have some little chit chat. They settled on one certain topic. And that is, their girlfriends.
"Alam mo bro, grabe magselos girlfriend ko. Akalain mo yun, pulang pula yung kaliwang tenga ko sa kapipingot niya. Akala ko nga nung una matatanggal na eh." Derrick narrated.
"Si Lexi?" Josh asks in disbelief.
"The one and only." sagot naman ni Derrick na tatango tango whilst remembering the unpleasant past.
"Hanep! Ang astig naman ni Lex pare. Nagawa niya yun sa'yo? Sa isang Derrick Monasterio? Di ko maimagine mukha mo tsong!" tatawa tawang sambit ni Sef.
Binatukan naman siya ng huli.
"Gago ka Sef! Ikaw ba? Huwag mo sabihin si Yassi hindi ganyan sa'yo?"
Napakamot na lang si Sef sa ulo sabay ngiti.
"Ganun din..."
"Yun naman pala eh! Tas kung makatawa.. Tsk. Tsk. Tsk."
"Kwento ka Cadayona!" si Steven.
"Ah eh.. Ganito kasi yun eh. Naalala niyo ba yung nasa boracay tayo? Nung Party Pilipinas pa yung program natin, di pa SAS?"
Tumango naman ang apat na binata sa kaibigan. Pagdaka'y pinagpatuloy naman ni Sef ang pagkukwento.
"Minsan kasi nagselos yun dahil ibinalandra ko yung katawan ko sa beach. Sinigawan ako pare! She says na doon na raw ako sa mga girls sa beach, tutal mukha daw enjoy na enjoy ako" Sef shook his head at the memory. Natatawa siya sa inasal ng nobya noon. "Siyempre beach di ba? Alangan naman magpolo ako at magpantalon? Lalo na at magsiswimming ako. I even tried to reason out pero wala mga brad. Di ako pinakinggan! At ang matindi pa niyan, nanatili akong topless buong maghapon dahil nilock niya lahat ng damit ko sa room namin! Di naman ako makapasok dahil nasa kanya ang susi."
"Eh paano kayo nagbati?" si Enzo.
"As what I've said, hapon na noon. Buong hapon niya akong natiis. Nasa isa ako sa may cottage na naroon within the area and it was overlooking the waters of the island. Nanginginig ako noon sa lamig at akap akap ko pa ang sarili when I suddenly heard her voice at tinatawag pangalan ko. Nakita ko din naman siya agad with a towel in her hands. Nang nakita din niya ako ay agad niya akong niyakap, draping the towel on my shoulders in the process. She told me she's sorry at umandar na naman pagiging oa at selosa niya. Siyempre natuwa naman ako. Inadmit niya eh. Tas tabi kaming natulog kinagabihan."
Napangiti naman si Sef sa huling sinabi.
"Naks sweet nun. Haha!" komento ni Enzo. "Ano nakascore ba?" pilyong tanong naman niya.
"Ulol! Ha ha ha!"
"Si Sarah nga medyo ganun din." nakangusong sabi naman ni Enzo. "Kasi pagnagselos yun, makikita mo talaga yung ilong niya na umuusok tapos namumula yung kanyang buong mukha! Parang live horror movie lang! Grabe din makakurot yung babaeng yun! Di ako tinatantanan kapag hindi pa kuntento."
Napailing lang si Enzo saka ay nilagok nito ang kaoorder lang na kape ng tuloy tuloy at hindi alintana kung gaano ito kainit.
"Kung ikaw pare may libreng horror film ako meron namang free haircut. "Steven stated which earned him confused looks from his friends.
"I could feel na nasasama ang aking buhok at anit sa tuwing sasabunutan niya ko. That woman. Nakalimutan niya atang nasa showbiz industry din itong boyfriend niya at pinapangalagaan dapat natin yung looks natin."