CHAPTER FIVE

99 2 2
                                    

Ang tamad na Author: To all aspiring writers out there, I just want to say you're awesome! Keep writing and share your talents to the world. If you love writing, then don't give up and strive more. Kudos!

God bless and keep safe everyone!


~oOo~

HINDI manalam ni Patricia kung matatawa, maiiyak, maiinis o mahihiya dahil sa katangahan niya nang nagdaang gabi. Nananalangin nalang siya na walang nakakaalam ng kabobahan niya kundi ang best friend niyang si Lana na halos gumulong na sa pagtawa nang nagdaang gabi. Nang maapuhap kasi niya sa isip na naiwan niya ang sasakyan sa parking area ng building ng opisina niya ay halos masabunutan niya ang sarili sa sobrang inis.


Napapabuntong-hininga na pumasok siya sa building ng masiguro na nandoon ang sasakyan niya kung saan niya ito iniwan ng nagdaang gabi.


"Good morning po, ma'am!" Masiglang bati ng security guard sa kaniya.


"Good morning din po," ganting bati naman niya habang nginingitian ito.


"Mabuti po ma'am at maaga kayo ngayon? Napasin po kasi namin na naiwan ninyo ang sasakyan ninyo sa parking lot kagabi."


Muntik nang mauwi sa pag-ngiwi ang ngiti ni Patricia pero pinigilan niya ang sarili bagkus ay nagpakawala siya ng isang alanganing tawa saka humingi ng paumanhin sa guard dahil sa abala ng pagbabantay ng mga ito sa sasakyan niya.


"Naku, wala po 'yon ma'am. May mga empleyado rin naman pong nag-iiwan dito minsan ng mga sasakyan nila lalo na kapag iyong iba ay nakikisabay sa iba nilang kasamahan. Huwag po kayong mag-alala at safe naman po 'yan dito."


Nagpasalamat na siyang muli rito saka dumeretso sa elevator. Nang makarating sa desk niya ay agad namang nagbalik sa diwa niya ang naganap na pang-aasar ni Lana sa kaniya kagabi.


"Alam mo friend, ikaw talaga ang sagot sa kalungkutan ko e. Buti nalang nand'yan ka para pasayahin talaga ako," nangingilid ang mga luhang sabi ni Lana.


Inirapan niya ito dahil alam niyang naluluha ito sa katatawa sa sitwasyon niya.


"Tumigil ka na nga, para namang ang big deal na naiwan ko ang kotse ko sa parking," nakasimangot pa ring pakli niya rito.


Nagpunas ito ng luha saka siya binigyan ng isang nakakalokong ngiti. "Hindi naman talaga big deal 'yon 'te. Ang big deal kasi ay 'yong dahilan ng pagkakalimot mo na may dala kang sasakyan dahil lang nakipag-dinner ka sa boss mo. Ano? Nawindang ka masyado sa kagwapuhan niya kaya nakalimutan mo na ang mga bagay-bagay sa paligid mo?" tumataas-baba ang mga kilay nito habang tinutukso siya kaya kinuha niya ang isang una na malapit sa pwesto niya at ibinato sa mukha nito. Malakas na tawa lamang ang iginanti nito sa kaniya.


"How would you describe the feeling 'te? Was it really like what the books said? That there are butterflies in your stomach? Or did everything turn into slow motion?" Patuloy na pang-aasar nito matapos makahuma sa pagkakabato niya ng unan.

Begin Again (ANAC book 2-on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon