Tine's POV
"Sarawat?!" sigaw ko ng makita ko siya sa peephole.
Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba yung pinto, sa huli ay binuksan ko nalang.
"Pano mo nalamang nandito unit ko?" tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.
Medyo nagulat sya sa tanong ko, pero hindi nya ito sinagot.
"Yung binili mong t-shirt kanina, nasa'kin pa. Hindi mo nakuha kaya hinatid ko nalang dito." sabi nya.
"Ah oo nga pala, di ko pa nakukuha. Thank you ah!" sabi ko sabay tapik sa balikat nya.
"Sige alis nako-"
"Teka, wat!" sigaw ko pero naka alis na sya agad, di na sya lumingon.
Wala na'kong ibang nagawa kaya pumasok nalang din ako, sinukat ko yung T-shirt na binili namin kanina.
Kasya naman sa'kin, I quickly grabbed my phone and I did a mirror shot. I posted it on Instagram with the caption 'Thanks for the Help'.
I posted it.
Nang matapos ko na itong ipost ay hinubad ko na yung t-shirt at pumunta na sa banyo para mag half bath.
Paglabas ko ng banyo ay agad akong nag bihis ng pang tulog ko at umupo muna ako sa study table ko para gawin yung iba't ibang assignments ko.
Shet, ang hirap. Halos dumugo na ilong ko sa kakaintindi ng instructions pero di ko paren maintindihan, Lord sana naman po may dumating na magpapaintindi sa'kin nitoooo.
Nag beep agad yung phone ko, ito na ba yung binigay na sagot sa'kin ni Lord?
It's a notification from Instagram,
Sarawatlism started following you.
Si Sarawat ba 'to? Tinignan ko agad yung account pero wala ni isang post na nandon, ganon ba sya ka introvert? HAHAHHAHA.
Finollow back ko nalang, at nagpatuloy na sa pagbabasa ng notes. May narinig akong kumalabog sa may veranda ng condo, hindi ko makita kung ano yun kasi naka close naman curtains ko.
Nagpatuloy ako sa pag babasa ng may biglang tumawag sa phone ko, its from instagram na naman.
Sarawatlism is calling you
Ano na naman ba kailangan neto.
Sinagot ko tawag nya, pero tinakpan nya yung camera.
"O, anong kailangan mo?" Bungad ko sa kanya.
"Punta ka sa may Veranda mo" sabi nya.
"Ayoko nga" sabi ko.
"Bilisan mo, may surpresa dyan" sabi nya.
Wala akong ibang nagawa kundi tumayo nalang ako at binuksa yung curtains ng veranda.
Pag bukas ko...
"Hoy shuta ka! Pano ka nakarating dyan?!" Gulat na tanong ko.
Sino ba namang di magugulat nyan na nasa veranda ko na sya, nakangiti pa ang 🅱️🅾️🅰️🆖.
"Kailangan mo ng tulong diba?" Sabi nya.
"Tulong saan?"
"Tulong dyan sa Math mo, sumigaw ka pa nga kanina eh" halos tumatawang sabi nya.
"Teka pano mo nalaman na sumigaw ako? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko na naman, opo madami akong tanong.
"Nasa condo unit ako ng kaibigan ko which is kasunod lang ng condo unit mo, narinig kong sumigaw ka kasi di mo maintindihan yung lessons nyo, kaya umakyat ako sa veranda nya patungo sa veranda mo" paliwanag nya.
Tinignan ko yung veranda na pinanggalingan nya, magkadikit nga.
"So ibig sabihin, naririnig nyo yung mga sigaw ko dun sa kabila?"
"Oo, hindi naman sound proof tung mga condo unit dito eh" sabi nya. Shet kaya pala minsan nawawarningan ako ng may-ari na ang ingay ko daw, madami na daw nagrereklamo. Shet nakakahiya.
:)
@StudentAndrea
BINABASA MO ANG
Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}
FanfictionThe guitar is for you to play and Sarawat is for you to love. -Sarawat