Kabanata 38
No Cheese, Please
Bumaba ako sa kotse ko at pumasok na sa bahay. Hindi na ako magtaka kung bakit may iilang mga package ang nasa sala. September na at kauuwi lang ni Tita Nanet kahapon. Ang malakas na tawa ni tita agad ang narinig ko. Pumunta ako sa kusina at naroon sina Tita Nanet at mama na nagke-kwentuhan.
"Ang aga mo yata ngayon, Ashleng?" Sabi ni mama matapos kong magmano sa kanya. Kay tita naman ako nagmano ngayon. Tumayo ako sa gilid habang dala padin ang bag ko.
Ngumiti lang ako bilang sagot. "Yung dalawa po pala?" Tanong ko nang mapansin na walang maingay na video game dito sa bahay.
Umasim ang mukha ni Tita Nanet at umiling-iling. "Nako! Nasa galaan pa. Magpalit ka muna ng damit at bumaba ka dito. Maluluto na ang Pesto."
Tumango na lang ako at pumunta sa taas sa kwarto ko. Nagpalit naman ako ng pambahay. Pagbaba ko ay naka-tatlong hikab ako. Ewan ko ba, inaantok ako. Sabagay, kulang din ako sa tulog nitong nakaraan. Dumiretso naman ako sa hapag-kainan kung saan may nakahain nang Pesto na niluto ni tita.
"Nga pala, wala ka namang pasok bukas 'di ba?" Tumabi sa akin si mama at nagsimula na rin na magsandok ng pasta sa plato niya.
"Opo." Tumango ako at sumubo na.
"Tamang-tama, pumunta ka sa café bukas. Kailangan kita doon."
"Sige po."
Tahimik lang akong kumain at nakinig sa pinag-uusapan nina mama at Tita Nanet. Halos dalawang oras din ang lumipas bago nakauwi ang dalawa. Galing daw sila sa basketball practice nila at nag-mall pa saglit. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Since day off sa trabaho, sa café muna ako ngayon. Naiwan si Tita Nanet sa bahay kasama sina Marlon at Arjon. Kailangan kasi niyang mag-ayos ng gamit. Kami naman ni mama ay sa café niya.
Pagbaba ko sa kotse ay dala ko ang bag at cellphone ko. Bukas na ang café ni mama at may mga naglilinis pa na staffs. Sa kusina dumiretso si mama kaya sumunod naman ako. Noong nagsisimula pa lang kasi kami, ako at kami nina Arjon at Marlon ang katulong ni mama. Ako ang nag-asikaso sa mga stock deliveries. Si mama kasi, graduate siya ng marketing tapos masipag pa. Nakadalawang tatlong lipat kami at malaking pera din ang nagastos. Buti na lang, bumabawi naman na ngayon.
"Banana cake, Ashleng. Mag-bake ka na." Utos ni mama at binigyan ako ng apron at hair net. Naghugas muna ako ng kamay at nagtali ng buhok.
Isa ang banana cake ni mama sa mga best selling baked goods dito. It's perfect, ika nga nila. May frosted version pa ito na patok talaga sa mga bata. Nang matikman ko rin ito no'ng una ay na-adik din ako.
Kinumpleto ko muna ang mga ingredients at tools na kailangan bago nagsimula. Lumipas ang ilang minuto at inilagay ko na sa mga cake pans ang mixture. Yung isang kitchen staff na ang naglagay ng mga ito sa oven. Lumabas ako sa kitchen at nag-order ng isang banana smoothie. Naroon naman si mama sa may table malapit sa bintana.
"May another reservation dito bukas, baka pwede ka, anak?" Inangat ako mg tingin ni mama pagkaupo ko sa harap niya. Sumimsim naman ako sa banana smoothie ko at tinignan ang calendar sa cellphone ko.
May appointment ako bukas ng umaga with Ma'am Petra. Hindi naman masyadong importante, may mga kailangan lang kaming iayos sa mga manuscripts at sa mga social promotions.
"Anong oras po ba?"
"After lunch." Sagot ni mama habang tinitignan ang papel na hawak niya. Napangiti na lang ako. Nag-shift ako nung hapon as cashier since out na yung isang staff namin. Katatapos ko lang ibigay sa isang customer ang sukli niya para sa order niya nang bigla akong mahilo at nanghina. Hinawakan ko ang ulo ko sa hilo.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...