Toneewritestragedies NOTE: Hi dears! I made tips here on how to write effectively, the uneffective way! HAHA. Medyo mangilan-ngilan kasing Wattpadders ang nagtatanong sa akin kung paano magiisip ng concept, title, characters, plot at kung anong cup size ng bra ang bibilhin o kulay ng panty ang gagamiting pantulog (WEH? JOKER?XD) para magsulat ng story dito sa Wattpad. Ito ay basics lamang na may halong kaepalan. It’s up to you kung seseryosohin niyo o hindi. I made this para kahit paano, may matino akong nagawa dito sa Wattpad maliban sa magsulat ng mga masasabaw at mga korning stories. NYAHAHAHAHA.
1. Concept.
Ang concept ang pinakamahalaga sa lahat. Paano ka makakagawa ng istorya kung wala kang concept diba? Hindi naman yun basta susulpot lang and then, presto! May story na ako! Hindi yun nakukuha sa isang split at tatlong tumbling kundi 5 split, isang tumbling at dalawang backflip. (de joke lang xD) Alam naman nating lahat na napakarami nang story concepts ang nagkalat sa mundong ito, maaaring may magkakapareho nang hindi sinasadya o baka merong talagang sinadyang gayahin or whatsoever, ang maipapayo ko lang in regards sa konsepto, kung alam mo sa sarili mong gasgas na ang concept mo or masyado nang madaling hulaan ang takbo, nosi balasi? Make your story the very unique among all of them. You have the power and will to change kung ano yung nakasanayan nang basahin ng ilan sa atin. Make the move. Change what is the usual. Yun ang ilagay mo sa konsepto mo. Kung mahilig ka sa gangster genre, pilitin mong sayo ang pinaka-unique. Yung tipong papatayin ng gangster bida boy si leading lady (CHOS! JOKE LANG! WAG GAYAHIN! AKIN NA YAN. HAHAHA. DEJOKE.) O kaya sa mga playboy and good girl type na tipong pati yung nanay ni good girl, jojowain ni playboy (NYAK.PEDO? HAHA.) At sa mga gwapong supladitong bida boy na kapag dumadaan sa school corridor e nagtitilian ang mga girls tas nasa likod si girl, inis o kaya may HD sa kanya at ang ending dadaan lang yung lalaki para puntahan ang totoong bida girl (YUN PALA, FEELER LANG ANG NAUNANG BABAE. DI SIYA ANG BIDA.) Basta, it’s up to you. Paganahin mo ang creativity mo. Each one of us has a talent to create something apart from those. Kahit alam mong pangkaraniwan ang konsepto mo, make it the most memorable one na maaalala ng mga readers mo. Gaya ng ganito: Ay si tonewritestragedies! Ang galing ng story niya . yung “Beauty and the Little Mermaid with Snow White featuring Aladdin with special participation of Mickey Mouse”? Shet friend! Basahin mo. Prologue pa lang, ending na agad! Patay ang lahat ng bida nang sumabog yung Yellow Submarine ng The Beatles. O diba? Keribels lang.
2. Title.
Isa sa mga mahirap isipin kapag may konsepto ka na, minsan naman, title agad ang nauuna before concept. May mga instances na ganyan at aminado akong isa ako sa mga borlogs na ganoon ang takbo ng utak. Sa pag-iisip ng title, wag namang mayadong gamit na o halatado na ang istorya. Lagyan mo ng kaunting spice sa title para makaattract agad ng readers. Stay away from titles like ”My Super Boyfriend”, The Stereo Hearts”, “Marrying the Boss” at “1 Message Received”. Na animo’y walang kacreate-creativity diba? Try to use something catchy to attract someone like this: “I Love My Pig”, “Do You Know How Much is the Fare from Cubao to PUP?” o naman kaya “Utot mo, Rainbow.” Sa ganyan, matutuwa tayong basahin agad ang prologue o chapter 1 ng story nila diba? Iisipin mo tuloy, bakit kaya mahal ng bida yung baboy niya? Dahil ba kulay pink siya? O naman kaya iisipin mo, magkano nga talaga ang pamasahe mula Cubao papuntang PUP? Mage-LRT ka ba? Jeep? Or tryke? Yun pala, maglalakad na lang si bida dahil wala siyang pera. The End. Sa “Utot mo, Rainbow” naman, papansin lang ang author dyan. May kulay ba ang utot? Honestly?! Pero malay mo diba, meron talaga? You are the author of your own story. Make the title, the whole story instead.
3. Characters.
Sa characters naman bahala ka kung ilan. May bida, may supporting bida, may extrang bida, may bida-kontrabida at meron din syempreng bida-bidahan. Anything. Pwedeng isa, dalawa or tatlo. It depends to you on how you make them real when it comes to introducing them to readers. Bahala ka kung isang battalion ang gagawin mong bida. Basta kaya mo silang pagalawin sa frame ng story mo at gawan sila buhay. Don’t make a character na kaparehas ng isa. Bigyan mo sila ng isa-isang character traits na wala ang iba para swak sila sa isa’t isa diba? When it comes to giving your characters’ name, don’t choose too odd, don’t choose too ordinary. Sakto lang. pwede rin unique gaya ng Sponge Patrick at Bob Star diba? Bigyan mo sila ng magandang ‘start’ pag pumasok na sila sa eksena. Yung tipong ang nasa script, nag-uusap ang dalwang extra tas may madadapa sa may likuran nila, di natin alam yun na pala ang bida (HAHAHA. SARREH. WALANG KWENTA ANG EXAMPLE) Basta parang utot lang, hindi rainbow ha. Silent but deadly.
BINABASA MO ANG
Your Writing Guide
Non-FictionTips on how to write effectively, the ineffective way!