DATI
Isinulat Ni: Maria RicaAng ating mga masasayang hagikhik,
Ang mga walanh humpay na gimik,
Mga alaalang nagdudulot ng pait,
Ang siyang sa puso ko’y pumupunitPaano ba balikan ang nakaraan?
Ang mga oras na tayo ay nagtatawanan,
Ang mga oras na walang hidwaan,
Hindi tulad ngayong tila may digmaan.Dating pangyayari ay nais kong balikan,
Saya ay nais kong muling maramdaman,
Nais ko ng wakasan ang mga luhang nag-uunahan,
Nais ko ng tumakas sa mundo ng kalungkutan.Masaya naman tayo dati,
Palaging nasisilayan ang matitingkad na ngiti,
Ngayon pait ang tanging namamayani,
Nakaraan ay nais maranasang muli.Noon masaya akong papasok sa eskwela,
Nandon naghihintay ang makulit na tropa,
Ngayon ako'y umiiyak, nasasaktan nang mag-isa,
Sila ay masaya na sa piling ng iba.Paano ako maniniwala sa salitang "walang hanggan"?
Kung lahat ng kasama ko'y panandalian,
Hindi magtatagal ako ay iiwan,
Sige lang, sanay naman akong masaktan.Dito sa aking mumunting isipan,
Napaisip ako, "Saan ba ako nagkulang?"
Masaya noon, ngayon hindi na,
Pangarap natin noon, naglaho bigla.Dati sa piling niyo, ako'y kumpleto't masaya,
Ngayon saang parte ng mundo kayo banda?
Tuwing lalabas kayo at gagala,
Ako ba ay inyo pang naaalala?Sa tingin ko, malabo nang ibalik ang dati,
Sa paglisan niyo, dulot ay pighati,
Dinurog niyo ang puso ko't ibinaon sa hapdi,
Nasaan na ang dati? Bakit niyo ako iwinaksi?