CHAPTER 14

5 4 0
                                    

"w-what?"nagtatakang tanong ko.hindi ako sigurado kung tama ba yung pagkakarinig ko e.

"wala,sabi ko ingat ka"sagot niya.tumango nalang ako kahit na nagtataka pa rin kung ano ba talaga yung sinabi niya.'panda ko' lang yung narinig ko e,ang layo naman no'n sa 'ingat ka'..hay,ang gulo naman niya.

nang makarating ako sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto at nagbihis muna. dahil wala 'kong magawa ay bumaba muna ako at pumunta sa may garden namin sa bakuran.

naabutan ko si manang na nagdidilig ng mga halaman.

"manang,pwede po bang tulungan ko na kayong magdilig?"tanong ko nang makalapit ako.si manang ang pinakamatagal na kasambahay namin dito,at medyo nagkakaedad na.

"hindi na hija,ako na dito"sagot niya at pinagpatuloy na ang ginagawa.

"ay,sige na po manang wala rin naman po akong magawa e,minsan lang naman po hehe"pagpupumilit ko.

"sige na nga,ikaw talaga"nakangiting ani niya at binigay na sa'kin yung hose.inumpisahan ko naman ng diligan ang mga halaman isa-isa.

napangiti ako nang makita ko yung mga bulaklak na rose,yan kasi yung paborito kong bulaklak,naalala ko no'n na lagi akong nagpapabili niyan kahit peke pa 'yon o tunay.

pagkatapos ko no'n ay pinatay ko na yung gripo at nagpunta sa may gilid ng pool,umupo ako do'n,namahinga muna at nagmuni-muni.

bigla namang pumasok sa isip ko yung mga nangyari at sinabi ni liam sa'kin.ayaw kong maging assuming pero--'di kaya may gusto sa'kin 'yon?kasi kung makabanat akala mo talaga e,o sadyang pa fall lang talaga siya?

pero,ano yung narinig kong 'panda ko',anong bang sinasabi niya?naguguluhan na 'ko.bahala nga siya,baka mali lang talaga pagkakarinig ko.

pero hindi ko rin ikakailang ang saya niya kasama.hindi lang sa mga pang iinis niya kun'di dun sa mga kwentuhan namin,nakakatuwa siya.

"huy!"muntik na akong mahulog dito sa pool dahil sa gulat nang biglang sumulpot si ate sa tabi ko.

"ano ba!aatakihin ako sa'yo e"inis na ani ko. tumatawa lang siya at umupo sa tabi ko.sino ba naman kasing hindi mabubwisit do'n e mag-isa ko lang dito ngayon tapos bigla siyang mang gugulat?

"mukhang ang lalim ng iniisip natin kapatid ah?kamusta kanina?"tanong niya na nakahawak pa sa baba at hinihimas 'yon.

"edi wala,hinahanap ka.ikaw daw yung gustong makita hindi ako"sagot ko.

"ay talaga?sige sa susunod ako naman ang dadalaw at hindi ka kasama"nang-aasar na ani niya.

"bahala nga kayo,tch"inirapan ko lang siya at tumayo na"papasok na 'ko"patuloy ko at naglakad na paalis.

"joke lang,'wag ka na magselos"natatawang pahabol niya pero hindi ko na 'yon pinansin.sinong nagseselos,ako?bahala nga sila sa buhay nila.magsama sila kung gusto nila,wala naman akong pake.selos selos,'di uso sa'kin 'yon.

pagpasok ko sa loob ay pumunta akong sala para manood ng t.v. aantayin ko nalang na maghapunan bago ako umakyat.

nanood lang ako ng movie sa Netflix.
maya-maya ay nakita ko naman si ate na pumasok na rin at dumeretso sa taas.hindi ko nalang 'yon pinansin at tinuon na ang atensyon sa t.v.

pinunasan ko yung luha sa pisngi ko,nakakaiyak naman 'tong pinapanood ko.bakit hindi sila nagkatuluyan huhu.

pagkatapos no'n ay tinawag na ako at kumain na rin kami ng hapunan.
umakyat na ako sa taas matapos naming kumain.nagshower muna ako at humiga na sa kama.dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko muna yung phone ko sa side table,naisipan ko namang isearch ang pangalan ni liam sa facebook.

paglabas ay liam carson lang ang pangalan niya.nakita ko naman sa info niya yung instagram account niya kaya inopen ko 'yon.wow,ang famous niya ah,1k+yung followers.artistahin kasi yung itsura niya e.

inistalk ko yung account niya at napahinto nang makita ko ang isang picture niya na may kasama siyang babae.napataas naman ang kilay ko at pinagmasdan 'yong mabuti.maganda yung babae huh,pero mas maganda pa rin naman ako kaya ayos lang.

tinignan ko yung comment section at nakita kong puro 'stay strong' ang mga nakalagay!girlfriend niya 'yan?
edi wow.pake ko,ang lakas lumandi may girlfriend na pala tch.

nagscroll nalang ulit ako at puro pictures niya,malamang account niya 'to e..pero may iilan din na kasama nanaman 'yong babae na 'yon. ang gwapo niya sa mga pictures--hay nako marisse tigil tigilan mo pagnanasa mo d'yan.

medyo nakarating na ako sa pinakaduluhan at papatayin ko na sana pero napahinto ako nang makita ko ang isang post niya na bracelet,sa beads 'yon gawa at may mga letters na pangalan niya ang nakalagay.walang nakalagay na kahit na anong caption do'n.

bumilis naman bigla yung tibok ng puso ko.pamilyar yung bracelet na 'yon ah.napatingin ako sa bag ko sa gilid at nanlaki ang mata ko nang mapagtantong magkaparehas 'yon!tumayo ako at tinanggal yung bracelet sa bag ko at tinignan ko 'yon ng mabuti.

pero imposible e,hindi kaya nagkataon lang na parehas kami?o kaya baka binili 'to sa'kin nila mommy?blue naman 'yong sakanya e.

siguro nga nagkataon lang.oo nagkataon lang 'yan marisse,'wag kang mag-isip ng kung ano-ano.wala ka pang kasiguraduhan.

tama,itatanong ko nalang sakanya 'pag dumalaw ulit ako,para hindi kung ano ano ang iniisip ko. baka parehas lang kami ng shop na napagbilhan o ano diba?

hindi ko nalang iyon inisip at bumalik na sa kama,pinatay ko na rin yung phone ko at natulog na.

~♥~

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon