Chapter Fifteen

107 3 0
                                    

Shot

Masamang tingin ang pinupukol ni Andromeda. I think she's referring to Yarah. Muli kong tinitigan ang dalawa.

Malapad ang ngiti ni Stuart at kumakaway-kaway pa sakin. May ilang tagadito ang napapatingin sa kanya. I'm sure he was known here to have the guts to tell my story.

Si Yarah naman ay nakatupi lang ang dalawang braso at pinapasadahan rin ako ng tingin. They are both wearing soldier uniforms. May mga gamit rin silang dala.

Anong ginagawa nila rito?

Bumaling ako kay Andromeda na mukhang walang balak tumayo sa upuan. Umiwas lang siya ng tingin sa dalawa na parang walang may nakita.

"Papasukin ko ba sila?" tanong ko sa kanya.

Nagpakawala siya ng hininga. "I would say no. Pero mga sundalo pa rin sila. Malay ko kapag anong kaso ang ihahain sakin ng nga 'yan kapag tumanggi ako. Besides.." She playfully looked at me.

"I think you're more attached to the owner than me--oops. The owner is a soldier rin pala. Pwede kang tumanggi, walang hahatol sayo. Mas mataas posisyon nun," Kumindat pa siya at tumawa.

Napailing nalang ako sa kanya at nagtungo sa pinto. Sometimes I really can't talk to her.. properly.

Inayos ko ang mask ko sa ilong bago sila binuksan.

"Jingle bellies!" masayang bati sakin ni Stuart.

He peeked at Andromeda. "Good afternoon." bati niya ng nakangiti.

She just snorted at him.

"You must be enjoying your stay here." usal ni Yarah habang linilibot ang tingin sa buong bahay bago tumingin sakin.

"Enjoy it while it lasts." Ngumisi siya.

Bumuntong hininga nalang ako at hindi siya pinansin. I can tell she doesn't like me for whatever reason she has but, dealing with her wouldn't be my thing. Just a waste of my saliva.

Bumaling sa kanya si Stuart. "Stop that smirk." saway niya sa kasama.

"Is Warren here?" tanong niya. Umiling ako.

"Umalis siya--I mean, he'll be gone for a week." saad ko nang maalalang hindi pala siya nakakaintindi ng tagalog.

Tumango naman siya. Bahagyang sumilip siya muli kay Andromeda bago tinitigan ako muli. "Ah, must be the tracking thing.."

Tumikhim siya bago nilapag ang mga bitbit niya sa tapakan ng bahay. Yarah did the same. Kumunot ang noo ko.

"Aren't you coming in?" tanong ko kay Stuart.

He just shrugged. Kinamot niya ang likod ng ulo niya saka umiling.

"Nope. We just brought this things here. They are for Warren, he's been asking for them. And your mother sent this too."

May dinukot siya sa bulsa ng uniporme niya. He took a white paper out. Napangiti ako at akmang kukunin na iyon nang magsalita si Yarah.

"Do you have alcohol, Stuart? You don't have any gloves. You need to put some after touching this infec--"

"Would you just stay quiet, Yarah? This is why I don't want you to come.." Stuart cut her off, irritated.

Lumipat ang tingin niya sakin. "Bellemy." lahad niya ulit sa papel.

Binaba ko ang kamay kong kukuha sana. Lumunok ako bago tinignan silang dalawa.

"I'm sorry, Stuart.. Yarah. That was careless." saad ko.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon