Chapter 1

144 3 2
                                    

YUI

"What is the meaning of pH and what is the importance of it?"tanong ni Ma'am Hannah.Nagtaas agad ako ng kamay at tinawag naman niya ko.

"The meaning of pH is power of hydrogen.It is devised by scientists to determine the relative amount of hydronium ion in a solution so that the relative amount of hydroxide (OH-) can also be figured out.When the hydronium ion concentrated in a solution is high, it has low pH value, meaning, it is acidic.On the other hand,a high OH- concentration means a high pH value and the substance is base.Therefore,the pH is needed and very important to determine a substance if it is acid or base." sagot ko sa tanong ni ma'am.

Pagkatapos non ay pinaupo na ako at nagdiscuss na si Ma'am tungkol sa lesson.May napansin akong lalaki na natutulog sa likod.Diba siya nakikita ni ma'am.Kaya maraming bagsak sa subject ni Ma'am Hannah eh.Mga tamad makinig classmate ko eh.Mapagsabihan nga mamaya.

--------RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!----------

Nag-bell na,pero may sinabi muna si Ma'am Hannah bago umalis,"Class, for your homework,I want you to memorize the properties of acids and bases and their natural indicators."

Sabay-sabay naman kaming sumagot," Yes Ma'am!"

Pagkatapos non ay nagsilabasan na sila papuntang canteene

KYOUYA

"Hoy! Gising!" Ano ba yan?! Natutulog yung tao eh!

"Di mo ba nakiki- Ano ba?!" Bago ko pa tapusin yung sasabihin ko ay tinulak niya na ako ng malakas, tuloy nalaglag ako sa upuan.

"Ang school lugar para mag-aral at hindi matulog!" sigaw niya.Ang ingay naman ng isang 'to.

"Kung ang school ay hindi lugar para matulog, edi ang bahay ay hindi din lugar para mag-aral. Kaya bakit pa nila tayo binibigyan ng mga homework?" sabi ko at natahimik siya sandali. Kagaya ng sinabi ko SANDALI lang.

"Kung ayaw mo naman palang mag-aral,ba't ka pa pumasok sa school?!"sigaw niya. Grabeng babae 'to, makasigaw parang walang bukas.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw?! Makabasag eardrums pa naman boses mo!" Sumbat ko sa kanya

"Pag wala kang homework bukas, tandaan mo isusumbong na talaga kita sa principal!" pagbabanta niya sa akin

"Gawin mo!" sigaw ko at umalis na.

KINABUKASAN

"Mr. Ynarez you're late! Where's your homework?" Patay! Kasi naman eh tinapos ko pa yung manga ng one piece na nag-update kagabi.Tapos nalaman ko pa na sa Jan.10 pa ang release ng season 3 ng kuroko no basuke! Aba't pinaghihintay talaga nila ako ng matagal!

"What now Mr. Ynarez?" Lagot na! Anong sasabihin ko?

"Ma'am I-I don't have homework" mahina kong sagot

"Again?! This is your third late in my class and the 5th time of having no homeworks at all! Stand outside and you can't enter my class until you have the 5 homeworks that you don't have!" sigaw ni Ma'am Hannah.Magsasalita pa sana ako kaso naunahan niya ko. "Out! Now!" Tumingin ako sa mga estudyante sa harapan at nakita yung maingay na babae, ngumisa siya sa'kin ng mapang-asar.

"That's Ms. Hannah for you!" bulong niya pero narinig ko. Tsk.

---------RIIIIIIIIIIIIIIING!------------

Lumabas na si Ma'am Hannah at binigyan ako ng masamang tingin.Papasok palang sana ako ng makita yung babaeng maingay na lumabas ng room at mukang nagmamadali ata.Buti naman at tatahimik ang classroom namin dahil umalis siya.Akmang paupo na ako ng upuan ng marinig ko ang speaker:

"Calling the attention of Mr. Kyouya James Ynarez please proceed to the principal's office right now. Again, calling the attention of Mr. Kyouya James Ynarez please proceed to the principal's office right now"

Pumunta ako sa principal's office at umupo sa upuan sa harap ng mesa ni Mrs. Villarama yung principal ng school.

"Mr. Ynarez marami ng guro ang nagrereklamo sa'yo.Based on your attitude hindi ka madaling pakiusapan" panimula niya. Napangiti naman ako, kilala kasi si Mrs. Villarama dahil kilalang kilala daw niya ang mga estudyante ng school niya. Totoo nga.

"Kaya naman may proposal ako para sayo" pagpapatuloy niya at binulong ang kanyang proposal sa'kin.Nagulat ako sa mga sinabi niya.What the! No way!  Hindi ako papayag!

"No way! Hindi ako papayag!" pagtutol ko.

"Well, you two choices, it's either accept it or else you'll be expelled from this school"nakangiti niyang sabi.Hindi ko akalaing magaling siyang mang-black mail! Pati weakness ng estudyante alam niya! Anong gagawin ko?!

Chemical ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon