Recent Day
Rooftop
"Mine please let me explain" pagmamaka-awa pa rin ni Stell.
"Sana noon mo pa ginawa Stell. Hindi yung nag-antay ako sa wala. Tangina." Umiiyak na sagot ko sa kaniya. Hindi ko na kasi mapigilan yung emosyon ko. Sobrang sakit na naman ng dibdib ko.
"Mine kaya hindi ko sinabi sa'yo yon kasi alam ko na makikipag hiwalay ka sakin. Ayokong makipag hiwalay sa'yo kaya mas pinili ko na lang na hindi mag paramdam. Kasi akala ko maiintindihan mo." Paliwanag ni Stell sa dalaga.
Nahihirapang huminga at nakahawak sa dibdib na napailing si Marize. Sobrang sama ng loob niya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.
"Maiintindihan ko Stell. Maiintindihan ko, trust me. Maiintindihan ko kung sinabi mo lang agad. Kaso hindi e." Humahagulgol na wika ni Marize.
"A-ang selfish mo. Ang selfish selfish mo Stell. Nag mukha akong tanga kaka-antay sa'yo. Kaka-antay sa paliwanag mo." Nahihirapang wika nito. Hindi na niya kayang mag salita pa. Alam niyang masakit na ang mga nabitawan niyang salita sa binata dahil bakas sa mukha nito na nasasaktan ito sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
"I'm sorry." Naka yuko nang wika niya. Hindi niya kayang ipakita ang mga luha sa mata niya. Hindi niya na din kayang makita yung sakit sa mata ng babaeng pinakamamahal niya.
"Alam ko mali ako. Mahal sorry. Patawarin mo ako. Hindi ko kayang wala ka Marize. Hindi ko kayang makipag hiwalay sa'yo ng totoo, kaya ito ang naisip ko. Yung umakto na wala na tayo, pero yung totoo gustong gusto kitang maka-usap." Patuloy na pagpapaliwanag niya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya.
Tinitigan niya ang babaeng sobrang mahal niya. Yung babaeng hindi niya kayang mawala sa kaniya. Ang daming nag bago dito, Marize looks more strong and confident. Pero isa lang yung hindi nag bago dito, at nararamdaman iyon ni Stell. Ramdam niyang mahal pa rin siya nito.
"Hindi na din ako nakibalita kila Nica kasi pinipigilan ko yung sarili ko. Alam kong ang selfish ng ginawa ko. Alam kong ang gago ng ginawa ko. Iniwan kita sa ere kung kailan kailangan mo talaga ako. Alam kong ang dami kong pagkukulang sa'yo, pero please mine. Give me another chance."
Marize didn't know what to do anymore. She can't calm herself. Tears keep streaming down her face. Sumasakit na ang ulo niya dahil sa pag-iyak at ang daming tumatakbo sa utak niya sa mga oras na iyo. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang gusto na lang niya ay ang maka alis doon, ang makalayo kay Stell. Ang lumayo sa sakit, pang samantala.
"Hindi ko alam Stell. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ano bang dapat kong gawin. Sorry, pero mas nangingibabaw yung sakit ngayon. Pero salamat, salamat pa rin sa explanation. At least ngayon wala nang mga katanungan sa isip ko." Sabi ni Marize kay Stell at binigyan ito ng tipid na ngiti kahit may mga luha pa ring umaagos sa mga mata niya.
"Sige na, bumalik na tayo doon. Kailangan ko na ring umalis." Muling wika niya at nauna nang lumakad pabalik sa unit ni Nica.
Ilang minuto pang namalagi sa rooftop si Stell. Pinapakalma ang sarili. Nang bumalik na sa normal ang pag hinga niya ay bumalik na din siya sa unit ni Nica. Habang si Marize naman ay dumiretso na sa parking lot, hindi na niya kayang bumalik pa sa unit ni Nica. Hindi pa siyang handa makausap ulit silang lahat. Hindi niya rin kayang makita pa yung namumugtong mata ni Stell.
Naisip niyang umuwi na lang. Gusto na niyang mag pahinga. Sobrang bigat na naman nang nararamdaman niya. Ayaw niya ring makita ng mga kaibigan niya ang namumugtong mata niya dahil alam niyang mag-aalala lang ang mga ito.
Huminga muna siyang nang malalim ng makasakay sa kotse niya. Ime-message na lang niya si Nica na umuwi na siya.
[GLOW UP X GO UP]
YOU ARE READING
Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJERO
FanfictionStell Ajero is a rising star together with his group which is known as SB19. But what people don't know is that Stell left someone in behalf of his career. Isang tanong lang ang nasa isip niya, baka pwede pa?