Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I dedicate this chapter to ameliorist_. Thank you for reading! (◍•ᴗ•◍)
Isabela
Fudge. My head hurts.
I know. Alam ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit parang pinupukpok ng martilyo itong ulo ko. Sino ba naman kasi ang tanga na hindi nagpapigil kagabi at piniling mag-swimming sa alak, hindi ba? Ako lang naman, isa yata akong reyna ng mga tanga. Kaya heto, kinaumagahan, nagsisisi ako na uminom pa ako ng sobrang raming alak.
But last night was also the best sleep I ever had. Ngayon rin, ito ang pinakamagandang paggising ko matapos ang ilang buwan na halos hindi ako makatulog. Natuyot na nga yata ang utak ko no'n kaya naisipan kong uminom ng halos araw-araw. Ngayon lang yata tumalab ang kapangyarihan ng alak sa akin kasi feeling ko sobrang lambot at bango ng hinihigaan ko ngayon. Iba yata ang amoy ngayon ng kama ko, ah?
Tapos ito pang unan na yakap-yakap ko, ang lambot-lambot na parang ulap. Para yata akong nasa langit. Natigok na ba ako? Hindi naman yata kasi kung natigok na ako dapat hindi ko na kinakausap ang sarili ko ng ganito.
Siguro, naka-move on na ako? Sapat na yata ang ilang buwang pagluluksa ko para sa nasugatan kong puso. Hindi pa naman siya patay pero halos matalo ko na ang isang lamay sa ginawa kong pagluluksa. Pero masisisi niyo ba ako? Para kasing namatay ang puso ko kahit patuloy pa naman siyang tumitibok at nagpa-pump ng dugo. OA ba? Tara, ibigin mo ako at ipaparamdam ko sa iyo ang sakit ng pagiging brokenhearted.
Ang daldal ko talaga. Epekto ba 'to ng amoy ng kwartong ito? Ewan ko ba pero parang amoy Tristan- sandali. Amoy Tristan? Tuluyan ka na bang nabaliw kay Tristan, Sab? Bakit pati sa pagtulog siya pa rin ang naaamoy mo? Nasa New York sila, ang layo-layo! Imposibleng pumunta siya dito kaya nag-amoy lalaki ang kwarto mo.
Sandali, amoy lalaki? Napabalikwas ako ng bangon at bumulaga sa akin ang isang hindi pamilyar na kwarto. Fudge na malagkit, anong ginagawa ko sa lugar na 'to? Kaninong kwarto 'to? Imposible namang kay Natalie bitch 'to, hindi naman tomboy ang best friend ko. Sigurado talaga akong kwarto ng lalaki 'to. Pero baka ito iyong kwarto no'ng kuya ni Natalie? Nasa States naman 'yon kaya baka dito na lang niya ako pinatulog.
Pero hindi, may guest room naman sina Natalie kaya ba't niya ako dito papatulugin? O kaya sa kwarto na lang niya dapat? Alam naman niyang allergic ako sa mga lalaki ngayon. I know na hindi niya ako dito papatulugin kaya... sinong nagpatulog dito sa a—
Bigla akong natigil dahil bigla akong may na-realize. Fudge na malagkit, hindi kaya... may naka-one night stand ako!?
Hala, hindi pwede 'to! Para sa asawa ko lang ang pagka-birhen ko! Ano ba 'tong ginawa ko? Sabi ko na nga ba, dapat hindi na lang ako uminom. Dapat dumikit na lang ako kay Natalie! Naiiyak yata ako, kay Tristan nga hindi ko inalay ang pagka-birhen ko tapos maibibigay ko lang iyon sa kung sinong poncio pilato?