CHAPTER ONE

3 0 0
                                    

Ewan ko nga ba bakit ganito nalang ang mga tao satwing nakikita nila ako. Bahagya pa silang napapaatras kung dadaan ako o di Kaya ay iilag kung makakasalubong man nila ako. Yung totoo? Hindi ko talaga Alam at Wala akong pakialam dahil sa ganitong paraan ay mapoprotektahan ko ang aking sarili Laban sa Kanila. Sige ako na ang may pagkawirdo pero Ewan ko ba gusto ko yung paraan nila Kung paano ako itrato. parang pakiramdam ko Isa akong taong kinatatakutan ng lahat.Yun bang isang Reyna ng isang palasyo na Kung saan walang pwedeng makihalubilo sa akin. Teka--- may Ganon bang reynang Hindi nakikihalubilo at Hindi pwedeng makihalubilo? Parang Wala Naman ahh. Ah Basta Yun ako.

Bali-balita rin ang mga nakakalat sa aming baryo na isa daw akong anak ng isang mangkukulam . Tsk! Saan Naman Kaya nanggaling iyang balitang yan? Naku naku! Huwag lang siyang lilitaw sa harap ko at magsabing siya Ang nagpakalat ng ganitong balita at baka ihambalos ko sa kanya iyang mangkukulam at siya ang ipakulam ko ng magkandalasog lasog iyang piste niyang mga buto! Magkakalat na nga lang eh masyado namang madungis kung  magkalat ng balita mabuti Sana Kung totoo eh kaso hindi! Ang ganda Kong to? Isang anak ng mangkukulam?! Aba nasaan yung hustiya doon!? Hayst kaimbyerna naman oh!

" Oh apo.. bakit ang tagal mo naman dumating? ".tsk! Di ko man lang napansin na nakaakyat na  pala ako sa bundok.Oo Tama kayo , nasa tuktok ng bundok ako nakatira.malayo sa baryo namin. Nag iisa lang ang bahay namin sa bundok na ito Wala kaming kapit-bahay.kaya siguro ganoon nalamang Ang tingin sakin ng mga Tao dito.

" Apo? May problema ka ba? Kanina pa kita kinakausap..."

" Ah wala po La.. Napagod lang ho."tsk! apaka walang kwenta ko talaga magdahilan. Eh! Sanay Naman na ako sa ganito.hayst!

"Ahh ganun ba apo.. akala ko naman kasi tungkol nanaman to sa mga taong nasa baryo" now i'm busted! Yan Ang Lola ko nababasa Niya 'lahaaat' ng nasa isip ko .kilalang kilala niya talaga ako.

Bagsak ang balikat ko at nanlulumong tinignan ko siya." Lola bakit ganun? Di ko talaga maisip may mga tao talagang makikitid ang utak, ang akala ko pa naman ay matatalino ang mga tao dito."

Nginitian lang Niya ako at saka nagsalita." Apo... Hayaan mo na sila sa Kung ano ang sinasabi nila , huwag kang papaapekto. Hindi natin hawak ang kanilang isip kaya hayaan mo nalang silang mag isip ng kung ano-ano . Ang mahalaga ...Wala tayong ginagawa sa kanila para ganituhin tayo."

Yun na nga ang masama doon, Wala tayong ginagawa para ganunin Tayo ng mga Tao dito.

"Apo...ngumiti ka naman diyan, nakasimangot nanaman yang maganda mong mukha eh"hayst si Lola talaga.

Nginitian ko Naman siya ng pagkalaki-laki.

" Ayan apo..ganyan nga. Kamukhang kamukha mo talaga ang iyong Ina."

Aking Ina? Kamukha ko ba talaga siya? Di ko Naman Kasi siya nakita kahit kailan.isa rin sa dahilan Kung bakit ako napapaisip .. napakalungkot lang Kasi Wala akong alam tungkol sa  mga magulang ko.

----------------
----------------

 MATED TO A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon