" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TWENTY - ONE
"Put the fire out!"
"Call the fire protection department!"
"Arrest all the people who's involve on this!"
"Punish them all!"
Mga ilan lamang sa mga salitang binitawan ng Business Director nang masilayan ang mga flying lanterns and kites na para bang babagsak anumang sandali sa kinaroonan niya. Pero siya na rin ang sumagot sa mga ipinag-uutos, paano sila tatawag ng bumbero samantalang wala namang nasusunog? Sino-sino ang aarestuhin nila na may pakana sa nagliliparang apoy samantalang wala silang lead kung sino ang nagpasimuno? Sino ang paparusahan nila?
Wala!
They're all helpless at that moment!
But....
"Boss! Bossing!" Malakas na sigaw ng isa niyang tauhan na habol-habol ang hininga na halatang galing sa pakikipagkarera este pagtakbo.
"Wala akong panahong makinig sa pagsisigaw mo kaya't sabihin mo na kung ano ang nais mong iparating sa mundo!" Tuloy ay galit niyang sabi.
Hindi naman siya malupit sa mga tauhan kaso nang oras na iyun ay kumukulo ang dugo niya. Wala naman silang ibang mapagtanungan kung ano nga ba ang nangyayari dahil sa buong paligid lang naman ng mansion niya mayroong flying lanterns and kites.
"Ano ba kasi ang problema mo at para kang nakakita ng multo?" Dinig pa niyang(Arturo) sabi ng kanang-kamay niya dito.
Wala siyang mahintay na sagot mula dito kaya't nilingun niya ang dalawa na siya namang pag-abot nito sa isang saranggola.
"Anong---pinagluluko mo ba ako ha? Aanhin ko ang saranggola---teka lang." Hindi magkandatutong ani Danilo dahil napansin ang mga sulat sa papel na saranggula.
"Oras na upang pagbayaran ng kriminal na si Arturo Natividad ang mga kasalanan. Siya ang utak sa courtroom massacre ilang buwan na ang nakakaraan. Papayag ba kayong basta na lang niya isasakripisyo ang mga inosenting tao? Magkaisa tayo upang sugpuin ang kasamaan niya. Huwag kayong matakot na magsalita lalo na ang mga nakaranas sa pang-aabuso ng Business Director na si Arturo Natividad." Ang nakasulat sa saranggula.
Kaya naman hindi agad siya(Danilo)nakapagsalita at akmang itatago pa ito kaso mabilis na nahablot ng boss nila.
"What a f*ck! Hanapin ninyo ang may kagagawan nito! Bantayan ninyo ang bawat lalapagan ng saranggula at flying lanterns baka-----" Baka may nakasulat din. Nais sana niyang sabihin kaso pinutol naman ng mas malakas pa ang sigaw kaysa sa naunang parang nagwawala dahil sa lakas ng boses.
"Bossing! Bossing! May nakuha akong flying lantern bossing!" Sigaw nito kaya naman ibinagsak niya ang hawak na saranggola at ang lantern naman ang hinablot.
"Sa akala mo ba'y patatahimikin ka ng konsensiya mo Arturo Natividad? Diyan ka nagkakamali dahil hahabulin ka hanggang pagtulog mo ng mga inosenting pinatay mo. Tama na silang pinatay mo, huwag mo nang dagdagan pa dahil sila na mismo ang papatay sa iyo. Your conscience will kill you Business Director." Ang nakasulat naman sa lantern.
Kaya naman!
Agad-agad niya itong sinira, hindi pa siya nakuntento't inapak-apakan na kung living things lang sana'y pinagbabaril na.
Sa kabilang banda, sa kinaroroonan ng apat na may kagagawan sa saranggula at lanterns ay hindi pa rin makapaniwala si Lucas sa mga nakikita. Buong akala niya'y sa pilekula lang niya iyun nakikit kaso kahit ilang beses niyang kusutin ang mata'y nandoon pa sa kailangitan ang mga pinapalipad.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Fiksi UmumDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions