Chapter 29

18 3 0
                                    

 Time flies fast and here I am attending my moving up day with my friends. Finally, my grade 10 days are done. Shocks, Im gonna miss them for the whole summer vacation!

"---Congratulations dear students! You have completed another phase of your dream!" Our principal announced as she finished her speech. Everyone cheered. Now, now.. we still have a long way to go. 

"Oh san na kayo nyan?" tanong ko sa tatlong bruha. Nag-aalisan na ang mga tao, kanya-kanyang estratehiya kung papaanong ice-celebrate ang araw na ito. 

"May handaan sa bahay mga bakla, punta kayo?" anang Judy.

"Meron din samen eh, di ako makakapunta bakla" anang camia.

"Kame naman pupunta nalang daw ng mall nina mommy. Papasyal nalang daw kame. Ikaw ba jane?" anang pichie.

"Hmm? Pinauwi ko na yung tita ko eh. May lakad akong akin ngayon." mataman kong sagot. Tita ko yung pina-attend ko ng moving up ko since wala na naman akong papa at nasa abroad naman si mama. Iyong lola ko kasi ay umattend naman ng graduation ng kapaid kong lalaki sa elementary. 

"Pasan ka naman? Di ka manlang ba magse-celebrate?" Pang-uusisa ng pichie. Agad ko namang inilahad ang kamay ko sa kaniya. "Akina ang pang-celebrate."

"Eh?!"

"Bigyan nyo ko kako ng pang-celebrate para makapag-celebrate ako! Mga buwang" ani ko saka tumawa. Kumunot ang noo ng tatlo. "Hindi ba nakapag padala si tita ng extra para sa araw na to?"

"Nagpadala naman. Ayokong gastusin, sayang lang. Itatago ko nalang baka mapakinabangan ko pa sa mas importanteng bagay."

"Sowsss" react ng tatlo. "Alam mo bakla? Napaka-kuripot mo talaga sa sarili mo. Grabe na yan." anang judy. "Oo nga." segunda ng dalwa. Napairap ako.

"Wag nga kayong OA. Tska hayaan nyo na. Hindi nyo kasi alam ang pakiramdam ng isang batang ina sa bahay" biro ko. 

Napailing iling nalang ang tatlo. "Bahala ka nga dyan bakla. Oh san nga ang lakad mo? Paalis na kame.."

"Oo nga tska sinong kasama mo?" anang camia.

"Yun." sabay nguso sa lalaking naglalakad na papalapit saamin. Nang-aasar naman na tumingin saakin ang tatlo.

"Eyy naman!  saan ang duty?" pang-aasar ni judy. Inirapan ko nalang.

"Bakla kaka-moving up lang naten ha? May senior high pa tapos college. Wag ka masyadong magmadali" patuloy na pang-aalaska ng bruha. Sinapok ko na. Gagang to ang lakas na naman mang-asar.

"Siraulo ka. Lumayas na nga kayo! Mga peste." tatawa-tawa namang naglakad papalayo ang mga bruha. Kainaman na.

"Chika-chika nalang tayo mamaya ah? mag-online ka! Byeeeee!" Pahabol ng mga bakla kaya tinanguan ko nalang. Hindi makakatulog iyang mga yan hangga't walang nasasagap na chismis. Jusme, akala mo naman lagi kung saan ako pupunta.

"Ano? Tara na?" Bungad ni andrew ng makalapit. Agad naman akong ngumiti sa kaniya at tumango. "Tara. Pero bili muna tayo ng makakain ha? okey lang?" 

"Oo naman. Bibili parin naman ako ng paborito mong yema cake eh" napangiti ako. "Naks naman po!" binangga ko ang balikat niya saka tumawa. "Kaso wala naman tayong spoon, pano natin kakainin yun don?" 

"Ang laki naman ng problema mo.." Natatawang sabi niya, sinimangutan ko siya. "Marami namang mabibilhan dyan ng disposable spoon eh. Tara na nga lang, wag ka na mamroblema dyan. Ako na po ang bahala, okey?" panlalambing ng mokong. Pabiro ko muna syang inirapan at saka tumango at nagpama-unang naglakad. 

Matapos bilhin ang mga kailangang bilhin, sumakay na kame ng Jeep patungong Candelaria. KKB, syempre. Walang libre-libre pag parehas kinakapos. hehe. 

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now