CHAPTER 16:

181 11 0
                                    

ROXANNE POV:

Halos isang linggo na ang lumipas at sa mga nag daang araw na iyon ay nagagawa na naming makapag usap ni nolan . Hindi man gaya ng dati ang samahan namin pero masasabi ko na mas mabuti nalang na maging ganito kami kaysa dati .

Hindi ko na nagagawang makipag usap sakanya or maka kwentuhan siya gaya ng dati dahil nga sa nag sink in na sa isipan ko ang totoong nararamadaman niya saakin . Hindi ko din naman siya masisisi kung bakit siya nag kakaganun saakin, dahil nga iniisip niya na asawa niya ako pero sana naman alalahanin niya ang mararamdaman ko .

Kasalukuyan ako ngayon na nasa kusina at hinihintay ang nakakasawang luto ni nolan .

" Matagal pa ba yan ? "

" saglit lang my gummy bear "

hayst ayan nanaman yung call sign na yan . naaasiwa talaga ako dyan .

Na natili lang akong tahimik at nag lakad papuntang dining area para naman hindi ako mainip kakatayo at kakahintay sakanya .

Nang makalapit na ako sa lamesa ay agad akong umupo sa malapit na upuan . Sa pag upo ko ay hindi ko inaasahang bagay na dumampi saaking pisngi kaya agad ko iyon nilingon .

" Nolan, ano ba !? . ayan ka nanaman ! hindi ba pinag usapan na  natin ang tungkol dito !? ." Naiinis na sambit ko kay nolan na kasalukuyan na may bitbit na tray ng pagkain .

" Sorry , Akala ko kasi okay na tayo ." saad niya habang ipinapatong niya ang tray ng pagkain sa lamesa .

May pinag usapan kasi kami ni nolan na huwag niya ako ituring bilang isang asawa bagkus ay ituring niya ako bilang isang kasamahan niya lang sa bahay which mean bawal niyang gawin ang mga bagay na ginagawa nilang mag asawa noon, saakin dahil hindi niya ako asawa .

iniurong niya ang upuan at hinawi niya ang aking likuran para sabihin na umupo ako . umupo naman ako at kanya naman akong inurong papalapit sa lamesa . Bago siya umalis sa tabi ko ay binigyan niya muna ako ng isang matamis na ngiti samantalang ako ay deadma lang .

Nag umpisa na akong kumain pero habang nakain ako ay halos parang gusto kong isuka ang mga niluto niya dahil sa pananatili nitong pag titig saakin . Nakaupo si nolan sa gilid ko at habang aliw na aliw na pinapanood ako sa aking pag kain .

" Ano ba nolan , nandidiri ako sayo ! . Huwag mo nga ako titigan ng ganyan !. " bulyaw ko .

"  Anong nakakadiri naman sa pag titig ko sayo ? . " inosenteng tanong nito .

" WALA ! manahimik ka na nga lang "

" okay " nag pakawala siya ng isang mahinang tawa at muling bumalik sa nakakapikon niyang pag titig saakin .

Matapos kumain ay naisipan kong lumabas at pumunta sa malawak na harapan ng bahay . Wala naman akong pwedeng puntahan kundi dito dito lang din dahil hindi ako pinapayagan na lumabas ng bahay . kahit naman lumabas ako ng bahay wala din naman akong alam na pupuntahan .

Nakahiga ako ngayon sa damuhang harapan ng bahay ni nolan ng biglang may narinig akong nag doorbell sa gate kaya agad akong tumakbo papalapit doon . 

Nang aking buksan ang gate ay tumambad saaking harapan ang isang gwapo binatilyo na may malawak na ngiting na kapaskil sa labi .

" uhm ? ano po ang kailangan nila ? " naka ngiting tanong ko .

ang totoo niyan kinikilig ako dahil uhmm.. pano ko ba sasabihin ito ? Ang gwapo niya at katulad ni nolan ay matangkad din ito pero mas matangkad parin si nolan kaysa sakanya .

tumawa ito ng marahan at iniabot saakin ang isang tupperware na may laman pagkain . Kinuha ko na iyon sa kanyang kamay .

" Ano to ? "

" pagkain " mabilis na sagot nito .

" pilosopo ka . hindi , ang ibig kong sabihin para saan to ? " pag lilinaw ko .

" ayy sorry , may handaan kasi sa bahay namin " tumawa ito ng marahan at sabay turo niya sa katapat na bahay .

" hindi ko akalain may nakatira pala dito dahil halos wala naman akong nakikitang taong lumalabas pasok sa gate na to . " muling pag lalahad nito.

malamang bampira may ari ng bahay na to eh pero ang alam ko hindi naman na sasaktan si nolan sa sikat ng araw . Ano bayan Roxanne bat mo inaalala si nolan! .

" sinong may birth day ? " kunot noong tanong ko .

" ako " malawak niyang ngiting sagot saakin .

" Happy birthday ... ay hindi ko pa pala na itatanong pangalan mo. "

" im bryan ..."







The Vampire Sex Prisoner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon