Nakahiga pa ako noon nang may narinig akong boses.
"BATA! ANDYAN KA BA? OK KA LANG BA JAN?"
Boses yun ni Kuya Mel.
Sumagot ako sa tanong niya. Pero hindi niya ata ako marinig.
"BUBUKSAN NAMIN TO. LUMAYO KA LANG NG KAUNTI SA PINTO KUNG NASAAN KA MAN."
Pagkarinig ko sa mga sinabi ni Kuya Mel. Dali dali akong dumilat. Patuloy akong kumapa sa gawing kaliwa. Napahawak na lang ako sa isang malaki at nakatayong kwadradong bakal.
Bumukas ang pinto ng biglaan.
Kassabay ng pagbukas nito ang nakakasilaw na liwanag na tila nananakit sa mata ko.
Hindi ko alam kung didilat ba ako para tanggapin ang liwanag o pipikit para pigilan ang sakit.
Mas pinili kong dumilat.
Dumilat ako ng paunti-unti. Nakita ko ang isang anino ng lalaki na naghahakot ng pera. At inilalagay ito sa halos puno nang Bag na dala ko kanina.
"Kaunti na lang bata. Isisiksik ko na lang to."
Boses nga yon ni Kuya Mel. Nakasisigurado na akong sya nga tong nasa harapan ko ngayon.
"Ok na bata. Sibat na tayo."
Pilit ko pa ring linalabanan ang pagkabulag na nararamdaman ko. Dilat. Pikit. Dilat. Pikit. At didilat ulet.
"Nakakaawa ka naman bata. Tsk!"
Iniabot ni Kuya Mel ang kamay niya sa akin para alalayan akong tumayo. Hindi ko namalayan na halos nakahiga pa pala ako. Siguru dahil ito sa pagkabulag.
Halos anino lang ang lahat ng nakikita ko. Umiikot din ang paningin ko.
Naramdaman kong sinukbit ni Kuya Mel sa akin ang isang bag na puno ng pera at sinabi.
"Ang sakit sa mata noh? Hawak ka sa balikat ko. Tatakbo tayo. Wag kang bibitaw."
Sinukbit din niya ang isa pang bag sa kanyang kanang balikat at ilinagay sa kaliwang balikat niya ang kanang kamay ko.
Tumakbo kami papunta sa pintuang pinasukan namin kanina.
_____________________________________________________
PLEASE DONT FORGET TO LEAVE COMMENTS.
-CHLEI
BINABASA MO ANG
On The Hands of the Undead
HorrorA well-planned hold up sa isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Sampung hold upper, tatlong kasabwat na nagtatrabaho sa loob. Inside job. "Basta walang masasaktan, walang papatayin." Dahil sa security system. Automatic na naglock down ang buo...