Part 3

2.2K 83 0
                                    

"O PA'NO, Kuya Vlad, hindi na ako magtatagal. Manggugulo pa ako sa restaurant ni Charlie." Paalam ni Roel kay Vladimir. Nasa isang mall siya at namimili ng mga pasalubong na iuuwi niya sa Naujan. Napadaan siya sa activity center at nalaman niya na may Meet-and-Greet pala roon si Alexander Mondragon. Si Alexander—bukod sa taga Naujan din ito ay kaibigan din ito ng kanilang pamilya. They were almost family. Ipinasya niyang magpakita rito. Noon niya nalaman na naroon rin pala ang kapatid nito na si Vladimir.

He's Roel Valencia. Born in the Philippines but raised in California. Bagama't tuwing bakasyon ay umuuwi siya ng Pilipinas. Itinayo niya sa California ang kumpanya niya na isang architectural firm. Tatlong taon na ang nakararaan ng permanente siyang umuwi at bumase rito. Then later on, ipinasya niya na ilipat na rin dito ang main office ng kumpanya. Bagama't tumatakbo pa rin ang kumpanya roon.

"Okay. Ikumusta mo nalang ako kay Charlie at sa lahat. Keep safe Roel. Mag-ingat ka sa pag-uwi." Sagot naman ni Vladimir. Uuwi kasi siya sa Naujan kung saan naroon ang kanilang asyenda.

"Sur—" naputol ang sasabihin niya sa biglaang pagpasok roon ni Alexander. He looked lightly bothered.

"Kuya Vlad, halika saglit. Tingnan mo 'yong isang fan na nagpapapirma sa akin. She's beautiful and...and...I mean she looks like...basta halika. See for yourself," ani ni Xander.

"Loko ka, Xander, may asawa na si Kuya Vlad kaya huwag mo na siyang retuhan," pagbibiro niya.

Hindi siya pinansin ni Alexander, sa halip ay hinawakan na nito ang braso ng kapatid at halos hilahin ang sundalo palabas sa backstage. Na-curious siya. Kunot ang noo na sumunod siya at sumilip.

There. Nakita niya ang babaeng ipinapakilala ni Xander kay Vlad. Nang mabistahan niya ang babae ay kumunot ang noo niya. Hanggang sa ang pagkunot ng noo ay unti-unting napawi at napalitan ng unti-unting pagbuka ng kanyang labi.

Tumambol ang dibdib niya. Hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ang babae.

It's been what? Eleven years?

Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon kabilis niya itong nakilala gayong hindi maitatanggi na binago ng labing-isang taon ang pisikal nitong hitsura. Hindi na ito payat, nasa lugar na ang bawat kurba ng katawan. She's taller than he remembered. Ang dating nang magandang mukha nito ay lalong ginawang prominente ng mga taong nagdaan. Her hair is in style now. Hindi katulad noon na bagama't maitim at tuwid iyon ay lagi namang nakatali lang. That's why when he got the chance, he undid her pony and run his fingers through her hair.

Kakatwa na naaalala pa niya ang mga detalyeng iyon gayong hindi naman sila ganoong magkakilala. Subalit hindi lang ang mga iyon ang malinaw na bumabalik sa kanyang isipan. Intimate memories of them came crushing on him like wildfire.

Valencia Brood Series Book 6 : RoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon