Chapter 5

33 2 1
                                    

CHAPTER 5

TAHIMIK na sumusunod lamang si Matt kay Hannah. Napakalawak ng bakurang iyon na kanilang tinatahak. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib  sa dahilang hawak nito ang kaniyang kamay.

"Nandito na tayo."

Inangat niya ang kaniyang paningin at namangha siya sa laki ng bahay na nasa kaniyang harapan. Isa iyong malaki at lumang mansyon.

"Dito ka ba nakatira?"

"Oo." Hinila siyang muli ito para pumasok sa loob ng mansyon. "Dito ka muna tatawagin ko lang sila lola."

Tumango siya, pagkaraa'y umakyat ito ng hagdan. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan niyon. Napadako ang kaniyang paningin sa isang grand piano. May nakapatong na larawan doon. Lumapit siya at kinuha ang picture frame na nasa ibabaw niyon. Dalawang tao ang nakita niya doon. Isang lalaki at isang babae. Mukhang mag-asawa ito base narin sa makikitang ningning sa mga mata nito habang magkahugpong ang mga kamay at nakangiti sa camera. Mahahalata din na buntis ang babae sa larawan. Hindi kaya...

"Matagal-tagal na rin ng may huling makatungtong na ibang tao dito sa bahay namin."

Napalingon siya sa nagsalita. Isang may katandaang lalaki ang kaniyang nakitang nakatitig sa kaniya at nakangiti.

"P-Pasensya na po kayo at pinakialaman ko ang gamit niyo." Hinging paumanhin niya.

Kinuha nito mula sa kaniya ang larawan at marahang hinaplos iyon na may mababanaag na lungkot sa mukha nito. Ibinalik nito ang picture frame sa ibabaw ng piano ng marinig ang boses ng apo.

"Lolo, nandiyan ka lang pala!" Patakbong niyakap ito ni Hannah. Kasunod nito ay isang matandang babae na halos kasing edad lamang ng matandang lalaki. "Kanina pa kita hinahanap. May ipapakilala ako sa inyo. Lo, La, Si Matt po, siya po yung bagong kong kaibigan na lagi kong naikukwento sa inyo. Matt, ito naman ang lolo at lola ko."

Nakipagkamay sa kaniya ang dalawang matanda. "Ikaw pala si Matt." ,ani ng lola ni Hannah.  "Aba'y napaka gwapo pala nitong batang ito ah."

Nahihiyang napakamot siya sa kaniyang batok. At napangiti siya sa magiliw na pagbati nito sa kaniya.  "Naku, kayo din ho lola, ang ganda ganda niyo po."

"Narinig mo yun Arnulfo? May asim pa ako." ,binuntunan nito iyon ng tawa.

"Aba'y oo naman. Maganda ka pa din naman sa paningin ko, Esmeralda." Hinalikan nito sa noo ang esposa.

"Sina lola talaga..."

 Napapangiti na lamang siya sa mga ito, habang napapailing naman si Hannah.

"Dito ka na mag-tanghalian Matt. Sandali lang at magpapaluto na ako." Nakangiting baling sa kaniya ni Lola Esmeralda.

"Maraming salamat ho. Hindi na ho ako tatanggi at medyo nagugutom na nga rin ho ako."

"Ay naku! Kailangan palang isang bandehado ang ipahanda ko."

"Lola, hindi naman po ako ganun kahalimaw kumain." Natatawang sakay niya sa biro ng matanda.

Hinampas siya ni Hannah at pinanlakihan siya ng mata nito. "Kapag sinabi ni lola na isang bandehado kainin mo, isang bandehado kainin mo. Maliwanag?"

Tumango na lamang siya. Napatawa naman ang dalawang matanda. Nagtungo si Lola Esmeralda sa loob ng kusina ng mga ito. Nagpaalam naman saglit si Lolo Arnulfo upang bisitahin ang mga alagang kabayo niyo. Naiwan silang dalawa ni Hannah na nakaupo sa sala. Tumayo ito at lumapit sa grand piano. Umupo ito sa silya at unti unting tumipa ito mula sa teklado. Lumikha iyon ng matinis na tunog. Hangang sa makabuo ito ng malamyos na musika na tila umaakit sa kaniya upang lapitan ito.

Tumayo siy mula sa pagkakaupo sa sofa at dinaluhan ito sa pagtugtog. Natagpuan na laman niya ang sariling tumutugtog kasama ito. Natapos nilang tugtugin ang isang buong kumposisyon na iyon ni Chopin. Madalas niyang marinig iyon noong bata pa laman siya.

Ngumiti ito sa kaniya. "Marunong ka din palang tumugtog ng piano." 

"Nocturno. Naalala ko pa, madalas iyang tugtugin ng Mama ko. Para siyang anghel habang nasa harap ng piano namin. Madalas na pinakikinggan namin siya ni Papa. Masaya kami noon. Walang problema. Kung mayroon man, hindi ganoon kalaki. Lagi nilang sinasabi sakin na ang lahat ng problema ay may solusyon. Huwag daw akong basta susuko at lagi ko lang ngitian ang bawat pagsubok na ibibigay sakin, habang gumagawa ng hakbang para ayusin ang gulo. Hindi mo namamalayan, na nasolusyunan mo na pala ang problema mo. Pero..." Naikuyom niya ang kaniyang kamao at napayuko. "Pero, noong panahong iwan kami ni Papa para sumama sa ibang babae. Hindi iyon matanggap ni Mama, kaya nang araw na sumakay si Papa sa kotse niya upang tuluyan kaming iwan, pilit na sumama si Mama. Ayon sa balita, nag-aagawan daw sa manibela sina Papa at Mama, hindi nila namalayan yung truck na nasa harap nila kaya naman..."

Ipinatong ni Hannah ang palad nito sa naka-kuyom niyang kamao at pinisil iyon.  "Sa buhay ng tao, hindi laging masaya. May mga nangyayaring hindi natin inaasahan. Hindi natin kontrolado ang pag-iisip ng bawat isa. Hindi din natin alam kung anong mangyayari sa bawat oras na dadating. Napaka ikli ng buhay para maging malungkot lang tayo. Ang tanging magagawa lang natin ay gawin ang alam natin and tama at ang makapagpapasaya satin."

Tumango siya, upang ipaalam dito na naunawaan niya ang sinabi nito.  Umihip ang malakas na hangin at tinangay niyon ang napakalambot ng buhok nito. Parang naging slow motion ang pagkilos nito. Tila nang-aakit ang mapupulang labi nito. Unti unti niyang ibinaba ang kaniyang mukha papunta sa mukha nito, hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sariling hinahalikan ito sa mga labi. Parang nabuhayan siya ng loob ng nag-umpisa itong tumugon sa bawat paghalik niyo dito. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay unti unting rumehistro ang ngiti sa kaniyang labi.

"Bakit mo ginawa 'yon?",nakakunot noong tanong nito sa kaniya.

Mabilis niyang inukilkil sa kaniyang puso at isip ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon. At iisa lang ang sinasabi ng mga ito.

"Mahal na kita, Hannah."

Malakas na sampal ang isinagot nito sa kaniya. Naglahong parang bula ang ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nabingi siya hind dahil sa lakas ng sampal nito, kundi dahil sa nagsusumigaw na pag-tanggi  nito sa nararamdaman niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo." , madiing sabi nito.

"Mahal kita. At hindi ko maaring bawiin ng basta basta yun."

Malakas na binayo siya nito sa kaniya dibdib. "Bawiin mo! Bawiin mo!"

Nalilitong tinanggap niya ang bawat tama ng kamao nito sa kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niyo. Samantalang naramdaman niya ang nararamdaman nito sa paraan nito ng pagsagot sa kaniyang halik.

"Umalis ka na... Umalis ka na! At ayaw na kitang makita pa kahit kailan!"

Iyon lang at patakbong pumasok ito sa isang kwarto at pabalag na isinara ang pinto.

"Hijo? Anong nangyari?" Nakabalik na pala ang lola nito mula sa kusina.

 "Pasensya na po kayo, Lola. Mauuna na ho ako. Maraming salamat ho."

The Story of My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon