Ang tamad na writer: Enjoy reading and leave some comments. Thank you. God bless.
~oOo~
MAY PAGMAMADALI na umalis si Jeremy sa opisina niya. Nagtext kasi si Liz sa kaniya at tinatanong nito kung busy ba siya. Walang pag-aatibiling sinabi niyang hindi kahit pa tambak ang trabaho na nakapatong sa lamesa niya.
Ang replay nito ay nasa restaurant ito na malapit sa building nila at kung okay lang daw na samahan niya itong mag-lunch habang hinihintay ang kapatid niya—na alam niyang nasa kalagitnaan pa ng isang importanteng meeting.
Hindi siya nagkuli kahit alam niya sa sarili na hindi talaga siya ang gustong makasama nito kundi ang kakambal niya—na fiancé at ama ng pinagbubunti nito.
He couldn't find it in him to turn Liz down kahit pa alam naman niya na maiintindihan siya nito kung tatanggi siya. He had so many things to do at alam nila parehas na dapat ay umiiwas na siya dito—kahit sa ngayon lang. Hanggang sa matanggap na muna siguro niya sa isip at puso niya na hindi sila ang para sa isa't isa.
No one will question him if he would say that he's angry and nobody will blame him if he avoided his brother and Liz for a long time because all of the people they know knew about how strong his feelings for Liz are. They knew how much he loves her to the point na noong itinatanggi ng kapatid niya na ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Liz ay willing siyang akuin ang bata at willing siyang pakasalan si Liz. That's how deeply he loves her.
Pero ang tadhana nga naman, may ibang plano.
During the early months of their association, emotional dramas transpired. Too many fighting and and resisting from his brother. It's safe to say that the relationship between his brother and Liz's had been an emotional roller-coaster. But of course eventually nagkamabutihan din naman ang dalawa. Hindi nga lang alam ni Jeremy kung paano nangyari na nahulog ang loob ng kapatid niya kay Liz. Hanggang ngayon nga, kahit ang mga kakilala nila sa business world ay hindi pa rin makapaniwala sa transformation ng ugali ng kapatid niya.
Sino ba naman kasi ang makakapagsabi na ang dating masungit, walang pakialam sa mundo at high and mighty na si Jacob Kifler ay mapapalitan ng isang mapagmahal, mapag-alaga at palangiti na tao?
Love can do wonders in a man's life. He thought to himself.
May pait na napangiti siya sa sarili habang humahakbang siya palapit sa babaeng buong puso niyang minahal.
It could've been me. She could've been mine. We could've been together.
Bahagya siyang tumigil sa paglakad at pinagmasdan si Liz. Kasalukuyang nakikipag-usap ito sa waiter na nasa tabi nito. Kumikinang ang mga mata nito at mahahalata mo sa magandang mukha nito ang saya na nadarama ng mga sandaling iyon.
She looked so in love.
BINABASA MO ANG
Begin Again (ANAC book 2-on going)
Teen FictionJeremy Kifler is the epitome of rich, too handsome and very available bachelor. But he was also deeply scarred because the last time he fell in love, the girl ended up marrying her brother. Kaya nga ba ang dating mabait, maalalahanin at palangiting...