Note: For visualization purposes only. Credits to the owner of the picture
=================
Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
============
Seth Kyrie
Downtown Toronto
Castañeda-Munk Residence
Monday, 9:00 A.M
Nasa study area ako, nakaharap sa isang malaking bintana. Tanaw ko ang malawak na bakuran ni Tita Cecille na balot sa nyebe. Tumigil narin sa wakas ang pag-ulan ng yelo at hindi na gaanong malamig sa labas.
Day off ko ngayon kaya nasa bahay lang ako, nagche-check ako ng mga email at iba pang papers. Kausap ko rin ang secretary ng Cardio unit via videocall.
"Doc, you have a meeting with Dr. Pearson tomorrow at 8 AM"
"Katarina, can you ask him to move that? I will be the one in-charge of the interns tomorrow and all thanks to him"
"Doc, he said this is urgent"
Pumasok naman yung kasama namin sa bahay na si Ate Zenai hawak hawak ang mug ng hot choco.
"Doc"
"Pakilapag na lang diyan, salamat" nang mailapag nito ang mug ay kinuha ko ito saka ako humigop dito.
Habang humihigop ako ng mainit na tsokolate ay narinig ko nanaman ang maingay na sandals ng aking anak, papalapit at papalapit siya sa gawi ko.
"Is that Kali?" nakita nga ni Katarina ang anak ko na nasa likuran ko.
"Sssssh, don't mind him"
"He's so cute"
"Kat, stop" natawa na lang si Kat sa screen.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...