CHAPTER 46- Wrong

3.9K 105 0
                                    

"Ele, kape raw sabi ni sir, dalian mo raw." Kaagad akong napa-lingon sa harapan ko, nakatayo doon si Chelsey, na nakapa-mewang at naka-taas ang kamay.

"Ah, sige." Kaagad na sagot ko at tatayo sana ako nang tapikin niya ang balikat ko, naya napa-lingon ulit ako sa kaniya.

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko rito, ngumisi lang siya sa akin.

"Mang-iingat ka riyan kay Jelan." Napataas naman ako ng kilay ko sa pagtataka.

Anong ibig niyang sabihan sa mag-ingat?

"Bakit?" Nagtataka kopa ring tanong, pero hindi siya nagsalita at dumiretso na sa puwesto niya. Napatingin tuloy ako kay Jelan na may inaasikasong mga papeles.

Binaliwala ko na lang 'yon at dumiretso na ako sa coffe table at kaagad nagtimpla nang kape para kay Symon.

Nang natapos ako, nagulat na lang ako nang lumapit bigla si Jelan sa akin, "Ibibigay mo kay sir 'yan, right?" Nakataas ang kilay niya na para bang sang-ayonan ko ang gusto niya.

"Ah, oo." Naguguluhang sagot ko sa kaniya.

"Ako na lang ang magbibigay." At dahil sa kalitohan ay pumayag na lang rin ako. Sa pagpayag ko ay napangiti siya, napangiti na lang din ako pabalik.

Umalis na siya dala dala ang kapeng ako mismo ang nagtimpla. Nagsisimula na ata akong mainis doon kay Jelan. Naku, 'wag niya lang talagang landiin ang Sy ko.

Kaagad akong napalingon sa table ko kung saan naroon ang cellphone ko na tumutunog ngayon, hudyat na may tumatawag.

"Hello?" Kaagad kong bungad rito.

"Hi, Portia." Si Simon lang pala, akala ko naman kung sino na.

"Oh, hello? Anong kailangan mo?" Nakangiti kong tanong kahit na hindi niya naman nakikita.

"I just want to invite you for a dinner date." Dinner date? Papayagan ba ako ni Sy?

"S-sige.." Nalilito at hindi siguradong sagot ko.

Baka kasi kailangan ako ni Sy mamayang gabi sa bahay o walang magluluto nang pagkain niya.

"Susunduin kita riyan mamaya, may tinatapos lang ako." Bakas sa boses niya ang pagkatuwa rito.

"Para saan pala 'tong dinner date?" Nagtatakang tanong ko.

Wala naman kasing may  kaarawan o kung ano, kaya para saan 'di ba?

"Wala naman, I just miss you. Nito kasing mga nakaraan palaging busy ang schedule nating dalawa, kaya babawi sana ako.." Miss? miss niya ako? Eh?

"Ah, nag-abala ka pa. Puwede namang sa bahay na lang tayo kumain gagastos ka pa."

"No, I want us alone para naman talagang official na nanliligaw ako sa 'yo. Hindi naman kasi puwedeng hanggang bulaklak lang ako no.." mahina itong natawa, "and also, may pinadala akong bulaklak riyan, nandiyan na ba?" Napatingin tuloy ako sa paligid kung mayroon ba.

"Wala naman."

"Hindi pa siguro nakakarating, sige follow up ko lang."

"O-okay... bye Simon and thank you."

"Bye. I love you." Shit! anong sasabihin ko? Hindi naman puwedeng i love you too ang isasagot ko. Argh! Bahala na nga!

"I l-love y-you" Sabay patay ko nang tawag namin, nagulat na lang ako nang may biglang natumba o kung ano mang ingay iyon, dumadagundong kasi iyon sa buong palapag na alam kong narinig din ng iba.

Kaagad akong napalingon sa kung saan man iyon nanggaling. Nakasalubong ko ang madilim at nangangalaiting tingin ni Symon— ShitN

"Sy.." Mahinang bulong ko, sa subrang hindi no'n ay hindi ko na alam kong narinig niya ba, pero ang sigurado ko ay narinig niya ang sinabi ko kay Simon.

Napa-awang na lang ang labi ko nang tumalikod na ito at diri-diretsong naglakad paalis.

"Where's Portia?" With my forced calm voice, I asked.

"Sir, busy." Napataas naman ang kilay ko.

"Wala akong binigay na papeles kaya wala siyang pagtratrabahuhan so you go back, and tell Portia to go here. Asap." What the hell is she even doing at this hour? Hindi ko nga siya binigyan nang madaming papeles para kapag tinawag ko siya ay kaagad siyang makakapunta rito sa harapan ko.

"Pero kasi—"

"No buts, just go get her, and you can go now." Masungit at mariin kong utos dito, nang hindi manlang siya nililingon. Para saan ba? She's not my Portia.

Dali dali naman siyang umalis at naiwan na lang sa lamesa ko ang kape. Ano ba kasing ginawa niya at hindi niya ako kayang pagsilbihan? kahit pagdala lang ng kape, hindi pa.

Limang minutong nagdaan ay wala pa rin ni isang bulto ni Portia kaya mas lalo lang ako nainis. Sa inis ko ay napatayo na lang ako, at nagdesisyong ako mismo ang pupunta sa kaniya.

Palabas na ako nang marinig ko ang— "O-okay... bye Simon and thank you.."

"I l-love y-you.."

Ito pala.. ito pala 'yong dahilan at busy siya.  Wow, just wow. Fuck it.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now