Kabanata 1

655 15 1
                                    

"Are you coming or not?"


Napalingon ako sa nagsalita. Nakita kong nag aayos ang pinsan kong si Serene ng kanyang buhok habang nakatingin sa salamin. She has a defined features and she's actually a goddess


Pinagmasdan ko siya at nakita na halos may pagkaka-hawig nga kami. Malamang ay dahil pareho kaming nag mana kay lola. Our far relatives often mistaken us as siblings, maybe because we have similar features or just our undeniable closeness. We weren't exactly raised together because she lived in the US before.


Binitiwan ko ang hawak kong libro at itinigil na muna ang pagkakabisa. I never thought Law school can be this tiring. Fighting for justice is indeed almost an impossible thing, but I would always want to try the impossible and make a difference.


Mayroon akong quiz sa Criminal Law I at Constitutional Law I bukas at niyayaya niya akong pumuntang party ngayong gabi dahil birthday ng kaibigan niyang taga-La Salle. She's the life of the party and she has many friends, and when I say many, I mean many. She can actually run for any position in the government and win effortlessly.


Isinasama niya ako dahil gusto raw niyang magpaka-lasing at ayaw niyang mag commute pauwi. Wala rin namang magda-drive sa kanya kahit dala niya ang kanyang sasakyan. My conscience wouldn't take it if something bad happens to her, so I'm not leaving her alone.


"Sasama raw ba ang lahat?" Tanong ko habang mina-masahe ang sintido dahil suma-sakit na ito dahil sa kaka-aral.


"Yes, they already responded. Sabay na raw si Cat at si Val, dadaanan pa raw nila si Basti dahil tinatamad din magdrive." Sabi niya habang sinu-suot ang hikaw niyang binili sa Pandora. She really looks expensive.


"Ang lalaking 'yon talaga." Sabi ko pa kasabay pa ang pag-iling. Basti has been this annoying since our friendship started.


Ipinalibot ko ang tingin sa buong condo niya. Nakiki-tira lang ako dahil wala akong perang pambili ng bahay, hindi ako kasing yaman ng pamilya ni Serene, siguro dati, ngayon ay hindi na. I got used to living this way. Well at first, I really had a hard time adjusting.


Ngayon ay nakakulong na si papa dahil sa mga utang at dahil dinaya siya ng business partner niya na traydor na kalauna'y sinampahan siya ng kaso sa hindi malamang kadahilanan. I don't know why some people are just that bad.


Si Mama naman ay wala na dahil sa Cancer. Mabuti at kinupkop ako ni Tito dahil wala na akong matitirhan. Sila na lang ang pamilya ko. Ang nag-iisa kong kapatid ay hindi ko na alam kung buhay pa. Walang nakakaalam. He just... disappeared.


Mahirap ang buhay dahil nagta-trabaho ako para sa pang kain ko at pang tulong sa bayarin sa condo ni Serene dahil nakakahiya naman kung aasa lang ako sa kanila. Ilang taon din nila akong sinuportahan sa pag aaral. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila.


Lilipat na rin sana ako sa apartment sa Makati dahil nandoon ang Law School kaya lang ay bumili naman ng condo roon si Serene para 'pag uminom daw siya sa BGC ay malapit lang ang uuwian. That was obviously a lie.


I knew she purposely planned that even though it was obviously unnecessary because she wanted to give me a free stay. It was almost done, they're in the final touch of the interiors.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon