Harley's POV
"Sige na Asha, report na natin" pilit ko kay Asha
Kanina nang makalabas na kami sa clinic ay sabi ni Joshua na dumiretcho na kami sa pod or kay dean. Pero itong si Asha sa sobrang bait ay hindi gusto i report!
"Wag na"
"Bakit naman ter?" si Joshua
"Wala naman tayong mapapala"
"Hindi Asha, may malaking chance na ma expel sila Marko, para wala naring aaway sayo" sabi ni Hershel
Pero hindi niya kami sinagot, ewan ko ba sayo Asha. Tama naman ang sinabi ni Hershel malaki talaga ang chance na ma expel sila Marko dito sa school. May sugat pa nga siya, marami ding naka witness sa pangyayari.
"May pera sila kaya mananatili parin yun dito"
"What do you mean?"
"Kahit na mag report tayo, mayaman sila kaya pwede niya lang bayadan yung prefect"
"Well hindi si Dean" sabi ni Joshua
"Please guys... wag na tsaka okay na ako"
"Anong okay ka jan? Hindi ka nga nagpa check sa hospital!" inis na sabi ko
Sabi kasi nang nurse kanina ay mas mabuti if ipatingin namin siya sa hospital, kasi even thou na maliit lang yung sugat niya ay natamaan parin siya nang MGA bato sa ulo. Oo MGA talaga kasi ang daming lumipad na mga bato kanina! Pero hindi pa rin siya nagpa check up dahil gastos lang daw! Sayang lang daw yun sa pera! Kaya ayun sinabihan nalang namin na magpahinga muna siya sa Clinic pero ayaw niya pa rin! Wala daw siyang ma learn, para namang may kailangan pang i learn ang babaeng to! Na ang talino na!
LESSON
LESSON
LUNCH TIME
Halos tumakbo kami nila Hershel pagkasabi nang teacher namin nang goodbye, hindi kaya kami naka kain kanina recess kaya eto gutom na gutom. Gusto man naming tumakbo ay nag lakad kami sa tabi ni Asha, baka ibang bagay naman ang lilipad. Sinabihan ko si Asha na ako nalang muna ang mag oorder para hindi na siya mas mapagod pa, ang dami kayang dugo kanina hindi ba siya nanghihina?! Syempre iba yung inorder ko. Ewan ko nga kung bakit palaging nag gu-gulay to si Asha,hindi naman yun kumakain nang gulay ah? Tapos wala naman kaming tournament para magbantay siya sa weight niya.
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...