Konti pa... Kaya ko pa
Ipinikit ko ang mga mata ko, kailangan kong lakasan ang loob ko.
"Ano Selestina? Suko kana?"
Nilingon ko si Portia, hindi man lang siya pinagpawisan habang ako nama'y halos mahimatay na. Tiningnan ko ang braso ko, naghahalo na doon ang pawis at sariling dugo.
"H-hindi, kaya k-ko pa"
dahan-dahan akong tumayo, ngunit bago pa man ako makatayo'y bigla niya akong sinipa at dinaganan. Napapikit ako ng maramdaman ko ang espada niya sa leeg ko. Nanginginig na ako sa takot.
"Tama na yan!"
Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko ang sigaw ni Zaizer, agad namang umalis si Portia, nanghihina parin akong tumayo.
"Ano ba yan Zaizer, ang hina naman nitong kagrupo niyo, sasabak ba talaga yan sa laban? Ako pa nga lang nakakalaban niyan halos mamatay na, ano pa kaya pag mga Cyclops na?"
Nanunuya niya akong tiningnan, agad naman akong yumuko. Kasalukuyan kaming nag-eensayo sa likod ng campus, huling pagsasanay na namin ito para sa laban namin sa mga Cyclops. May naganap na namang patayan sa mundo ng mga mortal, nang mabalitaan ito ni Zeus ay agad niyang ipinag-utos sa pinuno ng aming grupo na si Zaizer ang planong pagsugod sa mga kuta ng kalaban.
"Bukas, pupunta tayo sa mundo ng mga mortal para mag imbestiga"
'di niya pinansin ang hinaing ni Portia, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, umiling-iling siya. Agad naman ako nakaramdaman ng hiya.
"Huh? Mag-imbestiga? Bakit pa?"
Tiningnan lang siya ni Zaizer.
"Hindi kami pwedeng sumugod na lamang sa kuta ng mga Cyclops nang hindi nalalaman ang tunay na nangyari"
Tumango ako, tama nga naman siya, hindi namin pwedeng basta basta nalang patayin ang mga Cyclops kung haka-haka lang ang alam namin sa patayan na naganap.
"Malalim yang mga sugat mo, Selestina. Pumunta ka na ngayon kay
Aphries at nang sa ganon ay magamot na 'yan"
Tiningnan ko siya, tulad ng dati, wala paring emosyon ang mukha niya, hindi mo malalaman kung galit ba siya, masaya, malungkot o kung ano man. Katulad na katulad ng kanyang amang Diyos, siya ay anak ni Hades at Persephone, nakuha niya ang natural na makapal na kilay, panga at ang matangos na ilong sa ama at ang Kulay Asul na mata, mahabang pilik mata at ang manipis na labi naman ng kanyang inang si Persephone.
"Selestina?"
Hindi ko namalayang ilang minuto na pala akong nakatitig sa mukha niya, agad akong umiwas ng tingin.
"A-ah, oo, Sige, aalis na ako"
Tumango lang siya, napabuntong hininga ako. Well, that's the usual response from Zaizer.
Naglalakad na ako pabalik sa campus para gamutin ang sugat ko nang biglang may nahagip ang mata ko. Napalingon ako sa matatabong mga puno. Hindi ako nagkakamali, may mga matang nakatitig sakin. Inilibot ko ang paningin ko, hinahanap kung sino man 'yun, muntik na akong mapasigaw ng makita ang hindi pangkaraniwang kulay abong mga mata.
"S-sino ka?"
Hindi siya sumagot, patuloy lang siya sa pagtitig sa mga mata ko.
"Sino ka?!"
Bigla akong kinilabutan ng humakbang siya papunta sa akin, doon ko lang nakita ang buong anyo niya, ang buhok niya ay puno ng mga agressibong mga ahas, nakakahindik ang mukha, puno ng kaliskis ang braso hanggang sa kanyang tiyan ang kalahating katawan naman niya'y katawan ng ahas.
"Bulag ka?"
Kahit ang pagsasalita niya'y nakakakilabot.
"A-anong pinagsasabi m-mo?"
Hindi siya agad nakapag-salita, unti-unti ring nag-iba ng kulay ang mga mata niya, mula sa nakakahindik na kulay abong mga mata hanggang sa naging napakagandang kulay berde. Ang kanina'y aggresibong mga ahas sa buhok niya'y unti-unting kumalma hanggang sa napalitan ito ng napakakintab na buhok, ang makaliskis na balat ay biglang nawala, ang nakakahindik na babae'y naglaho at napalitan ng isang napakagandang nilalang.
"Sino ka ba?!"
Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya. Natigil na lamang ako ng makita siyang umiiyak.
"Kung hindi mo ako sasagutin ay aalis na ako"
Umatras na ako, hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.
"S-sa wakas, sa wakas ay dumating kana"
Patuloy lang siya sa paghikbi.
"Hindi kita kilala kaya kung maaari, umalis kana. Baka may makakita pa sayo rito, paniguradong papatayin ka nila"
Nakaramdam narin ako ng awa para sa kanya, hindi ko alam.. hindi ko naman talaga siya kilala pero... Pero bakit ganito? Parang ang sakit na makita siyang umiiyak.
"Selestina?! Selestina!"
Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Zaizer at ng iilan pa naming kagrupo.
Agad naman akong umalis doon at iniwan ang babae, muli ko siyang nilingon ngunit wala na siya roon.
"Selestina!"
Muli akong kinabahan ng marinig ang malalim na boses ni Zaizer.
"A-andito ako"
Agad naman nila akong dinaluhan.
"Saan ka ba nagpunta Selestina?! Ilang araw kang nawala! Nag-aalala na kami sayo!"
Nag-aalalang usal ni Svana, ang nag-iisang kaibigan ko sa paaralang ito. Agad nang kumunot ang noo ko, ilang araw akong nawala? Ngunit sa pagkakaalala ko'y ilang minuto lamang kaming nag usap ng babaeng yun!
"Selestina!"
Napakurap ako ng biglang sumigaw si Zaizer, matalim niya akong tinitigan.
"Sumunod ka sakin, may pag-uusapan tayo"
Mahinahon ngunit may diin niyang utos, agad naman akong sumunod sa kanya.Huminto kami sa harap ng klinika ni Aphries.
"Pumasok ka"
Tumango bago pumasok sa loob, nadatnan naman namin si Aphries sa kanyang mesa, may kung anong sinusulat.
"Aphries, andito na siya"
Napahinto naman si Aphries sa ginagawa at tiningnan kaming dalawa, tinuro niya ang upuan, agad ko namang nakuha ang gusto niyang mangyari kaya umupo na ako doon.
"Pwede ka nang umalis, Zaizer"
Tiningnan ko siya, nakahilig sa pintuan, tila inip na inip na.
"Hindi, hihintayin ko siya"
Umiling na lamang si Aphries at sinimulan nang gamutin ang sugat ko.
"Ilang araw ka raw nawala?"
Tumango ako kahit pati sarili kong mga tanong ay hindi ko rin masagot Kung totoo bang ilang araw akong nawala, kung anong ginawa sakin ng babaeng yun, kung sino ba talaga siya at kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi niya.
"Saan ka nanggaling kung ganoon?"
Tiningnan ko siya, patuloy lang siya sa pag gamot sa sugat ko.
"N-naligaw lang sa gubat"
Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sinabi ko, kumibit balikat lamang siya.
"Sa Elteca ka natagpuan, buti nalang buhay ka pang dumating dito. Alam mo naman siguro na halos lahat ng napupunta doon ay hindi na nakakabalik. Nawalan narin ng pag-asa ang lahat na makakabalik ka pa, maliban nalang sa isa diyan."
Ngumisi siya.
"Hindi na sila nakapunta sa mundo ng mga mortal, bukas na siguro kayo magpapatuloy sa pag-iimbestiga. Hayyy, buti nalang talaga hindi tumigil sa paghahanap si Zaizer. 'diba Zaizer?"
Tiningnan siya ng masama ni Zaizer.
"Tungkulin ko iyon bilang tagapagmuno ng grupong ito. Alam ko 'yang iniisip mo Aphries"
Ngumisi lamang si Aphries bago nilagyan ng benda ang braso ko.
"Bukas ay maghihilom na 'yan, mawawala rin ang peklat. Pwede ka nang bumalik sa pag-aaral."
Tumango at nagpasalamat sa kanya.
"S-salamat sa pagsama sakin dito, a-at... Salamat at hindi ka tumigil sa p-paghahanap.. s-sakin"
Hindi siya sumagot, napapitlag ako ng bigla siyang nagsalita.
"Hindi ako naniniwalang naligaw kalang, kaya kahit hindi mo aaminin kung anong totoong nangyari... Aalamin ko parin yun"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Masyado kang mabait Selestina, kung yan ang papairalin mo, yan rin ang makakapatay sayo"
Napahinto ako habang siya nama'y nagpatuloy sa paglalakad."Masyado kang mabait Selestina, kung yan ang papairalin mo, yan rin ang makakapatay sayo"
"Kung yan ang papairalin mo, yan rin ang makakapatay sayo"
"Kung yan ang papairalin mo, yan rin ang makakapatay sayo"Parang sirang plakang paulit ulit kong naririnig ang boses ni Zaizer hanggang sa makatulog ko ng gabing 'yun.
YOU ARE READING
Olympus Series #1: The Beginning
FantasyThe truth is, in this world, those who are ahead of you will always win. No matter how hard you try, they never loses. Justice, justice is nowhere to be found when it comes to Monsters. They're usually called villains, they're destined to die and ge...