+Ang Paninindak Ni Mania+
Walang imik na nakaupo si Mania sa loob ng library habang ang dalagang si Justine ay abala sa pag-aaral para sa kompetisyon na gaganapin na sa susunod na linggo. Ayaw niya sanang samahan ang dalaga pero nagpumilit ito kaya walang nagawa si Mania kundi ang pagbigyan at samahan ito sa library. Nakaupo lang siya at pikit mata at sinusubukang matulog habang nakakrus ang mga kamay. Napabuntong hininga siya ng maalala niya ang cellphone na napulot niya kahapon sa kinabagsakan niya, at malaki ang tiyansa na isa sa mga tatlong lalake ang may-ari nito. Kinapa niya ang bulsa ng kanyang uniporme saka siya tumayo at napagdesisyonang hanapin ang may ari ng cellphone, ayaw niyang itago lang 'to dahil baka pagkamalan siyang magnanakaw at hindi maganda kung ipapasuyo niya ito sa iba.
Umangat ang tingin ng dalagang si Justine nang makita niyang tumayo si Mania. Napahinga siya ng malalim, alam niyang nabobored na ito dahil puro upo lang ang ginawa nito simula nang dumating sila sa library.
"Saan punta mo?" Tanong ni Justine sa dalaga.
Blanko siyang tinignan ng dalaga. Ito ang madalas niyang makita sa mukha ng dalaga at kung ngumungiti naman ito, ang dahilan naman ay hindi kasiyahan kundi yung ngiting may inaasar.
"Alam mo kung saan tumatambay yung tatlong transferees?" Balik na tanong nito sa kanya.
Napakunot ang noo ni Justine at kasunod nu'n ang nakakalokong niya ngiti na siyang kinasalubong ng kilay ni Mania.
"Narinig kong sa music room daw sila tumatambay" sabi nito at nanatili pa rin ang nakakalokong ngiti nito sa kanyang labi. Tumango lang si Mania saka tinalikuran ang kaibigang si Justine at lumabas na ng library.
Nilakbay ni Mania ang daan papunta sa music room ng paaralan para hanapin ang tatlong lalaking hinahabol kahapon. Hindi nga siya nagkakamali dahil totoo ang sinabi ng kaibigan niyang Justine dahil nasa loob nga ng music room ang mga ito. Walang iba taong nasa loob ng music room at tatlo lang silang nasa loob. Dire-diretsong pumasok si Mania at tumayo sa harap ng mga ito at blankong niyang tinignan ang lalaking nasa gitna na may pagkachinito at may katangkaran at nasa mga tansiya ng dalaga ay hindi baba sa 5'9 ang height nito, ganun ang mga kaibigan nito.
Kinapa ni Mania ang bulsa para ilabas sana ang cellphone na napulot niya kahapon nang biglang nagsalita ang lalaking nasa gitna na kinasalubong ng kilay niya.
"I don't have time to take selfie Miss, but we can go out tonight. I can make your night amazing and exciting by riding-" pabagsak na napaupo ang binata nang tadyakan siya ng malakas ng dalaga na ngayon ay nakakuyom ang kamao.
Napasapo ng tiyan ang binata habang namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa ginawa ng dalaga. Napaawang lang ang dalawa nitong kaibigan habang nakatingin kay Mania na ngayon ay blanko pa rin na nakatingin sa chinitong binata.
"Kung iniisip mong madadala mo ko sa ganyan istilo mo nang panlaladi, pwes nakakamali" aniya saka kinuha ang cellphone na nasa bulsa saka tinapon sa paanan nito.
Tumalikod na ang dalaga at nagmartsa palabas ng music room.
KAKARATING lang ni Mania sa classroom niya, pero walang Justine na bumungad sa kanya. Tinignan niya ang bakanteng upuan nito at wala rin maging ang bag nito, masama ang kutob niya dahil hindi niya mahagilap ang dalaga sa loob ng klase lalo na't mag-uumpisa na ang klase. Napatingin siya sa harap kung saan nakaupo si Lyca at ang mga kaibigan nito, napakuyom ang kamao niya ng makitang bakante ang mga ito mabilis siya humakbang papalabas ng kanyang classroom at hinanap ang dalagang si Justine. Ilang minuto palang ang nakalipas ng makita niya kaagad ang hinahanap niya. Nakita niya ang magkakaibigan na pinagkakaisahan si Justine na nakaupo sa hallway na humihikbi, walang mga estudyanteng naglalakad sa oras na yu'n dahil nag-uumpisa na ang mga klase. Napahinto si Mania at sandaling pinagmasdan ito saka tumingin sa malayo saka bumuntong hininga, humakbang siya papalapit sa mga ito na abala sa pagtawa.
"Pabidang lampa! Hahaha"
"Ang babaw naman ng kaligayahan niyo, gusto niyo ipakita ko sa inyo ang totoong nakakatawa?" Nakangising sabi ni Mania saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniporme at pinakita ang isang video na hindi pa nagpiplay at winagayway ito sa magkakaibigan.
Napaawang ang labi ni Lyca sa pinakita ni Mania na naging dahilan ng kanyang pamumutla. Bumilis ang tibok ni Lyca sa oras na yu'n at nangingibaw ang kaba at takot habang nakangising winawagay ni Mania ang cellphone nito na maaring maging dahilan ng pagbagsak niya.
"Ano namang nakakatawa d'yan?" Mataray na sabi ni Lexa.
"Siguradong matutuwa kayo dito, hindi ba Lyca?" Sago ni Mania.
Nanlaki ang mga mata ni Lyca dahil sa sinabi ng dalaga, kabado siyang tumingin sa mga kaibigan niyang nasa kanya ngayon ang tingin. Hindi alam ni Lyca kung ano ang gagawin habang winawagay ang video na yu'n, mabilis siyang naglakad papalayo sa lugar na yu'n habang pinipigilan na huwag matumba dahil sa matinding panginginig ng kanyang mga tuhod. Nagtataka man ay sinundan pa rin siya ng mga kaibigan niya habang tinatawag ito.
Humakbang palapit si Mania kay Justine na ngayon ay umiiyak habang pinupulot ang mga gamit. Tumayo si Mania sa harap nito at walang emosyong tinignan ang dalaga na ngayon ay nakaangat na ang tingin sa kanyang habang tumutulo ang mga luha sa mata. Mabilis na tumayo ito at binitawan ang mga gamit na hawak at mabilis na niyakap ang dalagang si Mania. Hinayaan lang ng dalaga ang pagyakap nito sa kanya kahit ayaw niya sa lahat nang may humahawak sa kanya o yumayakap, pero hinayaan niya nalang muna itong yakapin siya para lang tumahan at mahismasan si Justine.
"I-ilang b-beses mo na, akong n-nililigtas m-mula s-sa k-kanila, k-kahit n-na alam mong m-mapapahamak ka" iyak nitong sabi habang nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya.
Hindi siya nagsalita at hinayaan lang itong umiyak hanggang sa kumalas ito nang yakap sa kanya.
"S-salamat kasi nagkaroon ako ngn kaibigang tulad mo pero, h'wag mong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan dahil lang sa'kin" sabi ng dalagang si Justine na nakayuko sa harap ni Mania.
"Iligtas man kita o hindi palagi akong sinusundan ng kapahamakan... Mas madalas pa nga ay si kamatayan" aniya. Napaangat ng tingin si Justine dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba si Mania o sinasabi lang ito ng dalaga sa kanya para macomfort siya. Hindi niya matukoy kung alin sa dalawa dahil dalawa lang ang ekspresiyon na palagi niyang nakikita sa kaibigan. Hindi niya na tinanong pa ito dahil yumuko ito at pinulot pinulot ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig.
Ang tanging alam lang niya sa pagkakataong iyon ay may isa siyang kaibigan na kahit sa kapahamakan ay handa siyang samahan at damayan. Kahit pa napakaweird nito at hindi niya madalas maintindihan.
BINABASA MO ANG
The Murder's Diary
Mystery / ThrillerDugo ang isa sa mga bagay na kinakatakotan ng tao. Dugo ang siyang dumadaloy sa katawan mo upang mabuhay sa mundong ibabaw. Isang pulang likido na kadalasang makikita sa mga krimen kung saan palaging may buhay na binabawian. Maraming uri ng tao ang...