Chapter 11.

937 40 0
                                    

SHIRLEY'S POV

Napalingon ako sa paligid ko. Nakita kong may katabi akong batang lalaki.

"Sa ngayon hindi pa totoo yung kasal natin, pero kapag matanda na tayo, papakasalan na kita ng totoo! Diba gusto mo madaming flowers?"-bata-

Nakangit sya sakin. Ang cute ng mga mata nya pero di ko sya kilala.

"Sino ka ba bata?"-ako-

Hindi sya sumagot. Hinigit nya lang yung kamay ko.

"San naman tayo pupunta?"-ako-

"Magsi swimming tayo! Tara na!"-bata-

Nadulas ako at nahulog sa pool! Hindi pa naman ako marunong lumangoy!

Nakita kong tumalon din yung bata. Hindi din pala sya marunong lumangoy! Nalulunod na sya.

Ito siguro yung tinagawag na Adrenaline rush kaya bigla na lang na marunong na ako. Niligtas ko yung bata.

"Bakit ka tumalon bata?"-ako-

"Ililigtas kita e."-bata-

"E hindi ka naman marunong lumangoy!"-ako-

"Ikaw din naman a? Tsaka nakalimutan mo na ba? You jump, i jump diba?"-bata-

"Titanic!"-ako-

Napatawa sya.

"Naalala mo na! Yehey!"-bata-

"Teka sino ka ba bata?"-ako-

Tumakbo na sya palayo. Nagising na ako. Panaginip na naman! Sino kaya yung batang napanaginipan ko? Ang weird.

Napatingin ako sa orasan. Naku! 7 am na pala, may pasok pa!

Naligo na agad ako at nagbihis.

Pagbaba ko ay nandun na si Jai. Sumakay na kami sa kotse.

"Ang weird nung panaginip ko Jai."-ako-

"Ano yun?"-Jai-

"May bata akong kausap. Tapos parang kaclose ko sya. Sabi nya papakasalan nya daw ako. Basta, ang weird lang kasi parang totoo yung panaginip ko."-ako-

"A. Ako yun Shirley! Baka napanaginipan mo nung mga bata pa tayo."-Jai-

"Ang weird di mo naman kamukha yung bata e."-ako-

"Ang laki kaya ng pinagbago ng mukha ko mula nung bata pa ako."-Jai-

"Ibig sabihin mo Jai? Bumabalik na ang memories ko?"-ako-

Nagulat si Jai.

"E di maganda yun! Pag bumalik na ang memories ko, sana nga! Sana!"-ako-

Napatingin sakin si Jai. Malungkot sya.

"Ayaw mo bang bumalik ang mga ala- ala ko?"-ako-

"May mga bagay kasi sa nakaraan mo na hindi mo na dapat maalala. Baka masaktan ka lang."-Jai-

"Ha? Bakit di mo kinuwento sakin?"-ako-

"Masyadong magulo babes. O andito na pala tayo."-Jai-

Umiiwas na din si Jai sa mga tanong ko. Malakas ang pakiramdam ko na may nililihim sya!

Habang naglalakad ay nilakasan ko na ang loob ko. Tinanong ko na si Jai.

"Jai kilala mo na ba dati ang Gimme 5?"-ako-

"Hindi. Bakit?"-Jai-

"Kasi. Kasi ano. Kasi may nakita akong picture ng Gimme 5 sa kwarto mo."-ako-

Nagulat ako kasi biglang nagalit si Jai.

"Diba sabi ko wag kang papasok sa kwarto ko?!!!"-Jai-

Sumisigaw sya.

"Jai..sorry."-ako-

Natatakot ako sa kanya.

"Pag inulit mo pa yun Shirley!!"-Jai-

Di ko na pinatapos ang sasabihin nya. Natakot ako sa kanya.

Sa almost 2 years na naging kami ngayon nya lang ako sinigawan.

Tumakbo na ako palayo sa kanya. Napatigil lang ako ng may makabunggo akong lakaki.

Si Joaquin!

"Shirley? Bakit ka umiiyak?"-Joaquin-

"Wala to."-ako-

Tatakbo na sana ako palayo pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Tara Shirley."-Joaquin-

Hinila nya ako hanggang makarating kami sa rooftop.

"Pwede ka nang umiyak."-Joaquin-

Umiyak na nga ako.

Maya- maya ay nilapitan ako ni Joaquin, hinawakan nya ang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko.

"Ayaw ko talaga sa lahat ay makita si Shar na umiiyak kaya wag ka na sana umiyak."-Joaquin-

Sinubukan ko naman tigilan na.

"Ano bang nangyari?"-Joaquin-

Kinuwento ko sa kanya.

"Alam ko naman na mababaw yun pero kung ayaw nyang sagutin ang tanong ko hindi na sya dapat sumigaw."-ako-

"Sigurado ka na may picture kami sa kwarto nya?"-Joaquin-

"Oo."-ako-

Nagtataka si Joaquin.

JOAQUIN'S POV

Lalo ako nagdududa kay Jai. Sino ka nga ba Jairus?

Kailangan ko na malaman sa lalong madaling panahon dahil lalo lang akong naguguluhan.

Ngayon naiyak pa si Shirley. Si Sharlene ang nakikita ko sa kanya kaya nalulungkot ako. Ayaw kong makita ang babaeng mahal ko na umiiyak!

Wala naman akong magagawa. Hindi ako pwedeng mangealam sa kanila.

Ang pwede ko na lang maitulong ay ang alamin kung ano ba talaga ang tinatagong sikreto ni Jai.

--------------

First day of class -_- boring!

#Share
-Di na naman dumating yung panel namin na magchecheck ng thesis. Amp.
-Nakapagpa register na ako! Yehey! Makakaboto na ako sa 2016 hahaha #Share

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon