𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 04

422 14 1
                                    

























LYLLO'S POV

"Mabuti't maaga ka ngayon," Humarap sa akin si bakla habang nag susulat sa kaniyang clip board. Ngumisi lang ako. "At wala ka nang shades, ah. Huh! Tapos na ba ang pagluluksa mo?"

Nakakagigil din minsan 'to, e... Pasmado 'yung bibig.


Minsan ko na 'kong nanggigil sa taba ng manager ko. Pero hindi ko siya pinatulan at pinagsalitaan ng masakit sa pandinig niya. Dinadaan ko sa biro ang pag sagot ko dahil hindi niya magugustuhan kung totoohan na 'to. Hindi ko lang alam ngayon.


"Wala ako'ng panahon sa jokes mo sir. Good morning nalang." Nilagpasan ko siya at dinig ko ang halakhak niya. Nilingon ko ito at nakakainsulto talaga ang ngisi at tingin niya sa akin.


"Ngayon ka lang napaaga. Wala na ba'ng nag- aasikaso sa'yo at nawalan ka na ng gana sa buhay mo, aber?" Nakapamewang siya at lumapit ulit sa akin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nag si- sulputan ang mga iba ko'ng kasamahan. Nanguna na si Chloe.


Ngumisi rin ako ng nakaka- insulto. "Wa'g kang mag- alala, Sir chubs at papasok na 'ko ng ganito kaaga simula ngayon." Humalukipkip ako at tinitigan ang nangingitim niyang mukha dahil sa pag- sasalita ko. "At saka napaaga ako para mas cool. Hindi dahil broken ako e, iinsultuhin niyo na ang time management ko bilang worker dito. Naiintindihan niyo?"


"Ganiyan kalaki ang epekto ng 'Love' mo sa'yo, ano?" Humalakhak ito muli at naririndi na ako. Tinalikuran ko siya. "Mr. Loizaga woke up from the truth-"



"Pwede ba?!" Hindi ko mapigilang sumigaw nang malakas. Ang iilang costumer ay nakatingin sa gawi namin. Bumalik ako sa harapan ng bakla na 'to at padabog na ibinigay sa kaniya ang isang tray. "Manager ka at hindi ka imbestigador para alamin ang nangyayari sa buhay ko. Mag trabaho ka nalang..." Hindi ko naituloy ang ang aking mga hinanakit nang tumunog ang wind chimes, siyempre dahil may pumasok.



"L- Lincoln..." Nanginig ang aking mga labi nang makita siya muli. Naka pormal itong suot at ayos na ayos ang buhok.



Hindi ko maiwasang masaktan nang maalala ang gabing nakita ko siyang kasama si Jale. May konting saya na sumibol sa aking dibdin dahil nakita ko ulit siyang tumapak dito sa BC, gano'n parin ang epekto niya sa aking puso. Bumibilis pa rin ang tibok nito sa tuwing nakikita siya.



"Ayusin mo ang trabaho mo." Madiin na sambit ni Sir chubs upang mahimasmasan ako. Nag sibalikan ang mga ka trabaho ko ngunit nakita ko ang pag- aalala sa tingin ni Chloe. Marahan ako'ng pumasok sa kitchen upang kunin ang apron ko. Tama ang hinala ko nang sundan ako ni Chloe sa loob.



"U- uh... Gusto mo ba, ako nalang ang... M- mag serve sa kaniya, Lyllo?" Medyo kabado pa'ng tanong niya. Ngumiti ako ng pilit at umiling.


"Kaya ko... Gusto ko rin kasi siya makausap at m- makita." I honestly said. Ngumiti ito ng tipid at tinapik ang aking balikat. Matapos ko'ng masuot ang apron ko ay lumabas na ako at nadatnan ko'ng nakapila na si Lincoln sa lane na ko.



"Uh, good morning sir. May I know what's your order?" Tanong ko sa unang costumer. Tumitig ako sa likod nito at kasunod na nito si Lincoln na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Malungkot akong nag tipa sa screen ng monitor nang masabi na ng nasa harap ko ang order niya.



"You're number 13, sir. This is your change, 235 and 76 cents. 10 munites po, we'll serve your order." Paliwanag ko sabay bigay ng number niya. Mabilis na tumibok ang puso ko nang umalis na sa aking harapan ang naunang costumer at sa isang iglap ay si Lincoln na ang kaharap ko.



THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon