Mapansin mo sana

1.2K 22 5
                                    

Isang tanghali, isang College student ang may gusto sa kaklase niyang babae... Nilapitan ni Julian si Kristie ng madalas, lalong lalo na kapag may pangkatang Gawain. Nang magtanong si Julian kung pwede siyang makipag-kaibigan ay sumagot si Kristie ng pwede... Nang magtagal ang kanilang pagiging mag-kaibigan ay mas lalong nahulog ang damdamin ni Julian kay Kristie. Gusto ni Julian na ipakita o ipaalam kay Kristie ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng kilos niya pag kasama si Kristie, Ngunit, natatakot siyang masira ang kanilang pagkakaibigan... Pilit man niyang ipakita na may gusto si Julian kay Kristie... Ngunit hindi parin niya ito mapansin... Matagal nang ginagawa ni Julian ang pag-papakita ng nararamdaman ay hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niyang iyon... Kahit na ganon ang nangyayari ay hindi siya nawawalan ng pag-asang mapapansin ito ni Kristie... Isang araw nag-karoon siya ng lakas ng loob na sabihin kay Kristie ang kanyang nararamdaman... “Kristie, sa Lahat ng ginagawa ko sayong paghahatid sa bahay, pagsasama natin, paglalambing ko sayo... Ngunit hindi mo parin napapansin na may gusto ako sayo... Aaminin ko nang meron akong gusto sayo...” At ang sagot ni Kristie ay: “Julian, pasensiya na... alam kong may gusto ka sa akin dahil sa mga kinikilos mo kapag kasama mo ako, pero... Meron na akong kasintahan... Pasensiya na, alam kong masakit iyon kaya sana patawarin at sana magkaibigan parin tayo kahit sinabi ko ito sa iyo...” Malungkot na sinabi ni Julian na “Oo, magkaibigan parin tayo”... Kinabukasan, hindi pumasok si Julian at nag aalala si Kristie sa kung anong ginawa ni Julian, at nang sabihin ng kanilang guro na mababawasan ang estudyante sa kanilang batch dahil sa namatay si Julian... Ikinuwento ng guro ang nangyari: “ Ayon sa nakakita sa nangyari ay habang tumatawid si Julian ay nakatungo at hindi nakita ang dumadaan na kotse kaya siya’y naaksidente... Sa katawan daw ni Julian ay nakita itong sulat na ito at nakalagay ang pangalan ni Kristie” Binigay ng guro ang sulat kay Kristie: “MAPANSIN MO SANA na ikaw ay hindi lang ako may pagtingin kungdi ay mahal kita kahit ibuwis ko man ang buhay ko”

Mapansin mo sanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon