Their SideNakatingin lang ako sa bintana habang tinatahak namin ang mahabang kalsadang hindi ko alam kung saan patungo. Im with Earl right now, maaga nya akong sinundo sa hospital kanina. Ibinilin namin sa isang nurse si Allyson at wala naman daw problema kung maiwan itong mag isa sa kwarto. Walang mag babatantay sa kanya dahil pumasok na sa school si Sierra at ako naman ay umalis kasama si Earl
Hindi gaanong pamilyar sa akin ang dinadaanan namin kaya nasa bintana lang ang tingin ko. Si Earl naman ay walang kibo simula kanina, mukhang malalim ang iniisip nya at wala naman akong balak guluhin sya
Matapos maka labas ni Canyx kagabi sa room ng hospital ay ilang oras din akong naiwanan mag isa. 9 na dumating si Sierra at doon lang din ako naka kain. Wala parin akong ganang kumain hanggang ngayon pero pinipilit nila akong kumain dahil baka pag nagising si Allyson ay baka ako naman daw ang ma hospital.
Tama naman sila dahil hindi pwedeng mang yari yon. Malapit na ang finals namin, baka bumagsak ako kapag nag patuloy ang pag absent ko at kailangan ko pang mag hanap ng perang ipang babayad sa hospital ni Ally
" Is it really okay on you to go with me? " Tanong sa akin ni Earl sa kalagitnaan ng byahe. Nasa daan lang ang tingin nya at hindi ako nililingon "Baka kailangan mong bantayan sa hospital si Allyson"
Umiling ako sa kanya " Nope. Nag bilin na kami sa nurse na sya muna ang mag bantay kay Ally" Sabi ko
Tumango sya at hindi na umimik. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin sa bintana at pinanuod ang kalsadang nadadaanan namin
Simula ng umalis si Canyx sa hospital kahapon ay hindi na sya nag paramdam pa. Kaninang umaga ay nang galing sa hospital ang mga kaibigan ko at wala silang dalawa ni Aqkill doon. Hindi na rin ako naka recieve ng text sa kanya simula kahapon, hindi ko naman sya nirereplyan kaya siguro nag sawa na
Huminto ang sasakyan ni Earl sa tapat ng isang malaking bahay. Malayo na ito sa lugar namin at hindi ko pa ito napupuntahan. Ang ganda ganda nito at alam mong mayaman ang may ari dahil mansyon na ang dating nito
Bumaba ng kotse si Earl kaya sumunod ako sa kanya. Nilingon nya ako mula sa kabilang side at sinenyasan na sumunod sa kanya. Nag lakad kami papalapit sa gate at mabilis kaming pinag buksan ng guard nung makita ang kasama ko
" Good morning po sir Earl. Wala po dito si Maam Liezel" bati ng guard sa kanya..
Bahagyang nanlaki ang mata ko ng marealize kung kaninong bahay itong napasok namin. Tumango sya sa guard at inaya na akong mag lakad papunta sa double door sa harap ng bahay
Agaw pansin ang malaking fountain sa garden nila pati ang magagandang bulaklak sa gilid. Ang dami ring mga trabahador at katulong sa bahay ang bumabati kay Earl, maging ako ay binabati ng iba kahit na nagtataka dahil ngayon lang nila ako nakita dito
Pinagbuksan kami ng pintuan ng dalawang maid at pinapasok na kami sa loob. Pinaupo nila kami sa sofa at inalok ng kung ano anong pagkain.
Nilingon ako ni Earl at nginitian " This is Liezel's house. We need to talk on her parents" sabi nya. Napalunok ako. I dont know if im ready about this
" Baka magalit lang sila sa akin Earl" kinakabahang sabi ko
Umiling si Earl sa akin " Nope. Naiopen ko na sa kanila ang topic na ito kahapon trough phone, at alam naman nila ang kalagayan ni Liezel, dont worry Lia" aniya. Medyo naka hinga naman ako ng maluwag pero may natitira pa ring kaba sa akin
Maya maya lang ay napansin ko ang dalawang tao na pababa mula sa malawak na hagdanan. They're both formal. Pinong pino ang mga galaw nila at alam mong nag mula ito sa mayamang angkan. Yung suot suot nilang alahas at damit ay halatang hindi mo mabibili sa murang halaga
YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...