Ivan's POV
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Ericka saming lahat tila binuhasan ako ng malamig na tubig .
Siya pala ang babaeng kinukwento niya sakin noon . Hindi ko alam na pareho pala kaming nahulog sa iisang babae .
Hindi nag aaral sa BA si Matt dahil sa isa pang Elite school siya nag-aaral . Rival ng Barcelona Academy ang school na iyon sa lahat ng contest dahil tulad ng BA, mga elite students din ang nag aaral o high profiled na estudyante ang nag aaral sa prestihiyosong paaralan na iyon . Ang Seirin High
Kaibigan ko si Matt simula noong bata pa lang ako dahil na rin sa magkapartner sa business ang mga magulang namin . Naikwento niya sakin dati na sinama siya ng mga magulang nya sa isang party na may kaugnayan sa business . Kung saan may nakilala siyang babae . Isang babae na nakasausap niya sa party at nakapalagayang loob
Paulit ulit niyang kinukwento sakin ang lahat sa tuwing sumasama sya sa mga party. Kaya siguro natutuwa siya kapag sinasama siya ng mga magulang niya sa party, dahil alam niyang pupunta din ito doon . Kinukwento niya din kung paano siya nahulog sa babaeng lagi niyang nakakasama. Ericka,ang pangalang binaggit niya . Sa mga ngiti pa lang niya alam ko nang nahulog na talaga siya .Minahal niya na si Ericka
Isang araw nasa labas ako nang bahay noon habang nagbabasa nang bigla siyang dumating na nakatuxedo pa rin . 2nd year High school kami noong mga panahon na yan . Ayon sa kausotan niya, alam kong galing naman siya sa party .
"Bro,May maganda akong balita sayo" sabi niya sakin habang ngiting ngiti sa balitang dala nya .
"Ano yun? Tungkol na naman ba dun sa babaeng yun . Naku naman Mathew Everdeen nauumay na ko sa kakasabi mo kung gaano siya kaganda eh" tugon ko naman sa kanya na may bakas ng pagka-irita .
"Hindi Bro iba 'to pero may kaugnayan sa kanya" sagot naman niya habang nakangiti
"Ano!? Ikwento mo na nagbabasa ako eh" sagot ko kase naantala yung pagbabasa ko ng Where's the good in Goodbye ni dude_fritz sa wattpad . Puro hugot kase
"Bro,Kami na ni Ericka yung babaeng kinukwento ko sayo . Hindi ko muna sinasabi sayo na nililigawan ko siya kase baka asarin mo ko eh . HAHAHA ang saya ko Bro." mabilis niyang tugon na nagpagulat sakin
"Ha? Alam niya ba yan ? .Haha dejoke lang bro congrats . Ikaw ah Ang tinik mo talaga sa babae" Biro ko sa kanya
"Ako pa ba ?" Hahaha sabay pinagtama namin ang kamao namin bilang bati .
Hindi pa rin ako mapaniwala na pareho kaming napaibig ni Ericka . Alam kong mahal talaga ni Matt si Ericka dahil sa mga kwento nito sakin . Lagi niyang kinukwento sakin ang lahat ng pangyayari . Natigil ang pagbisita ni Matt para ikwento ito noong magfo-fourth year high na kami . Kaya pala yun na ang nangyari . Pinagpalit niya sa isang malandi si Ericka .Si Ericka na mahal ko pero inabandona niya .
Ramdam ko ang pagyukom ng kamay ko dahil sa kagaguhan na pinaggagawa ni Matt kay Ericka . Di ko maisip na sarili ko pang Bestfriend ang mananakit sa kanya
Agad naputol ang pag iisip ko ng biglang magsalita si Matt .
Nandito kami sa school ground hindi kalayuan sa pwesto nila Ericka at Monica na nag-uusap . Magkatabi kaming nakatayo ni Matt . Hindi man klarado pero alam kong umiiyak si Ericka .
"Ang ganda pa rin niya" bigla akong napalingon sa kanya dahil sa sinasabi niya .
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa ginawa niya kay Ericka at saka sumagot
"Kaso.nga.lang.tanga.ka" sagot ko na nagpalingon sa kanya .Matiim niya akong tiningan saka sumagot
"Wala kang Alam Ice" sagot niya na mababakasan ng pagkairita sa tono ng pagsasalita niya .
"Ha Ha Ha Ha" sarkastiko akong napatawa sa sinasabi niya "Ako ang sinasabihan mong walang alam ? Eh lahat nga sinasabi mo sakin noon eh . Yung araw lang na niloko mo lang ang hindi . Ano pa nga ba ang hindi ko alam,Bestfriend?" sagot ko habang nakatingin sa kanya ng nakakaloko
Imbes na sagutin niya ko,isang tanong ang isinagot niya na nagpatigil sakin
"Mahal mo siya no? Mahal mo si Ericka ?" tanong niya sakin na may lungkot sa mata niya .
"Oo,pero hindi katulad ng ginawa mo .Hindo ko siya iiwan. KAHIT KAILAN!" Sagot ko na alam kong nagpairita sa kanya ."Hindi ako papayag Ice . Gusto ko siyang kausapin . Gusto ko humingi ng tawad. Gusto ko bumalik siya sa akin" sa mga salitang binitawan ni Matt alam kong may sinseridad sa bawat salita niya . Sa tagal ko na siyang kaibigan alam ko ang totoo sa hindi
"Mas hindi ako papayag na lumapit ka pa sa kanya . Kung matagal ko nang alam na iisang babae lang ang minamahal natin . Matagal ko na siyang inagawa sayo!." magsisimula na ko maglakad papunta kila Monica pero tumigil uli ako at nagsalita na nakatalikod sa kanya . "Game over na pare" dagdag ko pa at tuluyang dumiretso sa kanila .
Inalalayan ko si Ericka habang naglalakad kami dahil sa alam kong di niya pa maproseso ng maayus ang mga pangyayari ngayon
Sa tingin ko hindi na dapat pa makalapit si Matt kay Ericka dahil alam kong masasaktan na naman siya .
In the name of love and friendship I need to choose one . This is Love vs. Friendship but I chose the one that I love cause I know she need someone . Someone that will take care of her heart . Forever and ever to the infinity and beyond
✂-----------------------------------------------
A/N:: WOO Jan5 na bukas . Ito ang paraan ng pakikiramay ko sa gigising na naman ng maaga . HAHAHAHAHA so Chapter17 released . Tanga ni Matt no. Buti pa si Ivan ang talino .This chapter is dedicated to Ariel/black_red21
Yo thankyou for motivating me more. Keep on Voting . Ge . Ciao . Vote•Comment
Plug .
READ MY OTHER STORIES [1shot]
*Where's the good in Goodbye
*Bakit?
-Van

BINABASA MO ANG
There's no turning back (Editing)
JugendliteraturThis is the art of sacrificing things for someone you protect to . Do you think They should continue this story or They should walk in their separate ways ? Judging without Knowing is the biggest mistake we will make . Find your answers in There'...