Monica's POV
[The scene while Ivan and Matt is talking to each other ]
Hindi ko siya magawang i-comfort ngayon dahil naiipit ako sa isang napaka-komplikadong senaryo
Gusto ko mang piliin si Matt dahil alam kong may pag-asa kung sakali mang magkatuluyan kami pero ayokong ipagpalit si Ericka dahil isa siya sa pinakatunay kong kaibigan
Hindi siya naniniwala sa mga issue na kumakalat sakin dahil alam niya kung alin ang totoo at alam kong tanggap niya ko sa kung ano ako .
Muli na naman siyang nagsalita habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata .
"Alam mo kung gaano ako kamiserable sa buhay simula noong iniwan niya ako . Hindi ko alam kung paano uli magsisimula dahil sa dinanas ko sa kanya . Hindi ko matanggap kung paano niya ko ipinagpalit sa kaibigan ko . Kay Alice Monteclaro ."
Nagsimula naman akong lumuha dahil sa matinding emosyon na nakikita ko kay Ericka . Alam kong nasasaktan talaga siya.
Sinabi niya na din sa akin noon ang karanasan niya kay Matt pero hindi ko alam na iisang tao lang sila .
Hindi niya naman nabanggit na isa pala siya sa isa sa pinakayamang tao sa Asya .
Ang tanging nabanggit niya lang ang pangalan ni Matt . Hindi ako nag isip na may tiyansang iisa lang sila . Dahil ayaw niya na din alalahanin ang taong iniwan siya .
"Nasasaktan ako sa nakita ko noong araw na iyon . Nang araw na pinapunta niya ko sa kanilang bahay ."
Alam ko kung gaano kasakit ang nangyari sa kanya.
Minahal niya man si Rex pero alam kong hindi pa rin nawawala . Yung sakit . Alam kong hindi madali pero sinusubukan niya .
"Noong araw na iyon kung saan ko siya nakikitang nakikipaghalikan sa iba . Tila dinudurog ang puso ko"
Sa pagtulo ng luha sa mata at pagtaas baba ng balikat niya habang umiiyak alam kong nasasaktan talaga siya .
Umiiyak siya kase alam niyang masakit na sa lahat ng manloloko sa kanya ay yung kaibigan niya pa .
"Hindi ko matanggap na pagkatapos ng pangyayaring iyon . Hindi man lang siya gumawa ng paraan para ayusin,kausapin at humingi ng tawad sakin"
Sa lahat ng salitang binibitawan niya . Ramdam ko ang sakit at lungkot . Tila gusto niyang gumising sa isang bangungot na hindi niya alam kung saan sisimulan. Gusto niyang gumising pero di niya pa din alam . Gusto niyang makatakas pero hindi niya din uli alam ang paraan .
Tila isang tanong na walang sagot ang mga tanng na bumabagabag sa kanya . Hinahanap niya pero sa huli wala…WALA SIYANG NAKUKUHA KAHIT ISA MAN LANG .
"Nag-aasam ako sa wala. Akala ko maayos pa namin yung relasyong yun . Hindi ko matanggap na sa lahat ng aahas sa kanya ang kaibigan ko pa"
Umaasa siya sa isang bagay na alam niyang madidismaya at simula sa simula pa lang alam niyang masasaktan siya.
Hindi rin ako makapaniwala noong una na naging kaibigan niya si Alice Monteclaro
"Noong araw na din na iyon . Tila isinumpa ko na ang lahat . Ayaw ko na . Ayoko nang maulit pa magmahal dahil alam kong masasaktan din ako .Ngunit ng dumating si Rex akala ko magiging maayos na ang lahat pero wala eh "
Alam ko na kahit wala na sila ni Matt umaasa siya . Umaasa na balang araw maayos din ang lahat pero alam kong hindi na .
Hindi na at wala nang maayos dahil magiging komplikado ang lahat .
"Hindi kita pinipigilan Monica. Kaibigan mo ko . Alam mo kung para saan tong ginagawa ko . Hindi ako nagiging makasarili dahil alam kong para sa kaibigan ko tong ginagawa ko kaya sana pakinggan mo ako."
Huli niyang sinabi at lalo na naman siyang naluha .
Sa mga sinasabi niya sunod sunod na tumulo ang lahat nang luha ko na kanina pa paputol-putol sa pagpatak .
Hindi ko man tanungin sa kanya pero alam kong iniisip niya ang kalagayan ko dahil alam niyamg sa simula pa lang masasaktan ako
Pinunasan ko ang luhang sunod sunod na tumulo sa mata ko at saka ko siya sinagot .
"Alam kong bilang kaibigan iniisip mo ko . Pero ikaw na rin ang nagsabi hindi mo ko pinipigilan . Kung hindi ka naging selfish…ako na lang ang magiging makasarili . Hindi maari Ericka . Alam kong sa pagkakataon na ito seseryosohin niya ko"
Matagal na katahimikan ang biglang pumalibot samin . Tila nanlamig ako sa mga sinabi ko at alam kong natigilan si Ericka .
Pero isang iyak ang bumasag dun . Iyak na galing kay Ericka . Hindi ko kayang icomfort siya dahil si Matt ang pinili ko .
Nagulat na lang ako ng biglang may mga kamay ang humila kay Ericka . Napagtanto kong si Ivan iyon . Hindi na pumalag pa si Ericka .
Pero bago siya umalis isang salita ang binigkas ko ng buong sensiridad .
"Sorry" Tila nawalan ako ng sasabihin para makapag paumanhin sa pagpili ko kay Matt.
I know Matt and I is in the stage of getting to know each other . We are not lovers in the meantime. I need to choose this friendship. I know I need to chose the two. I rather chose the other one cause I know Matt needs someone to take care of his heart . Love vs. Friendship The most compicated battle .
Isang pero ang nagpabago sa sagot ko . Alam kong ngayon paghingi na lang ng tawad ang magagawa ko . Patawad Ericka .
at tumulo nang muli ang mga luha na hindi ko na kayang pigilan .
✂-----------------------------------------------
A/N:: ugh .. Chapter 18 released . This chapter is dedicated to Katrina Ventura . Thankyou for motivating . So Love vs. Friendship ? Ang hirap pumili . Si Ivan saka si Monica may parehong rason . Ito rin ang paraan ng pakikiramay ko sa lahat ng magpe-periodical test sa January 8-9 . Aral-aral na tayo. Saklap kakaresume lang ng klase eh . Ge. Ciao . Vote•Comment
Plug .
READ MY OTHER STORIES [1shot]
*Where's the good in Goodbye?
*Bakit?
-Van

BINABASA MO ANG
There's no turning back (Editing)
Teen FictionThis is the art of sacrificing things for someone you protect to . Do you think They should continue this story or They should walk in their separate ways ? Judging without Knowing is the biggest mistake we will make . Find your answers in There'...