1. Deplasyon – ito ang kabaligtaran ng implasyon, halimbawapagbaba ng presyo at pagtaas ng tutoong kita (real income).
2. Boom – Ito ang pinaka-mataas na punto ng sikliko ng kalakalan (trade cycle).
Mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalang trabaho, at mayroong kasaganaan.
3. Depression – Ito ang kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang part eng sikliko ng produksyon kung saan malaki ang antas ng kawalang trabaho
sa loob ng mahigit isang taon.
4. Slump – Ito ang kalagayan kung saan may pagbaba ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya.
5. Recession – Ito ang pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga ilang buwan.
6. Stagflation – Tumutukoy sa ekonomiya na may paghinto kasabay ng implasyon. Sa normal na kalagayan kung saan mayroong pagtaas ng ekonomiya ito ay kadalasang may kaakibat na implasyon, ngunit sa kaso ng stagflation, mayroon implasyon na walang pagtaas ng ekonomiya.
7. Slumpflation - Ito ay kaparehas ng stagflation kung saan mayroon mataas na antas ng kawalang trahaho at pagtaas ng mga bilihin.
8. Reflation – Ito ay sitwasyon na may bahagyang implasyon, hal. kontroladong implasyon.
9. Disimplasyon – Tumutukoy sa proseso ng pagpapababa ng presyo ng mga bilihin
10. Inflationary gap – Isang condition kung saan ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa sa pangkalahatang suplay.
11. Phillip’s Curve – Ayon kay A.W. Phillips, mayroong trade-off sa pagitan ng kawalang trabaho at implasyon, hal. sa sitwasyong may mataas na implasyon, may pagbaba naman ng antas ng kawalang trabaho at vice-versa.
Mga Dahilan ng Implasyon
Ang implasyon ay nagmumula sa iba’t-ibang ispesipikong kadahilanan.
1. Demand-Pull inflation. Dito, ang tanging dahilan ng implasyon ay galling sap unto ng mga mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang demand ay tumataas at hindi ito matugunan ng suplay, ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin ay tataas na siyang sanhi ng implasyon.
2. Cost-Push inflation. Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng gastusin sa produksyon.
Kapag ang mga may-ari ng mga iba’t-ibang industriya ay nahaharap sa mataas ng gastusin sa produksyon, itataas nito ang presyo ng kanilang produkto.
3. Import-Induced inflation o imported inflation. Ang pag-angkat ng mga produkto at serbisyo ay maaaring maging sanhi ng implasyon. Halimbawa na dito ay ang Singapore na pangunahing umaasa sa mga kalapit bansa nito para sa pagkain at iba pang mga hilaw ng materyales.
4. Profit-Push inflation. Ang uri ng implasyon na ito ay sanhi ng mga gahaman na mga prodyuser na itinatago ang kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng artipisyal na kakulangan. Ang mga gawaing ito ay nagpapalobo ng mga bilihin na nagdudulot sa kanila ng mataas na kita.
5. Currency inflation. Ang theorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi naman ng masyadong malaki na suplay ng pera sa sistema. Ang masyadong malaking suplay ng pera ay nagdudulot paggamit ng malaking halaga ng salapi upang makabili ng kakaunting produkto.
6. Petrodollars inflation. Ito ay nakakaapekto lalong-lalo ng sa mga umaangkat ng mga produktong petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petroyo ay
nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin
Tandaan Mo!
Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng isang produkto laban sa suplay nito.
Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon.
Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto. Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang magkarooon ng artipisyal na kakulangan sa produkto.
Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa sirkulasyon
Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Panukat ng Inflation Rate
Headline Inflation- ang pagbabago ng cost of living kasama ag basket of goods and services.
Core Inflation- ang pagbbago ng headline CPI matapos tanggalin ang ilang piling pagkain at gamit pang-enerhiya.