Mataong lugar, dinig ang malakas na tutugan, langhap ang alcohol na tanaw sa buong paligid, at di mawawala ang sumasayaw na mga ilaw. Ito ang paburitong lugar ni Mark.
“Yeah! Tara sayaw tayo! Whoo!” Sabi ni Mark sabay hatak sa kung sino mang makita niya para isayaw. Walang pumapalag, lahat gusto siyang kasayaw.
“Ayan na po. Lagot.” Sabi naman ni Joanna sabay inom sa iced tea na hawak.
“Sigurado ako, maya-maya lasing na yan.” Imik ni Billy sabay tawa nila ni Joanna dahil alam nila kung gano kahina si Mark pagdating sa alcohol.
Nakagawian na nilang tatlo magpunta dito sa bar na to tuwing Friday ng gabi. Maya-maya pa’y nagsimula nang magwala ang mga tao sa dance floor, lahat ay sumasabay sa beat ng tugtog, kita mo ang tila ‘wave’ ng mga tao sa kanilang pag talon. Di tumagal nagpalit na ng genre, mula sa party song naging ballad. Panahon na para sa mga pares, magjowa, magkasintahan na magsayaw, panahon na din para hanapin nila Billy at Joanna si Mark.
“Huy Mark! Tara na uwi na tayo.” Sabi ni Billy sabay akbay pero tinabig agad to ni Mark.
“Ayoko pa! Magpapakasal pa ko dun oh!” Sabay nguso sa direkstyon ng isang babae na nakaupo sa barstool.
“Patay na.” Bugtong hininga ni Joanna dahil ang narinig at nakita nila ay patunay na lasing na si Mark.
Ganun si Mark pag nalalasing, bigla nalang niyang sasabihin na magpapakasal siya sa kung sinong mang makita niya. Sinubukan ni Billy at Joannang pigilan si Mark gaya ng lagi nilang ginagawa pero wala. Ayaw magpaawat ng loko.
“Bahala ka na Mark. Uwi na kami ni Billy.”
“Sure kayo? Ayaw niyo um-attend ng kasal ko?”
“Pupunta nalang kami sa kainan.” Sagot ni Billy na sinasakyan nalang ang kalasingan ng kaibigan.
“Bahala kayo pero sinasabi ko sa inyo, pakakasalan ko talaga to. Totoo.” Sabi ni Mark ng pagewang-gewang at pikit ang mata gaya ng kung pano kumilos ang mga lasing na tao.
“Sige na. Basta siguraduhin mong uuwi ka ha.” Bilin ni Billy bago umalis.
“Di na! Honeymoon ko tapos pauuwiin mo ko?!” Sabay tawa at kaway sa dalawang kaibigan.
“Okay lang kayang iwan yan dito Billy?” Pagaalalang tanong ni Joanna habang palabas sila ng bar.
“Di ka na nasanay. Tara na.” Kampante si Billy na iwanan si Mark sa bar dahil halos isang taon na niya tong ginagawa.
“Nasa’n na fiancé ko? Nandito lang siya kanina e.” Sabi ni Mark sa sarili sabay sa pagupo niya sa barstool malapit kung saan niya huling nakita ang babae. Hinanap niya ito, nilibot ng mata niya ang buong lugar pero wala. Yumuko siya’t konti nalang ay makakatulog na hanggang sa kinalabit siya ng bartender at sinabing,
“Yun ba sir yung hinahanap niyo?” Tila nagising ang buong pagkatao ni Mark nang makita niya lumakad yung babae mula sa restroom palapit sa kanya.
“Akala ko nawala na kita.” Sabi ni Mark.
“Ano?” Kita sa mukha ng babae na nabigla siya sa mumunting salita ng lalake.
“Anong pangalan mo?” Tuloy na pagtanong ni Mark.
“Pauline…”
“Will you marry me Pauline?” Sabi ni Mark sabay luhod sa harap ni Pauline.
“Ano munang pangalan mo?”
“Mark.”
“Then YES! I do. I’ll marry you Mark.” Sabi ni Pauline ng walang pagaalinlangan.
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen FictionOriginally an English Fanfiction in a certain site. (Story plot stays pero... Binago ko yung title at characters. - not risking that fic to be known. Lmfao.) But I'm uploading and translating it in Filipino for that specific person to read. ;) Rofl...