Chapter 2- We meet again

82 3 7
                                    

"Oi...ano na? nakaready na ba resume mo??"

"Oo eto na oh..."

ang aga naman akong sinundo nitong si Tricia...sabagay may pasok pa rin sya pero sasamahan na muna daw nya ako dun sa school na apg-aaplyan ko...

"Wow! pusturang-pustura ah..." si Levin..yung tingin nya parang nang-aasar lang...

"natural! alangang di ako mag-ayos eh mag-aaply nga ako..." sagot ko

"naku...may pinapagandahan ka lang dyan eh..." si Tin

"Oo nga Vian...hahaha! pano pa gnagkita ulit kayo?" si Aly

"Edi nagkita..."naisuot ko na rin yung sandals ko..."O pano..good luck sakin...tara na Trish..." aya ko kay tricia.

"GOOD LUCK VIAN!! MATATANGGAP KA NYAN! ANG GANDA MO EH!" si Tin

"GOOD LUCK VIAN!!" sigaw nila Levin at Alysa

"Ok ka lang??" tanong ni Tricia..kasalukuyan na akming naglalakd papunta dun sa school...

"ha? O-oo..oo naman..." tapos ngumiti ako...pero alam kong hindi buo yung ngiti ko...

pano nga kung magkita kame..anong dapat kong gawin?

anong dapat kong i-react??

"Sure ka??"

tumango ako...

"Trabaho ang ipinunta ko dito...wag nga kayon ano..."

"Ok...sabi mo eh..."

nakarating na kame sa school...

agad naman kaming pinapasok...

alam naman na pala kasi na pupunta kame dun..andun na yung tita ni tricia..

dumirecho na kame sa office...

saglit lang na nakipag-usap muna dun si tricia tapos nagpaalam na din...papasok n rin daw sya...

naiwan ako dun..tapos ininterview ako...

tinanong ako kung ok lang sakin kung saang subject man ako ilagay...syempre umoo ako...madali na lang yun...

mabait naman...at mukang tanggap na ako...

"tita, ok na po yung mga computers...ok na rin po yung connection...pwede na po ulit gamitin..."

parang umakyat lahat ng dugo ng marinig ko yung boses...

isang pamilyar na boses...

boses na kahit minsan ko lang marinig ay hinding-hindi ko makakalimutan...

"Salamat Anthony...Ah nga pala...pasok ka muna..."

naramdaman kong pumasok na sya...tapos umupo sya sa tapat na upuan...

para akong naging isang matigas na bloke ng yelo...

hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko...

pinilit kong hindi tumingin sa kanya...pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko...

i missed him so much...

nakita kong unti-unting nawala ang ngiti sa muka nya ng makita ako...

i felt sad...

"Anthony, meet Ms. Bandilla...she will be our new computer teacher...Ms. Bandilla...meet Anthony...sya ang official na taga-ayos kapag may mga problems regarding our school's computers...Ahmm..I'm sorry Ms. Bandilla...but are you ok teaching computer?"

"Ms. Bandilla?? Are you ok??"

sandali akong nablangko...bumalik lang yung ulirat ko nung narinig kong tumikhim si Anthony...

In Love's Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon