So, totoo pala ang tsismis?
Pagak akong natawa sa loob-loob ko at saka pa tumingala sa kalangitan, kasabay nang pagbuga ko sa usok ng sigarilyong hinithit ko. Ang hirap din pala minsang magtago at ilihim iyong mga bagay na ayaw mong malaman ng iba.
"How is she?" Dinig kong pagtatanong ng lalaking nasa tabi ko, kaya ay nilingon ko ito.
Wala sa sarili nang mapagmasdan ko ang bandang leeg nito kung saan bulgar na nagtataas-baba ang adams apple niya, tanda nang malalim niyang paghinga. Nagbaba pa ako ng tingin sa necktie nitong wala sa ayos.
Maging ang paunang tatlong butones ng panloob niyang white polo ay nakatanggal, kaya abot-tanaw ko ang dibdib nito. Katulad ko ay nakasandal ito sa malamig na pader mula sa 'di kataasang building.
Naroon kami sa tabi ng kalsada, gilid mismo ng isang convenience store habang parehong may hawak na yosi. Panay ang hithit at buga namin doon na halos mapuno ng usok ang paligid naming dalawa.
Napahinga ako nang malalim, bago itinaktak ang sarili kong yosi. Nagbaba pa ako ng tingin sa paa kong paulit-ulit na tumatapik sa patag na lupa. Sa suot naming pormal, nagmukha lang kaming nag-cut ng oras sa trabaho.
"Just like the usual, she's fine," sagot ko at saka pa mapait na napangiti. "Malapit na ang graduation niya..."
"Should I come?" aniya sa malamig na tono.
Dagli akong umiling. "Huwag, baka mapagkamalan ka niyang ikaw ang tatay niya sa oras na magpunta ka roon."
"What do you mean?"
"Nabanggit niya sa akin kagabi 'yung pangungulila nito sa ama niya. Nasabi rin ni Anna na gusto niya itong makita kahit sa graduation day man lang," mahabang palatak ko habang walang mababakas na emosyon ang mukha ko.
Ganoon pa man ay halos nagkukumahog ang dibdib ko sa malakas na pagtibok ng puso ko. Napanguso ako sa kawalan, wala na iyong presensya ni Andrew ngunit para pa rin akong hinahabol ng mga kabayo.
"What did you say?" dagdag na tanong nito.
Nilingon ko ito. "Kanina ka pa english nang english diyan, tantanan mo na ako at dumudugo na ang ilong ko."
Sa sinabi ko ay malakas itong humalakhak, akala mo ay walang dinaramdam na problema sa buhay kung kaya ay inismiran ko ito. Mayamaya lang nang itapon niya ang naubos nitong sigarilyo sa gilid.
"Bigyan mo ng chance 'yung bata. Iparanas mo rin sa kaniya kung paano magmahal si Andrew... bilang ama sa kaniya."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Madali kasing sabihin, pero ang hirap pala. Tingin ko naman ay hindi hinahanap ni Drew ang bata, naging sapat na sa kaniya na may anak kami ngunit wala naman akong nakitang effort na gusto niyang makita si Anna.
Baka nga matagal na rin niyang ibinaon sa limot ang anak namin, katulad kung paano nito iwan sa nakaraan ang pagmamahal niya sa akin. Sa katotohanang iyon ay naging kibit ang balikat ko, kapagkuwan ay napaismid.
"Sige na, lumayas ka na at baka pagpiyestahan na naman ako nina Aling Lukring," saad ko at saka pa umahon sa pagkakasandal ko.
Itinapon ko na rin ang upos ng sigarilyo ko at minabuting apakan. Siya namang harap ko rito at tiningala siya, inaayos na rin nito ang black tuxedo niya. Mayamaya lang nang tumuwid ito ng tayo sa harapan ko.
"Kailangan mo ba ng pera?" alanganing sambit niya, marahil sa ilang beses na itinatanong nito iyon ay ilang ulit din akong tatanggi.
Umiling-iling ako. "Hindi na. Actually, bukas ay papasok na ulit ako sa Dela Vega Publishing House. May trabaho na ulit ako."
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
Ficción General(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...