Nakakaasar talaga ang daga na 'yon. Ako, menopause? Sundutin ko kaya ang ngala-ngala niya? Napairap ako sa ere, kung hindi ko lang ito nautusan ngayon ay baka kanina ko pa siya pinahiran ng dugo ni Satanas.
Mayamaya lang nang marinig ko ulit ang pagbukas-sarado ng pinto sa labas, saka naman may dumulas na isang plastic bag sa baba ng pintuan na siyang sinipa ni Andrew papasok sa loob ng cubicle ko.
Kaagad ko iyong kinuha, napanganga pa ako nang makitang napakarami no'n at iba-iba ang brand name. Haler, apat na araw lang akong nireregla at hindi isang buwan. Niliteral niya ba ang salitang kabuwanan?
"Hoy, ba't ang dami nito?" palatak ko kay Andrew na alam kong naroon pa rin sa labas.
"Hindi ko alam kung anong brand ang gamit mo, kaya binili ko na lahat." Dinig kong sagot nito.
"Wow, yaman. Sana all."
Matapos kong kumuha ng isang pad ay mabilis ko lang inayos ang sarili, pasalamat na lang ako na may tissue paper pang natira sa loob. Nang maging okay na ang lahat ay minabuti ko nang tumayo at saka nag-flush.
Dala ang plastic bag nang mabuksan ko ang pinto. Nagulat pa ako sa presensya ni Andrew kung saan naroon ito banda sa sink at nakahilig ang kalahating katawan doon kung kaya ay mabilis pa sa kidlat na nagtama ang mga mata naming dalawa.
Nakita ko ang nabuburyo niyang mukha, partikular ang walang emosyon nitong mga mata ngunit naging kibit ang balikat ko. Napanguso ako, bago dumeretso sa sink upang makapaghugas ng kamay.
Kung ano iyong ikinadaldal naming dalawa, ngayon ay tila nahulas ang lakas ng loob namin na hindi namin magawang makapagsalita. Sinundan lang din ako ni Andrew ng tingin at maang na pinapanood.
Hindi ko man din siya lingunin ay ramdam na ramdam ko ang mainit nitong paninitig sa kabuuan ko, mula pa sa peripheral vision ko ay natanaw ko ang pagpasada niya nang mapanuring tingin sa suot ko.
Mahina akong tumikhim, kapagkuwan ay isinarado ang faucet. Doon ko lang din tuluyang nilingon si Andrew kung saan naabutan ko pa ang pagbagsak ng tingin nito sa sahig, rason para mapaismid ako.
Wala pa sa sarili nang ilahad ko sa harapan nito ang hawak kong plastic bag, kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang paggitla sa noo nito habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ako.
"Thank you," mababang boses na pahayag ko.
"Anong gagawin ko riyan?" palatak nito at saka pa itinuro ang plastic na puno ng mga napkin.
"Ibabalik ko na, isa lang naman ang kailangan ko ngayon."
"Kahit sa 'yo na 'yan. Ano bang gagawin ko riyan, hindi naman nakakain 'yan."
"Ay, akala ko ay nireregla ka rin," sambit ko at madaliang binawi ang kamay.
Sa sinabi ko pa ay bulgar na namilog ang mga mata ni Andrew, kasabay nang pagbagsak ng panga nito sa sahig. Inis na inungasan niya ako na kulang na lang ay i-Batista ako nito.
"Anong bang akala mo sa akin? Bakla?" singhal niya dahilan para mapatakip ako sa magkabilaan kong tainga.
"Oh, kita mo, nireregla ka na naman," ungot ko at madalian siyang nilampasan at tinalikuran.
Deretso kong tinungo ang pinto, rinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Andrew na patuloy sa kaniyang pagkayamot. Natawa na lamang ako at nailing-iling sa kawalan, natanto ko na mas naging kumportable na kami sa ganoong sitwasyon.
Iyon bang parang aso at pusa na nag-aaway kahit sa maliliit na bagay. So, sa madaling salita ay wala nang pag-asang magkaayos pa. Napanguso ako, tangkang aabutin ko pa ang doorknob para buksan nang sumigaw si Drew.
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
Ficción General(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...