Chapter 10

677 51 0
                                    

Kinagabihan ay hindi ko alam kung paano pa ako makakatulog, sa mga nangyari at sinabi kanina ni Andrew ay naging paulit-ulit iyon sa utak ko. Tila ba sa nagdaang oras ay iyon at iyon na lang ang naririnig ko.

Wala ako sa sarili, maigi ko pang ina-analyze hanggang ngayon ang huling salitang binitawan niya. What does he mean by that? Ibig bang sabihin ay may parte pa rin sa puso ni Andrew ang umaasa na magkakabalikan kami?

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kanina, namalayan ko na lang na natutulala ako. Hindi pa maiwasan na may umalpas sa puso na mumunting saya sa katotohanan na may pag-asa pa kahit papaano.

Ngunit kung ganoon nga, paano si Jinky? Sino sa amin ang mas nakaiintindi? Alam ko na malawak din ang pang-unawa ni Jinky, pero hanggang saan ang kaya niyang intindihin? Kung sabagay, hindi ko pa pala nasabi sa kaniya ang tungkol sa amin ni Andrew.

Huminga ako nang malalim, bago nagdilat ng mga mata. Bumungad sa akin ang coat ni Andrew na naka-hanger at nakasabit sa gilid ng sala, pinapatuyo ko iyon dahil medyo nabasa kanina ng ulan.

Wala sa sarili nang mapatitig ako roon, kapagkuwan ay napangiti. Hindi hamak na siya nga iyong lalaking minsan kong minahal noon, iyong lalaking caring at responsable na dahil kung bakit din ako nahulog sa kaniya noon.

Marami akong rason noong minahal ko si Andrew, bukod pa sa napakabuti niyang tao ay wala na akong mahihiling pa. Bukal sa puso rin akong tinanggap ng magulang nito, kamag-anak at mga kaibigan niya.

Wala akong masabi noon kung 'di pasasalamat na nakilala ko si Andrew. Minsan kong naramdaman na he's too much for me, saka ko natanto na iyong mga kulang sa pagkatao ko ay siya ang bumuo.

Simula nang magkamalay ako ay wala na akong nakagisnang magulang, wala akong naabutang ina at ama dahil maaga rin silang nawala sa buhay ko. Ang nagpalaki sa akin at tumayong magulang ko na rin ay si Nanay Hilda, ang bunsong kapatid ng biological mother ko.

Sa kadahilanan pang hindi sila magkaanak ng asawa niya ay wala akong naging kapatid, wala akong naturingang kalaro at kaibigan noon. Pinagkaitan ako ng pagmamahal sa totoo kong magulang, pero pinunan iyon sa pamamagitan ni Andrew.

Kaya isang beses ay nasabi kong hindi ko kayang mawala sa akin si Andrew, pakiramdam ko kasi ay ikamamatay ko. Ngunit nagkamali ako dahil habang nasa piling niya ako ay doon ko mas nararamdaman ang unti-unting paghihingalo ng buhay ko.

Iyon ang naging rason ko kung bakit mas pinili kong sumama sa iba at magpakalayu-layo habang ginagamot ang sarili. Ang dami nang nagawa ni Andrew, iyong tipong ayoko nang dagdagan pa ang iisipin at problema niya kung kaya ay nagdesisyon akong iwan siya.

Saka ko na-realize na ang laki ng naging pagkakamali ko sa desisyon kong iyon, ang tanga ko para hindi isipin ang magiging kahihinatnan naming dalawa. Literal na nabulag ako sa perang ipanggagamot sa akin.

Ang buhay dati ay hindi pa naman ganoong karangya, sapat nang masasabi kong nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Ganoon din ang pamilya ni Andrew, kaya naisip ko na gumamit ng ibang tao.

Napaismid ako sa mga alaalang nagsusumiksik sa utak ko. Ang ganid ko 'di ba? Ang kapal ng mukha ko, pero ganoon talaga. Lahat naman talaga ng pagsisisi ay palaging nasa huli— ganoon siya katangkad

Huminga ako nang malalim at saka muling pumikit, sa pagkakataong iyon ay tuluyan din akong nakatulog. Kinabukasan nang halos pupungas-pungas ako, nakaligo na ako at nakakain ay tamad na tamad pa rin ako.

Alas tres na yata ako nakatulog kagabi kung kaya ay damang-dama ko ang antok ngayon, sa biyahe pa patungo sa Dela Vega Publishing House ay nakatulog ako. Hindi ko na napansin ang oras, maging kung nasaan na ako.

Love At Second Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon