Chapter 12

670 46 0
                                    

Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko, para lang akong zombie na paroon at parito sa kinalulugaran ko. Nanginginig ang magkabilaan kong balikat, samantala ay halos mapudpod naman ang mga kuko sa daliri ko sa kangangatngat ko roon.

Wala akong maintindihan sa paligid, o mas magandang sahihin na literal na nawawala sa mundo ang kaluluwa ko. Lumilipad ang utak ko, wala ako sa tamang huwisyo upang makapag-isip ng tama.

Pagod ako buong maghapon ngunit hindi ko iyon maramdaman ngayon, para bang namamanhid ang buong katawan ko, kasama nang panlalamig kahit pa hindi naman ganoon kalamig sa loob ng hospital.

Damang-dama ko ang bawat pagtulo ng pawis sa noo at leeg ko, gayon pa man ay hindi ko na iyon pinansin pa. Kalaunan nang mapahinto ako sa ginagawang paglalakad at saka pa maang na napatitig sa kawalan.

Sa malawak at pahabang hallway na iyon ay walang masyadong tao, sa nagdaang oras ay mas marami ang pagkakataon na ako lang ang nandoon kung kaya pakiramdam ko pa ay para akong nilalamon ng liwanag.

Mula sa kulay puting dingding, sa nakasisilaw na puting ilaw at sa katahimikang namumutawi sa kabuuan ng hallway. Kasabay pa nito ay ang malakas na pagtibok ng puso ko na ano mang oras ay kakawala na lang iyon sa dibdib ko.

Natuyo na lamang din ang luha sa pisngi ko. Hindi ko namalayang pasado alas otso na ng gabi, hindi ko na nga alam kung ano pang itsura ko at hindi ko na rin ininda iyong gutom na kanina pang bumubutas sa tiyan ko.

Wala na akong mailuha ngayon sa higit isang oras kong pagtangis kanina, tila ba natuyo na lang din ang katawan ko at para akong lantang gulay. Sa totoo lang ay gusto kong magwala, pero wala akong lakas.

Masyado akong nanghihina sa katotohanan na nasa loob ng emergency room ang anak ko— si Annalisa habang nag-aagaw buhay. Hindi ko na nga alam kung ano pang dasal ang gagawin ko dahil lahat na ng santo ay nabanggit ko na.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung kumusta na ba sina Andrew at Jinky. Wala na akong naging pakialam pa sa kanila, kahit pa alam kong sobrang saya nila habang ako rito ay hindi na alam kung paano pa kakalma.

Ewan ko, dasal ako nang dasal ngunit ngayon ko mas napatunayan na paborito ako ng Diyos na pahirapan. Tipong sa dinami-rami ng populasyon ng tao sa buong mundo ay ako palagi ang nakikita niya.

Puro si Elsa, si Elsa na lang parati— si Elsa, ako na lang palagi. Hindi ko man lang magawang maging masaya, mas marami pa iyong pagkakataon at panahon na umiiyak ako, na natatakot ako at naghihirap ako.

Mahirap bang pagbigyan iyong kahilingan ko na sana ay sumaya man lang ako? Kahit alam ko sa sarili na marahil ay ito ang kabayaran at karma ko sa nangyari noon sa amin ni Andrew, pero please lang— huwag naman si Annalisa.

Kahit ako na iyong mahirapan, kahit ako na lang iyong masaktan at mag-agaw buhay, huwag lang ang anak ko. Huwag lang iyong kaisa-isahang tao na pinagkukuhanan ko ng lakas, huwag iyong taong kasiyahan ko.

Kasi tanggap ko na, kahit pasurahan ako nang paulit-ulit ay ayos lang, basta makita ko lang ang anak ko na nasa maayos na kalagayan. Makita ko lang siyang mapabuti, magkaroon ng magandang kinabukasan ay okay lang ako kahit anong ibato sa akin.

Wala sa huwisyo nang masapo ko ang mukha ko nang maramdaman ko ang pagtatangkang sumabog ng emosyon ko, tahimik ko ngayong kinikimkim iyong sakit at takot. Kalaunan nang mapaupo ako sa mga nakahilerang upuan sa gilid ng hallway.

Ngunit kaagad din akong napatayo nang marinig at makita ko ang pagbukas ng pinto sa room na pinagdalhan kanina kay Anna. Ako na rin mismo ang lumapit sa doctor nang lumabas ito na halos pagod na pagod ang itsura.

"Doc, ano pong resulta? Kumusta po ang anak ko? Okay lang naman po siya, hindi ba? Wala naman siyang sakit? Magigising pa naman po ang anak ko 'di ba? Babalik pa naman siya sa akin 'di ba?" sunud-sunod kong sambit na punung-puno ng pag-asa at pag-aasam.

Love At Second Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon