Hindi na ako nakapagsalita sa sinabing iyon ni Andrew, nagmukha pa akong uod na binudburan ng asin nang matanto kong tama nga ito at wala akong suot na bra. Dali-dali kong iniakap ang dalawang kamay ko sa dibdib ko, siya namang pagtawa ni Andrew.
"Okay lang 'yan, wala naman akong nakita," tumatawang banggit niya dahilan para mas lalong mamula ang magkabilaan kong pisngi.
Ramdam na ramdam ko ang ang pag-iinit ng batok at tainga ko, kasabay ng ulo ko na ano mang oras ay sasabog ako na parang bulkan. Inis na binalingan ko si Andrew, baka sakali na makuha ito sa tingin.
Naiinis din ako sa sarili kung bakit ko ba ipinaglaban pa kay Anna itong suot ko, sana ay nakinig na lang ako sa kaniya kanina na magpalit ng damit. Ngayon ko mas na-realize na mas matalino ang anak ko kaysa sa akin.
"Na-bother lang ako, akala ko ay totoong nakaumbok ang nguso ni Hello Kitty," dugtong ni Andrew na halatang inuudyo ako.
"Hoy! Gago ka ba?" usal ko rito habang pinanlalakihan siya ng mata.
Siya namang pagseseryoso nito. "Iyang bibig mo, kapag narinig talaga ni Anna iyang pagmumura mo ay baka iwan ka niya."
Literal na nagpantig ang dalawang tainga ko, gusto ko pa sana itong sugurin at patikimin ng special back kick na itinuro pa ni Chloe ngunit hindi ko na nagawa sa kahihiyan ko sa katotohanang wala akong bra.
Inirapan ko na lamang ito, mayamaya lang nang malingunan ko ang kotse. Pilit ko pang inaaninag ang loob nito, partikular ang pwesto sa passenger's seat ngunit wala naman akong makita roon bukod pa kay Anna na nasa likod.
Napahinga ako nang maluwang, siya namang baling ko kay Andrew na tahimik akong tinitigan. Kung anu-ano na siguro ang pumapasok sa utak nito, kung hindi ko lang alam na may girlfriend ito ay baka isipin ko nang minamanyak ako nito.
"Anyway, hindi mo ba kasama si Jinky?" pukaw ko sa atensyon niya, bilang sagot pa ay umiling siya.
"It's her restday, ayoko siyang gambalain. Isa pa ay palagi ko naman siyang nakikita sa trabaho," mababang boses na pahayag niya.
Tumango-tango ako. "Okay. Have a nice day ahead. Pakiingatan na lang si Anna, iuwi mo rin siya bago magdilim."
"Copy." Tipid itong ngumiti at saka pa bahagyang tumalikod upang buksan ang pinto sa gilid niya. "May gusto ka bang pasalubong?"
Bulgar na nalaglag ang panga ko sa sahig, hindi pa makapaniwalang napatitig ako sa mukha ni Andrew habang pilit kong hinahanap ang pagbibiro sa dalawang mata nito. Minsan talaga ay sala sa malamig at sa init ang mood niya.
"Napkin?" segunda nito, rason para maglaho rin ang mga maliliit na paru-paro sa tiyan ko.
Muli ko siyang inirapan. "Diyan ka na nga!"
Hinawi ko ang buhok ko, kapagkuwan ay wala nang lingun-lingon na tinalikuran ko ito. Lakad-takbo pa ang ginawa ko para lang mapadali ang paglayo ko sa kaniya dahil ayokong lingunin pa siya.
Tumigil lang din ako nang sa tingin ko ay malayo na ang narating ko, nang hindi rin makatiis ay isang beses kong nilingon ang pwesto nila ngunit hindi na iyon umabot pa sa paningin ko kung kaya ay kibit na lamang din ang balikat ko.
Nang makapasok sa bahay ay padarag akong napaupo sa may sala at maagap na sinapo ang dibdib ko kung saan damang-dama ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, marahil sa kaninang pagtakbo ko.
Ngunit alam ko na sa loob-loob ko ay naroon pa rin ang mumunting kakiligan ko na ayokong i-tolerate dahil na rin sa reyalisasyong hindi na pwede. Andrew and Jinky are now happy together and I respect that.
Para malibang ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko at saka iyon binuksan. Nagulat pa ako nang maging sunud-sunod ang pagtunog at pag-vibrate nito para sa pagdagsa nang maraming text messages.
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
Художественная проза(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...